NAKANGITI pa ako habang bitbit ang lunch box ng asawa. Balak ko itong puntahan sa opisina nito. Sa tagal din naming mag-asawa, ngayon ulit ako pupunta sa kompanya ng mga ito. Unang punta ko no'n, noong fiancé ko pa lang ito. At ngayon ang pangalawang pagkakataon na pupuntahan ko ito. Wala itong alam. Gusto kong surpresahin ang asawa. "Alis na po tayo ma'am?" "Opo." Sabay ngiti sa family driver namin. Muli ko pang sinulyapan ang sarili sa salamin na dala-dala ko na nasa maliit kong pouch. Pasimple ko ring sinuklay ang sariling buhok. Naglagay din ako ng lipgloss sa labi. Pagkahimpil ng sasakyan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob ng kompanya. Sa lobby pa lang napansin kaagad ako ng receptionist na nandoon ng mga oras na 'yon. Kaagad din naman akong pi

