CHAPTER 4 (SOFIE)

1521 Words
“May problema ba?” tanong ko sa kakambal. Nagtataka lang ako, simula kanina nanatili itong tahimik at kung minsan naman natutulala ito. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Binalot ng kalungkutan ang magandang mukha nito. “Hindi ko kasi akalain na may nagugustuhan na pala si Alex, Sofie. Ngayon pa lang parang gusto ko ng umiyak! Hindi ko yata matatanggap kung makikita itong masaya sa ibang babae.” Kandahaba ang nguso nito. Sandali naman akong natahimik. Noon pa man ipinagtapat na nito sa ‘kin na gusto nito si Alex. Na hindi kapatid ang turing nito sa binata kun’di pinapangarap nitong balang araw ito ang mapapangasawa nito. Kahit ako man, nagulat din ng malamang may nagugustuhan na pala ang lalake. Nakapagtapos na kasi ito lahat-lahat, wala naman nababalita ritong may kinakalapit na babae. Minsan iniisip ko na baka si Sofia rin ang gusto nito? Kasi ito lang naman ang laging nakakasama nito. “Ang sakit e! Ni hindi man lang nito nababanggit sa akin kung sino ang babaing nagugustuhan nito?” Napalunok ako ng lalo itong malungkot. “Samantalang ako ang lagi niyang nakakasama. Hindi ba siya nagagandahan sa akin?” Bigla itong lumingon sa akin. “Hindi ba ako maganda Sofie? Kasi malambing naman ako sa kaniya, ginagawa ko naman ang lahat para ma-realize niya na nasa akin ang katangiang hinahanap niya sa isang babae.” Akmang magsasalita ako ng maunahan ako nito. “Iniisip ko palang na kaklase niya ang babaing nagugustuhan niya, parang mababaliw ako. 'Di ako papayag na maagaw si Alex sa akin!” At bigla itong suminghot. Titig na titig naman ako sa kakambal. Nang bigla itong lumingon sa akin. Hinawakan ang kamay ko. “Sofie, sabihin mo sa akin? Ano sa tingin mo ang kulang sa akin? Matalino—” Kaagad akong umiling. Nakaramdam ako ng awa para sa kakambal. Alam ko kung gaano nito kagusto si Alex. Kaya nga noon pa man, lumayo na ako sa binata. “Maganda ka Sofia. Lahat ng katangiang hahanapin ng isang lalake, nasa iyo na. Mabait ka, malambing at mapagmahal. Bukod doon, matalino at sexy ka pa.” At bahagya itong nginitian. Ngunit nanatili itong nakasimangot na parang maiiyak. Hinaplos ko ang tuwid na tuwid nitong buhok. Mahal na mahal ko ang kakambal. Kaya nga kahit noong mga bata pa kami, kahit gusto kong makipaglaro kay Alex, hindi ko magawa at selosa ang kakambal ko. Naalala ko pa noon, na mahilig itong mang-agaw ng laruan. Gusto rin nitong nasa kaniya lang ang atensyon ni Alex. Ayaw din nitong nasasapawan. Kaya nga hanggang tanaw ko na lang si Alex. Hanggang ngayong malalaki na kami, nakasanayan ko ng hindi kinakausap ang binata. Ayokong pagselusan ng kakambal. Ngunit hindi ko naman maitatanggi na kung minsan nahuhuli kong nakatingin si Alex sa ‘kin. Hindi ko nga maintindihan na para bang may ibig sabihin ang mga titig nito sa akin. O baka nagkakamali lamang ako at may kakaiba lang akong nararamdaman. “Pero bakit hindi niya ‘ata iyon napapansin? Tapos may iba na pala—” “What if, ikaw ang tinutukoy niya?” wika ko sa kakambal upang mahinto na ito sa kakaisip. Pansin ko na bigla itong natigilan. Awang ang labing napalingon sa akin. Hanggang sa nanlaki ang mga mata nito. Nagulat pa ako ng bigla itong tumili at niyakap pa ako. “Gosh! Bakit hindi ‘yon pumasok sa isip ko?” Nangislap ang mga mata nito. Bahagya naman akong ngumiti. Hindi pa ito nakuntento, tumalon-talon pa sa ibabaw ng kama. “Hindi kaya ako nga ang gusto ni Alex, Sofie?” nakangiting tanong nito sa akin. “Posible. Ikaw lang naman ang laging nakakasama niya. Wala rin naman tayong nababalitaang may nakakasama siyang ibang babae kahit sa campus nila.” At lalo itong tumili. Humalakhak pa sa sobrang tuwa! “Napagkakamalan ngang magkasintahan kayo, ‘di ba?” dagdag ko pa. Namula ang magkabilaang pisngi nito. “Oh, thank you Sofie. Sa sobrang selos at takot na namuo sa pagkatao ko, hindi ko na naisip ang bagay na iyon!” Tumitig ito sa mga mata ko. ”Ako na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa oras na magtapat si Alex sa akin!” kinikilig na wika nito sa akin. At muli ako nitong niyakap. Sa likod ng mga ngiti ko, nagtatago ang kalungkutan at kabiguan. “Masaya ako kung saan ka masaya, Sofia.” At dahil sa tuwa nito, hinalikan nito ang pisngi ko. “Magbihis ka na, Sofie. Naeexcite na akong makita si Alex!” Dinampot nito ang napakagandang dress. Tamad naman akong napahiga. “Inaantok na ako. Kayo na lang nila mommy pumunta. Sabihin—” Napahinto ako ng bigla itong bumaling sa akin. “Sofie naman. Magtatampo sila tita kapag hindi ka nila nakita. At baka isipin ni Alex, hindi ka man lang masaya para sa pagtatapos niya. At saka hahanapin ka sa ‘kin ni Nhikira.“ Sandali akong natahimik. Hanggang sa hilahin nito ang braso ko. “Magbihis ka na. Hindi na ako makapaghintay na makita si Alex!” Nagningning ang mga mata nito. ALAS otso ng gabi. Kanina pa palingon-lingon si Alex sa pintuan. Hindi siya mapakali habang ‘di nakikita ang pamilyang Domingo. Dumarami na rin ang mga bisita. Abala naman ang kaniyang mga magulang sa pakikipag-usap sa mga bisita. “Hey bro, kanina pa kandahaba ang leeg mo diyan ah!” panunukso ni Buddy. Ang matalik niyang kaibigan. Tumikhim naman si Cael. “Hinihintay niya kasi ang baby niya!” Bigla naman akong napangiti sabay siko sa kaibigan. Natawa naman ang mga ito. Hindi ko talaga maiwasang kiligin sa tuwing tinutukso ako ng mga ito sa dalaga. Nang biglang sumipol si Leo. “Mukhang nandiyan na ang pinakahihintay mo, bro!” Parang kidlat na lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napatayo ako ng tuwid ng makita ang sasakyan nila Tito Daniel. Tinapik naman ako ni Santy. “Goodluck!” Bigla akong napangiti ng makitang nagmamadaling bumaba si Sofia. Kakamot-kamot na lang sa ulo ang isang tauhan nila tito. “Kuya Alex!” biglang sigaw nito. Iiling-iling akong napapangiti. Tumakbo pa talaga ito palapit sa akin. “Madapa ka,” wika ko. Nang bigla itong yumakap sa akin. “Kanina pa ‘yan excited na makapunta rito.” Si Tita Bernadeth. Muntik ng maglaho ang ngiti sa labi ko ng makitang walang Sofie na lumabas mula sa sasakyan. Parang bula na naglaho ang excitement na kanina lang nararamdaman ko. At hindi ko maitatatangging may kung anong kirot sa puso ko ang dumaan sa isiping wala talagang pakialam si Sofie sa ‘kin. Tumikhim naman ako. “Sanay na ho ako kay Sofia, tita!” At pilit itinago ang lungkot sa mga mata ko. Ngiting-ngiti naman si Sofia. Halatang nagpapa-cute pa! “Wala ho yata si Sofie, tita?” kaswal na tanong ko. Hindi na ako nakatiis na alamin kung bakit hindi ito nakasama. O sadyang hindi talaga sumama? “Susunod daw siya hijo. Alam mo na mahilig ‘yon magbasa ng libro!” nakangiting wika nito. “Ganoon po ba?” Pigil na pigil kong mapangiti ng sobra. Mahirap ng mahalata ng mga ito. Hanggang sa mapabaling ako kay Sofia. Nakakapit na naman ito sa braso ko. “How do I look, kuya?” Natawa ako at nagpa-cute pa talaga ito sa ‘kin. “You’re always beautiful, Sofia!” At kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito. Tumikhim naman si Tito Daniel. “Naku, hahaba na naman ang tainga niyan!” “Daddy!” sabay nguso ni Sofia. Sabay naman kaming natawa ni Tita Bernadeth. PASADO alas Diyes ng gabi. Halos manlupaypay na ako at hindi pa rin dumarating si Sofie. “Relax bro, darating siya,” wika ni Buddy. Isang buntong hininga ang isinagot ko rito. Hanggang sa napatungga ako ng alak. “Princess,” biglang pagtawag ko kay Nhikira. Lumunok muna ako bago nagawang magsalita. “Yes, kuya?” “Hindi ka yata sinipot ng bestfriend mo?” kaswal na wika ko. Napanguso naman ito. “Hindi ko nga alam kung pupunta siya kuya e.” Lalo akong nanghina. “Kuya Alex, sayaw tayo?” yaya ni Sofia. Sandali ko itong natitigan. Sa tuwing nakikita ko ito, parang nakikita ko na rin si Sofie. Pero may pagkakaiba pa rin talaga sa dalawa. “Baka matunaw ako niyan, kuya!” Doon ako natauhan. Napatitig na pala ako rito. “Bawal mainlove, kuya!” sabay hagighik nito. Biglang tumaas ang gilid ng labi ko. “Kung ano-anong pinagsasabi mo!” sabay kurot sa pisngi nito. Hinila naman nito ang braso ko. “Dance kuya!” Napapangiti na lang ako sa kakulitan nito. Gumigiling-giling pa! Hanggang sa nakisayaw na rin ang mga kaibigan ko. “Go, Sofia!” wika ng mga kadalagahan na nandoon din! Lalo namang naging hyper sa pagsayaw si Sofia. “GOSH, ang sexy talaga ni Sofie. Ang ganda pa!” Biglang kumabog ang dibdib ko kasabay ng paglingon ko. At parang huminto ang mundo ko ng magtama ang mga mata namin sa isa’t isa. Hanggang sa lumipat ang mga mata ko mula ulo hanggang pa nito. And damn! She’s so freaking sexy and stunning!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD