Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Joem sa Gym atmy napatingin na ang kanyang mga kaklase sa kanya lalo na ang grupo ni Cardo na kanina pa pinag iisahan ang kanyang kaibigan na si Carlos.
Habang lumalapit sa grupo si Joem ay pinigilan siya nila Carlos. Tinanong siya nito na may pag aalala sa kanyang tinig.
"Joem, bat pumunta ka parin dito? Pwede mo,naman iwasan ang grupo nila Cardo. Baka kung ano ang gawin nila sayo." Nanlambot ang puso Ni Joem sa sobrang pag aalala na naramadaman ni Carlos ngunit hindi na ito maiiwasa pa.
Tumugon si Joem ng "Hindi na talaga maiiwasan pa ito. Kung iiwasan ko pa ito ay lalo lang tayong pag iinitan ng grupo nila."
"Pero Joem, napakarami nila" bawing sabi ni Carlos habang hawak parin nito ang kamay ni Joem para hindi makalapit sa grupo ng mga siga.
Hinawakan ni Joem ang kamay ni Carlos at sinabi na may malumanay na pagsasalita. "Carlo, salamat sa paalala at pag aalala sa akin ngunit bilang lalaki kailangan ko rin tumayo kung alam kong sumusobra na sila."
Biglang ngumiti si Joem pagkatapos ay sinabing " Hindi natin malalaman kung hindi natin subukang lumaban. Di ba?"
Hindi na napigilan ni Carlos si Joem. "Joem, kung ano man ang mangyari. Magkasama natin harapin ang mga hamon"
Si Carlos na pinipigalan ang kanyang kaibigan kanina ay kasabay na naglalakad na ngayon sa tabi ni Joem.
Bago pa makalapit ang dalawa ay meron na naman pumigil na dalawang dalaga sa kanila.
Si Nica na itinass ang kanyang mga kamay sa gilid para pigilan ang kanyang pinsan at si Joem habang nasa tabi naman niya si Kaera na makikitang may bakas ng pag aalala sa kanyang mga mabibilog at magagandang mga mata.
"Hoy kayong dalawa! Iiwan niyo lang ba kami at hindi isasama. Akala ko ba magkakaibigan tayo. Bakit ngayon iiwan niyo kami?" May inis na nararamdang sabi ni Nica.
Napakamot na lang ng ulo sina Joem at Carlos.
Tumingin si Joem Kay Carlos at sumunod,na lumingon para tignan ang mga dalaga at winika.
"Pasensya na pero hindi ko kayo pwedeng idamay sa desisyon ko na tanggapin ang hamon ni Carlos"
"Hindi naman kami magiging pabigat. Marami na tayong pinagsamahan Joem." Tugon ni Nica habang lumalapit siya at yumakap sa braso ni Joem. Pinagmamasdan lang sila ni Kaera sa likuran tila may gusto ring sabihin ngunit mas pinili muna niyang manahimik.
Pinag isipang mabuti ni Joem itong mabuti. Inisip nya na kung matatalo nya si Cardo sa hamon ay titigil na ang grupo niya sa panggugulo. Mabibigyan din sya ng leksyon. Kung gaganti naman siya ay nagpag isipan nya na lagi na lang isama sa kanyang tabi ang mga kaibigan nya lalo na yung dalawang dalaga para mapanatili nyang ligtas ang mga ito.
"Pak!"
Biglang may malakas na tunog na tumama sa sahig.
Sinipa ni Cardo ang mat kaya naggawa ito ng malakas na tunog na parang may bumagsak.
Dahil dito ay lahat ng nasa Gym ay napatingin sa kanya.
"Hoy!!! Tapos na ba kayong magdrama dyan?" Pasigaw na bulalas ni Cardo na nagngangalit ang kanyang mga ngipin habang padabog siyang naglalakad.
Sa bawat hakbang ay niya ay lalong naghihiyawan ang mga taong nanunuod lang at nag aabang kung anong eksena ang kanilang makikita. Meron pang mga estudyante na nagtawag pa ng iba kaya lalong dumami ang mga bilang ng mga manunuod.
Tumigil si Cardo sa paglakad mga dalawang metro ang layo niya kay Joem. Sumigaw siya
"Joem, nagtatago ka lang pala sa mga kaibigan mo! Akala ko nabahag na ang buntot mo! Bat di na lang natin simulan na ngayon ang laban para umuwi ka na agad na may pasa at masakit ang katawan. Bwahaha!" Malisyosong tawa ni Cardo ang maririnig sa Gym at sinundan pa ng kanyang grupo.
Tsk tsk tsk...
Malumanay ngunit dinig na dinig ito sa buong gym.