II - The Lucky Girl

1367 Words
Sunday na ginawa ang celebration ng sixteenth birthday ko. Ayoko nga sanang mag-celebrate, karamihan kasi sa mga pupunta ay mga business partners lang naman ni Mom, most of them hindi ko naman kilala. "Tanya." I heard Keith called me kaya nilingon ko siya agad. "Nandito na si Jorgina." He said. Agad naman akong binati ni Jorgina, isa ko pang best friend. "Tanyaaabels! Happy Birthday! Uy, sorry na kahapon ah. Hindi kita binati kasi sabi ni Keith, may surprise daw siya sa'yo." She said and playfully rolled her eyes at Keith. "That's okay." Sabi ko kay Jorgina. "Kumain ka na? Alam kong food lang ang pinunta mo dito." I joked. "Ay true! Alam mo yan!" Ay loka-loka. So totoo pala talaga yung sinabi ko. "Nako, tara na nga. Ubusin mo yung buong buffet ha? Alam kong kulang pa sayo yan." "Ay OA ka ha. Kakalahatiin ko lang yung food don't worry." Sabi ni Jorgina at kumindat pa. "Tara naaa!" Hinila na ako ni Jorgina papunta sa buffet, kasunod naman namin si Keith na tahimik lang but he still laughs with us, ganyan talaga yan pag kaming dalawa na ni Jorgina ang magkasama, hindi kasi siya maka-singit sa amin. So far, I think this is more than enough for my birthday celebration. Mom's here pati na rin ang dalawang best friends ko and I'm contented with that. ~ Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ni Jorgina, dala ang regalo niya. "Hey Tanyabells! Happy Birthday ulit!" Masayang sabi nya sabay abot ng regalo nya. "Uyy, sorry pala kung hindi ko 'to nadala nung Sunday nahihiya kasi ako eh. Tsaka alam ko naman na nandon si Keith. Siya naman ang pinakagusto mong regalo. Hahaha!" Napa-ngiti naman ako sa sinabi ni Jorgina. Loka-loka talaga 'to. But she's right, anyway. "Achuchu! Ngumingiti nanaman ang lola mo!" Sabi ni Jorgina nang mapansin nyang napangiti nga ako. "Haha! Adik ka talaga!" Natatawang sabi ko naman. "Haha! Sige na, buksan mo na yung gift ko. Pagpasensyahan mo na 'yan ah?" Binuksan ko ang gift ni Jorgina at natuwa naman ako nang makita ko ang isang pink na bracelet na may pangalan ko pa at design na heart. "Aww.. ang Cute naman, Jorgina." Masayang sabi ko sa kanya. "Talaga? Buti nagustuhan mo. Ako lang ang gumawa nyan. Wala kasi akong budget, kaya yan lang ang regalo ko." -Jorgina. "Ano ka ba? Okay lang 'to 'no! I love it." Sagot ko. Naintindihan ko naman si Jorgina. Mahirap lang kasi sila pero maganda naman sya at matalino kaya nga nakakuha sya ng full scholarship dito sa Brickwood High School. Nag-kwentuhan lang kami ni Jorgina hanggang sa mag-ring ang bell na hudyat ng pagsi-simula ng klase namin kaya agad kaming pumasok ng classroom. Maya-maya lang rin ay pumasok na si Ms. Santiago. Ang adviser namin. May kasama syang lalaki pero ngayon ko lang nakita ito. Gwapo at matangkad din yung kasama ni ma'am at base sa itsura nito, mukha syang may lahing foreigner. Agad namang nag-simula ang bulungan ng mga kaklase kong babae. Napapatili pa nga yung iba. Pero kami ni Jorgina parang wala lang. Syempre, ako may Keith na. Si Jorgina naman, may ibang crush din pero hindi ko alam kung sino. Hindi naman nya sinasabi. "Uyy! Ang lalandi nila 'no?" Tawag ni Jorgina sa akin. Sa likod ko lang naka-upo si Jorgina kaya madali kaming makapag-usap. "Hayaan mo na, gwapo rin naman kasi yung kasama ni Ma'am." Sabi ko naman sa kanya. Natigil ang mga bulungan at tilian ng kaklase ko nang magsalita si Ma'am. "Okay, Class. Quiet!" Bumaling si Ma'am sa kasama nya bago nag-salita ulit. "Sige na, introduce yourself." Humakbang naman yung kasama ni ma'am saka nag-salita. "Hi! Hmm.. I'm Charles Phillip Harris. You can call me Charlie if you want. And.. I hope we can all be friends." Ngumiti ulit sya pagkatapos nyang mag-salita kaya napatili naman ulit ang mga kaklase ko. "Class, ano ba? Quiet nga!" Sigaw ni ma'am kaya nanahimik naman ulit ang mga kaklase ko. Humanap naman si ma'am ng bakanteng upuan para kay Charlie at sakto