PIGIL ang ngiti sa mukha ni Daniel ng mapansin ang pagka-ilang ni Sofia. 'Agad siyang tumayo. "Hindi ka na nakadiretso?" nakangiting wika sa dalaga. Ito ang unang pagkakataon na nakaapak ito rito sa kompanya ko dito sa Australia. At 'di maikakaila sa magandang mukha nito ang pagkabalisa. Pansin kong 'agad itong naghalungkay sa bag nito. "Ito nga pala iyong nagawa--" "Wala man lang bang good morning diyan? At bakit mukha kang nagmamadali? Maupo ka muna nga." Hinawakan ko ang siko nito, ngunit 'agad lumayo at nauna ng lumakad papunta sa visitor's chair. Lihim na nakagat ni Daniel ang ibabang labi niya. The more na umiiwas ito, the more na nababaliw siya upang lapit-lapitan ito hanggang sa bumigay ito sa kaniya. Lalo siyang binabaliw sa kakaiwas nito. 'Di siya sanay. Totoo ngang na

