I - Best Friend
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Sht! Sino ba namang tatawag ng ganito kaaga?! Kinuha ko agad ang cellphone ko sa side table at nawala naman lahat ng inis ko ng makita ko kung sinong tumatawag.
"Hello?" Sagot ko.
"Good Morning, Tanya!" Masayang sabi nya sa kabilang linya. Napa-ngiti ako nang marinig ko ang masayang boses nya.
"Oh bakit? Ang aga-aga, nanggugulo ka." Pabirong sabi ko sa kanya.
"Anong maaga? Tanghali na oh! Tulog mantika ka talaga." Natatawang sabi nya.
"Ahh.. tulog mantika pala ah? Sige, bye! Humanap ka ng kausap mo!" Sigaw ko naman sa kanya.
"Uyy! Joke lang! Ito naman galit agad. Smile ka na."
At napa-ngiti nga ako dahil sa sinabi nya. Grabe! Iba talaga ang epekto sa akin ng lalaking 'to.
"Ayan, naka-smile ka na. Lalo kang gumaganda."
Nilayo ko ang phone ko sa akin para hindi nya marinig na kinilig ako sa sinabi nya. Hayy.. si Keith lang talaga ang may ganitong epekto sa akin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago bumaling ulit sa cellphone ko. "Hayy.. nang-bola ka pa. Bakit ka ba tumawag?"
"Hmmm.. magpapasama lang sana ako sa'yo."
"Saan naman?"
"Basta! Sasamahan mo naman ako di'ba?"
Matatanggihan ko ba naman 'tong lalaking 'to?
"Okay, Fine."
"'Yon! The best ka talaga, Bes. I'll pick you up at 7 ah."
"Okay, Bes."
"Sige, Bes. Mag-paganda ka ah! Love you!"
Natigilan ako sa huli nyang sinabi. Bumilis din ang t***k ng puso ko sa aking narinig.
"Uyy, Bes. Nandyan ka pa?" Hindi ako naka-sagot agad.
"Uhmm.. o-oo, Bes. Sige bye na!" Nauutal na sabi ko.
"Haha! Sige, Bes. Bye!" Then he hung up.
Nang ibaba nya ang tawag ay bumungad naman sa akin ang picture namin ni Keith na ginawa kong wallpaper ng phone ko.
Bata pa lang kami nang maging mag-best friend kami ni Keith. Mag-kaibigan din kasi ang mga magulang namin kaya naging malapit talaga kami.
At habang lumalaki kami ni Keith ay unti-unti na akong na-inlove sa kanya. Hindi ko alam kung paano nag-simula. Basta isang araw, nagising na lang ako na mahal ko na sya. Mahal ko na ang bestfriend ko...
I don't know if he feels the same pero handa naman akong gawin lahat para mahalin din ako ng bestfriend ko...
~
"Ma'am Tanya." Tawag ni Yaya mula sa baba. "Nandito na po ang sundo nyo."
"Okay, Yaya." Sagot ko. "Bababa na po ako."
Tinapos ko na ang pag-aayos saka bumaba. Naabutan ko si mama sa sala kaya nag-paalam ako sa kanya bago umalis.
"Mom, alis muna ako ah?" Humalik ako sa pisngi nya. "Sasamahan ko lang si Keith."
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Mom.
"I dunno. Hindi nya naman sinabi. Secret daw."
"Hmm.. 'kay. Take care, honey. Umuwi ka agad ha?" Nag-paalam ulit ako sa kanya bago ako lumabas. Sinalubong naman ako ng driver nila Keith. Si Mang Arnold.
"Good Evening, Ma'am." Naka-ngiting bati nya saka binuksan ang pinto. "Pasok na po kayo."
Ngumiti lang ako sa kanya bago pumasok. Akala ko ba si Keith ang susundo sa akin?
"Uhmm.. kuya, nasan po si Keith." Tanong ko nang maka-pasok na rin si kuya Arnold.
"May inasikaso po sa hotel nila. Dun na lang daw po kayo mag-kita." Sagot ni kuya.
"Ahh.. okay po." Sabi ko na lang.
Tahimik lang kami habang nasa byahe at maya-maya lang ay nasa tapat na kami ng The Villamor Hotel, ang hotel nila Keith.
Bumaba na ako agad ng buksan ni kuya ang pinto na sasakyan.
"Sige, Ms. Tanya. Pasok na lang po kayo." Paalam sakin ni kuya.
"Okay, kuya. Thank you po." Naka-ngiting sagot ko naman. Pumasok na ako sa hotel at agad naman akong sinalubong nung babae sa front desk.
"Good Evening, Ms. Tanya. Tara po sa garden. Nag-hihintay na po si Sir Keith."
Hinatid na nya ako sa garden at umalis din sya nang maka-rating kami do'n. Napansin kong walang tao dito sa garden at naka-patay din ang mga ilaw.
Talaga bang dito ako pinahatid ni Keith? Ano naman kayang trip no'n?
Inilabas ko ang cellphone ko para sana tawagan si Keith pero nagulat ako nang biglang nag-bukas ang lahat ng ilaw. Iba rin ang ilaw ng garden ng hotel nila ngayon. Mas marami ito at mas maliwanag kesa sa naka-sanayan.
Napansin ko din na may nag-iisang table sa gitna ng garden. Lalapit na ako do'n nang biglang may tumugtog. Intro pa lang ng song ay nalaman ko na agad kung anong kanta 'to.
♪ You fix your make-up, just so. Guess you don't know that you're beautiful.
Try on every dress that you own, you were fine in my eyes a half hour ago. ♪
Napangiti na lang ulit ako. Alam ko na pakana ni Keith. Isa kasi 'to sa mga favorite songs ko. Ang "You and I" ni John Legend.
Nagulat ako nang may sumabay sa chorus. Ang boses na 'yon.. boses ng bestfriend ko. Boses ng lalaking gusto ko.
♪ And if your mirror won't make it any clearer I'll be the one to let you know.
Out of all other girls, you're my one and only girl. Ain't nobody in the world tonight. All of the stars you make them shine like they were ours. Ain't nobody in the world but you and I.
You and I...
Ain't nobody in the world but you... ♪
Unti-unti syang lumapit sa tenga ko saka bumulong. "Happy birthday, Bes."
Gosh! Oo nga pala! Birthday ko nga pala ngayon! Eh bakit kasi walang bumabati sa akin?
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa sobrang saya.
"T-thank you, bes. Thank you talaga." Naluluhang sabi ko saka yumakap sa kanya. Ginantihan nya naman ako ng mas mahigpit na yakap. Napasandal din ako sa dibdib nya kaya mas naramdaman ko ang init ng yakap nya.
"Haha! No problem, bes. Ganyan kita kamahal eh." Sabay na nag-init ang pisngi ko at ang pag-bilis ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi nya.
"Oh sige na, tumahan ka na. Panget mo umiyak eh. Haha!" Natatawang sabi nya.
"Haha! Loko ka talaga." Sabi ko sa kanya sabay palo ng mahina sa braso nya. Nag-simula na kaming mag-dinner at nang matapos kami ay inaya nya akong sumayaw.
"Pwede ba kitang isayaw?" Inilahad nya sa akin ang kamay nya. Tumango ako at inabot ang kamay nya. Hindi na ako tumanggi dahil kaming dalawa lang din naman ang tao dito.
"Masaya ka ba?" Tanong nya sa akin habang sinasayaw ako.
"Oo naman, thank you talaga ah?" 'Yon na lang ang nasagot ko. Wala na kasi akong masabi, hindi ko na kasi alam kung paano i-describe ang kasiyahan ko ngayon.
~
"Sige, bes ah. Thank you ulit. Nagustuhan ko talaga yung surprise mo." Sabi ko nang makababa ako sa kotse nya.
"Haha! I'm glad that you liked it." Naka-ngiting sabi sa akin ni Keith.
"Sige, bes. Pasok na ako. Ingat kayo ah." Sabi ko. We bid goodbyes then pumasok na ako sa bahay.
"HAPPY BIRTHDAY, ANAK!" Salubong sa akin ni mommy sabay bigay ng regalo nya sa akin. "Sorry kung hindi kita binati kanina ah. Sabi kasi ni Keith, wag na daw muna kitang batiin. May surprise daw kasi sya."
"It's okay mom. Thank you po sa gift nyo." Sagot ko.
"So, how's the surprise." Tanong nya. Napa-ngiti naman ako nang maalala ko yung surprise ni Keith.
"Hmm.. I liked it po. His surprise was great." Naka-ngiting sabi ko kay mom.
After ng ilang kwntuhan ay umakyat na ako sa kwarto ko para makapag-pahinga.
Hayy.. ang saya ko talaga..
Sino ba namang hindi sasaya 'pag naka-sama mo ang lalaking gusto mo sa espesyal na araw mo.
Tiningnan ko ulit ang picture namin ni Keith na wallpaper ng phone ko.
Hayy.. Keith, thank you talaga sa surprise mo.
Mas lalo tuloy kitang minahal..