namang bakante ang upuan sa tabi ni Jorgina kaya dun nya ito pinaupo. "Ayun, dun ka na lang maupo sa tabi ni Ms. B--" "Jorgina po ma'am!" Natawa naman ako sa reaction ni Jorgina. Ayaw nya kasing sinasabi yung last name nya. Well, hindi ko naman sya masisisi. Ang sagwa kasi ng last name nya. Haha! "Whatever. Sige, dun ka maupo sa tabi ni Jorgina." Pumunta na si Charlie sa tabi ni Jorgina. "Hi." Bati nya kay Jorgina kasabay ng isang pilyong ngiti. Isang irap naman ang sinagot ni Jorgina sa kanya. Hmm.. nangangamoy bagong love team ah. Haha! ~ Mabilis natapos ang klase namin at nag-madali kaming lumabas. Actually, si Jorgina lang. Hinila nya lang talaga ako. "Naku, Tanya. Dalian mo! Baka abutan nya tayo." "Hoy, Jorgina. Wait nga lang!" Hinhingal na sabi ko. "Sino bang pinagtataguan mo?" At bago pa sya naka-sagot ay may tumawag na sa kanya. "Jorgina, wait!" Si Charlie tumatakbo rin sya papunta sa amin. "Di'ba sabi ni Ma'am, i-tour mo daw ako dito sa University? So, let's start?" Mukha namang nabagsakan ng langit si Jorgina. "Ano pa nga ba? Tara na!" Bumaling muna sya sa akin bago umalis. "Sige, friend. Bye na. Sasamahan ka naman ng isa mong bestfriend di'ba?" Talagang in-emphasize yung bestfriend? Loko talaga 'to. Haha! "Haha! Sige, gurl bukas na lang tayo mag-gala!" Nagpaalam na din ako sa kanya at pumunta na sa bench malapit sa garden ng school. Dito kami palaging nag-hihintayan ni Keith pag-uwian para sabay kaming maka-uwi. Maya-maya ay biglang may tumakip sa mata ko. Amoy at hawak nya pa lang, alam ko na kung sino sya. "Ano ba 'yan, Keith. Para ka na namang bata." Natatawang sabi ko sa kanya. "Hala! Kilala mo agad ako?" Tanong nya. "Oo naman. Amoy mo pa lang alam ko na eh. Haha!" -Ako. "Ganon? Haha! Sige, tara na." Umakbay sya sa akin bago kami lumabas ng school kaya may kung ano na namang nag-wala sa dibdib ko. Sa tuwing ganito kami kalapit ni Keith, nagiging abnormal talaga ang t***k ng puso ko. "Nasan nga pala si Jorgina?" Tanong nya. "Ahh.. inutusan sya ni ma'am na i-tour yung bago naming kaklase." Sagot ko naman. "Ahh.. buti naman, para may moment tayo. May sasabihin kasi ako sayo eh." -Keith. "Ha? Ano 'yon?" -Ako. Ngumiti sya bago sumagot. "Punta muna tayo sa park. Do'n ko sasabihin." ~ "Oh? Ano na yung sasabihin mo?" Tanong ko kay Keith nang maka-upo na kami sa isa sa mga bench sa park. "Hmm.. may itatanong muna ako sa'yo." Naka-ngiting sagot nya. "Ano yun?" "Na-inlove ka na ba sa isang tao? Pero hindi mo alam kung bakit mo sya minahal?" Nabigla naman ako sa tinanong ni Keith. In love sya? Kanino naman? Sa akin kaya? "Hmm.. oo naman." At ikaw 'yon, Keith. Gusto ko sanang idagdag yun sa sasabihin ko. Nag-smile ulit sya bago sumandal sa bench at nag-salita. "Tanya, I think I'm in love with someone right now. Maganda sya, Tanya. And she's really different sa lahat ng babaeng nakilala ko." Naka-titig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin malaman kung sino yung babaeng sinasabi nya. Tumingin sya sa akin at pinag-patuloy ang sinasabi nya nang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi nya. "Bata pa lang kami nang makilala ko sya at ngayon ko lang na-realize na gusto ko na pala sya." Napa-ngiti na ako dahil sa sinabi nya. Nararamdaman ko, ako yon. Ako 'yong babaeng sinasabi nya. Bumilis na ang pag-t***k ng puso ko. Parang nabibingi ako at dalawa na lang ang naririnig ko. Ang mabilis na pag-t***k ng puso ko at ang mga sinasabi ni Keith. Napatawa sya ng mahina bago nag-salita ulit. "Ang tanga ko nga eh. Bakit ba hindi ko pa sya napansin dati?" Grabe na ang pag-wawala ng puso ko parang lalabas na ito mula sa dibdib ko. "So who's the lucky girl?" Tanong ko. Nag-labas sya ng isang box na maliit at binuksan ito. May laman itong kuwintas na silver. "Tanya..." Ang bilis na talaga ng t***k ng puso ko at mas lalo itong bumilis dahil sa mga sumunod na sinabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD