CHAPTER 3

1359 Words
GRADUATION "Congrats 'nak!" wika ni mommy. Maluha-luha pa ito. "Thanks mom!" At niyakap ito ng mahigpit. Lumapit naman si daddy na ngiting-ngiti. "Congrats, son!" Sabay tapik nito sa balikat ko."Proud na proud ako sa'yo!" Tinago ko ang pang-iinit ng mga mata ko sa pamamagitan ng isang ngiti. "Thanks dad! Syempre mana ako sainyo ni mommy!" Sabay ngisi. Niyakap naman ako nito habang napapangiti. "Sino ba naman ang hindi magiging proud, nangunguna yata sa lahat ng kaklase!" Si Tito Danilo habang nakangiti. Niyakap din ako nito. "Maraming salamat, tito," buong paggalang ko rito. May balak yata akong asawahin ang anak nito balang araw! Sumunod naman si Tita Bernadeth na tuwang-tuwa na niyakap ako. Pakiramdam ko nga hindi na ako mahihirapan dito kung sakali mang ligawan ko si Sofie. "Bukod sa matalino na, napaka-guwapo pa!" Papuri nito sa akin. Ramdam kong namula ang magkabilaan kong tainga. Kinilig yata ako! Hanggang sa tumili ang pinakamakulit na si Sofia. Niyakap ako nito ng mahigpit. "Congrats Kuya Alex! I'm so proud of you!" Sabay halik sa pisngi ko. At gaya ng dating kinasayanan ko, ginulo ko ang buhok nito. "Thanks Sofia!" Ipinulupot pa nito ang kamay sa braso ko. Luminga naman ako sa paligid. Nasaan si Sofie? Sa dami ng tao, halos hindi ko ito makita. Imposible naman na hindi ito sumama? Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan. Sa loob ng ilang taon, nanatili pa rin itong tahimik. Wala pa ring pinagbago. Pero ang ganda nito, lalong tumingkad. "Para ka na namang linta, Sofia kung makakapit kay kuya!" Bigla akong napalingon. Si Daniel ang kapatid ko. Salubong na naman ang makapal nitong kilay habang nakatingin kay Sofia na nakakapit sa braso ko. Lihim naman akong napangisi. Alam kong may pagtingin ito kay Sofia. 3rd year high school na ito wala pa ring nobya? At talagang umiinit ang ulo nito sa tuwing nakikita nitong nakahawak sa akin si Sofia. "Hilig mo talagang makialam!" inis na wika ni Sofia kay Daniel. Hindi ito kumibo at tumingin sa 'kin. "Congrats bro!" At bahagya itong ngumiti. Bubulong-bulong naman si Sofia ng makawala ito sa braso ko. Paano ba naman kasi, niyakap ako ng kapatid ko kaya napilitan itong lumayo. "Where's Nhikira?" "I'm here kuya!" Tumatakbo itong lumapit sa akin. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko ng makitang nasa likuran nito si Sofie! Makita ko lang ito, buo na ang araw ko! "Congratulations sa kuya kong mabait at guwapo!" At saka ito humalik sa pisngi ko. Inilabas ko naman ang simpatikong ngiti sa mga labi ko. Alam ko naman kasing nakatingin si Sofie! "Thanks Princess!" At kinurot ko ang nakakagigil nitong pisngi. "Kuya naman e!" Kandahaba ang nguso nito. Natawa naman ang mga magulang namin na naroon. Nang mapatingin ako kay Sofie. Pansin ko ang paglunok nito. "Congrats, Alex." Bigla akong napalunok. Simpleng salita, simpleng pagbati, pero masasabi kong sa lahat ng bumati sa akin ito ang higit na pinaka-especial! "Thank you, Sofie.." Hiling ko na sana naramdaman nito kung gaano kasaya sa puso ko ang pagbati nito sa akin. "Masanay ka na sa kakambal ko. Hindi ka niyan yayakapin!" singit ni Sofia. At muli na naman itong humawak sa braso ko. Natawa naman ang mga naroon. Pansin ko ang pagyuko ni Sofie. NANG biglang magsalita ang kapatid kong si Daniel. "Wala ka bang ipapakilala sa amin, kuya? I mean, girlfriend mo?" Pansin ko ang paglingon ng parent's namin dito. "Walang girlfriend si kuya. Baliw ito!" biglang wika ni Sofia. Lumakas ang boses nito at hindi na maipinta ang mukha. "Ikaw ba ang tinatanong ko? At saka paano mo nasabi? Hindi naman 24/7 lagi mong nakakasama ang kuya ko?" Pansin kong inaasar nito si Sofia. Noon pa man kasi, ayaw na ayaw nitong may lumalapit sa akin na babae. Lagi nitong sinasabi na di pa raw ako handa sa relasyon at nag-aaral pa ako. Natatawa na lang ako at hinahayaan na lang din ito. Lalo na't hindi naman nga ako interesado sa iba. Iniisip ko naman na marahil natatakot itong maagawan ng atensyon. Mga bata pa lamang kasi kami, ito na ang lagi kong nakakalaro at nakakasama. Kaya naisip ko, natatakot itong magkaroon ako ng relasyon at tiyak na mababawasan ang atensyon ko rito. Kung minsan nga iniisip ko, paano kung handa na akong ligawan ang kakambal niya? Matatanggap niya kaya iyon? O pagseselusan niya ang sariling kakambal? Akmang magsasalita ito ng unahan ito ni mommy. "Para talaga kayong aso't pusa. Bakit ba hindi kayo magkasundo? Hindi niyo ba alam na the more you hate, the more you love?" Panunukso ni mommy. Bigla naman akong napangiti. At kitang-kita ko ang pamumula ng magkabilaang tainga ni Daniel at ang pananahimik nito. Para itong sinapol! Natawa naman sila tito at tito gayoon din ang daddy. Napahagighik naman si Nhikira. Samantalang bahagyang napangiti si Sofie. Mukhang boto ito para sa dalawa. Well, kahit ako man. Bagay na bagay sila. "Never tita! Hindi ako magkakagusto sa kaniya. Ang sama ng ugali. Laging galit kahit wala akong ginagawang masama. Bitter yata sa life niya kasi walang girlfriend!" At saka ito tumawa ng nang-aasar. Binilatan pa ang kapatid ko. "Tsk. Bakit ikaw? Wala ka ring nobyo? Sino nga ba naman ang magkakagusto sa babaing isip bata?" Pansin ko ang pag-awang ng labi ni Sofia at ang pamumula ng mukha nito sa inis. Akala ko nga babatuhin na nito ang kapatid ko. Pero sadyang maldita talaga at ayaw patalo. Namaywang ito sa harapan ng kapatid ko. "Dahil may nagugustuhan na akong iba. Hindi ko pa nga lang ipinagtatapat sa kaniya kasi busy pa siya sa pag-aaral gaya ko! E ikaw? Walang magkakagusto sa iyo kasi masama ang ugali mo. Para kang ampalaya na ang pait-pait! At kung may magustuhan ka man, sisiguraduhin kong mas maganda ako doon!" Sabay taas ng noo nito. Pansin ko ang biglaang paglingon ng kapatid ko sa akin. Nagtataka naman ako? "Sisiguraduhin ko rin sa iyo na hindi ka magugustuhan ng lalaking gusto mo." At saka ito tumalikod. Akmang hahabulin ito ni Sofia sa sobrang inis nito ng pigilan na ito ni Tita Bernadeth. "Enough na. Para kayong mga bata. Mamaya niyan kayo rin ang magkatuluyan." "No way! May iba na 'kong nagugustuhan!" Pansin ko ang pagtingin ng mga magulang ko kay Sofia. "Sino naman hija? Dapat makilala na namin siya at ng makilatis." Nagtaka ako ng bigla itong ngumiti at humawak sa braso ni daddy. Parang kidlat na nawala ang inis nito sa kapatid ko ah? Pero sino nga ba ang nagugustuhan nito? Wala yata itong nababanggit sa akin? "Soon tito. Busy pa kasi sa pag-aaral." Tumikhim si Tito Daniel. Ang ama nito. "Tama 'yan anak. Pag-aaral muna ang atupagin." At parang batang tumakbo si Sofia sa ama. "Yes daddy. Sinisigurado ko sa iyong magugustuhan niyo siya." Kita ko ang kislap sa mga mata nito. Napangiti naman ako. NANG biglang bumaling ang tingin ng mga ito sa akin. "How about you, son? Wala ka pa rin bang nagugustuhang babae?" tanong ni daddy. Nagtaka ako ng sikuhin ito ni mommy. "Anong pinagsasabi mo?" pabulong nito. "Tinatanong ko lang. Mas mabuti ng may alam din tayo. What if?" Nagugulumihan naman akong napatitig sa mga ito. "Ah oo nga anak. Graduated ka na lahat-lahat. Wala ka pa naman bang nagugustuhang babae? Okay lang sa 'kin kung wala pa." Si mommy. Natawa ako sa huling sinabi nito. Pati sila tito at tita natawa rin ng mahina. Nang pasimple kong tiningnan si Sofie. At lalong tumibok ang puso ko ng sandaling magtama ang mga mata namin sa isa't isa. Gusto ko sanang ipakita sa pamamagitan ng mga titig ko rito na ito ang babaing minamahal ko. Ngunit alam kong may mga matang nakamasid. "Secret ko na muna ngayon, mom. Lalo na't may iba pa akong kursong pag-aaralan. Kapag nakapagtapos na ako saka ko siya ipapakilala sainyo." "So mayroon nga?" Sabay pa nila Tita Bernadeth. Parang gulat na gulat ang mga ito. Napakamot naman ako sa batok. "Sino siya kuya? Nakakatampo ka naman, may nagugustuhan ka na pala?" Si Sofia. Natawa naman ako. Muli akong napatingin kay Sofie. Ngunit may sarili na naman itong mundo habang kausap si Nhikira. Lihim tuloy akong napabuntong hininga. Minsan iniisip ko kung may chance kaya ako rito? Magugustuhan kaya ako nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD