"Si Juliana." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi nya. Hindi ito yung t***k ng puso ko pag kasama ko si Keith. Parang iba. Parang gusto nang sumabog na puso ko dahil sa sobrang lungkot.
"Si Juliana? S-sino 'yon?" Pinipigilan ko ang luha kong nagbabadyang tumulo.
"Si Juliana Villegas. Yung isa pa nating kaklase nung kinder." Naka-ngiting sabi nya. "Kaibigan ko na rin sya noon. Pero lumipat sya ng school no'n di ba?"
Naalala ko na. Kilala ko nga yung Juliana na 'yon. "Pero nung pasukan, nag-kita kami ulit at nung una nga, hindi ko pa sya nakilala pero nung in-introduce nya na yung sarili nya, dun ko na sya na-recognize."
Hindi ako umimik kaya nag-kwento pa sya ulit. "Naging close ulit kami, Tanya. Tapos habang tumatagal, na-realize ko na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Mahal ko na sya."
"A-ah. Oo, naalala ko na si Juliana. W-wow.. binata ka na, Bes. U-umiibig na. Haha!" Garalgal na ang boses ko pero pinilit ko pa ring tumawa at ngumiti.
Naka-halata yata si Keith kaya tinanong nya ako. "Bes? Bakit parang naiiyak ka?"
"N-naku h-hindi ah. Happy nga a-ako for you eh. Finally! Na-inlove ka na." Fck. Nararamdaman ko na. Tutulo na ang luha ko.
"Pero, Bes----"
"A-ah. May l-lakad pa kami ni Jorgina. B-bye." Nag-lakad na ako palayo pero nahabol pa ako ni Keith at nahawakan sa braso.
"Bes, may prob---"
"Wala, Keith!" Pareho kaming nagulat sa pag-taas ng boses ko. "Gusto ko lang mapag-isa. P-please?"
Tiningnan nya lang ako na parang nagtataka bago nya binitawan ang braso ko. Agad akong nag-lakad palayo at pumara ng Taxi.
And that's it. Pag-sakay ko ng taxi ay nag-unahan nang tumulo ang mga pesteng luha na 'to.
Ang sakit eh. Ang sakit-sakit. Akala ko pareho na kami ng nararamdaman. Akala ko mahal nya na rin ako. Pero hindi. Hindi pala kasi may mahal na syang iba.
~
"Ma'am Tanya, handa na po ang hapunan." Sigaw ni yaya mula sa labas.
"Busog ako, yaya." Walang ganang sagot ko.
"Pero ma'am Tanya, kailangan nyo pong kumain."
"I said I'm not hungry. Just leave me alone."
"Pero ma'am Tan---"
"Fck! Sinabi ko nang hindi ako gutom! Iwan mo na lang ako! Tagalog na 'yan! Baka kasi hindi mo naintindahan ang English" Sigaw ko sa kanya.
"O-okay, ma'am"
Naramdaman kong umalis si Yaya kaya medyp kumalma na ako. 3 araw na akong ganito. Hindi ako lumalabas mg kwarto. Minsan kinakain ko yung dala ni Yaya, minsan hindi. Wala kasi akong gana.
Pero kasalanan ko ito eh. Naging kampante kasi ako na wala nang ibang babaeng magugustuhan si Keith. Pero mali pala ako. Napa-iyak na lang ako ulit nang maalala ko ang sinabi ni Keith.
Maya-maya ay kumatok ulit si Yaya sa Kwarto ko. "Ma'am Tanya, nandito na po si ma'am Jorgina."
Hindi pa ako nakakaimik nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko nakita kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ako sa pinto pero alam kong si Jorgina na 'yon. Ganyan kasi ang ugali nya. Hindi sya kumakatok.
"Friend, nandito na ako." Naramdaman ko ang pag-hagod nya sa likod ko.
Hinarap ko naman sya at agad kong niyakap.
"Jorgina, may mahal na syang iba. Ang sakit, girl. Ang sakit sakit."
"Shh.. sige, iyak ka muna. Mamaya mo ako kwentuhan." Pagpapatahan nya sa akin.
Matapos ang ilang saglit na pagpapatahan sa akin ni Jorgina ay kumalma na rin ako.
"Sige, girl. Mag-kwento ka na." -Jorgina.
"May mahal ng iba si Keith, Jorgina." Naiiyak na sabi ko. "Ang sakit lang. Akala ko kasi pareho na kami ng nararamdaman eh. Akala ko mahal nya rin ako. Pero hindi pala"
Napabuntong hininga si Jorgina bago nag-salita. "Sabi ko naman kasi sayo eh. Wag na lang si Keith. Bestfriend mo 'yon eh. Tingnan mo nasasaktan ka tuloy ngayon."
Hindi ako kumibo kaya tinuloy pa ni Jorgina ang sinabi nya. "Hindi ka kasi dapat umasa, Tanya."
"Bakit, Jorgina? Sa mga ginagawa nya sa akin, sino bang hindi mag-aakalang hindi pala ako ang mahal nya. Yung mga gifts? Yung surprises? Yung hugs at kisses nya sakin."
"Eh baka kasi ikaw lang ang nag-bigay ng malisya sa mga ginagawa nya sa'yo. Ako? Bestfriend mo din ako diba? Binibigyan din kita ng gifts, sinu-surprise din kita. Nagha-hug at nagki-kiss din tayo ah?" -Jorgina.
May point si Jorgina pero.. ah ewan! Napa-sabunot na lang ako sa buhok ko. "Ugh! Ewan ko, Jorgina. Basta mahal ko si Keith at nasasaktan ako kasi may mahal syang iba!"
Nagpakawala na naman ng malalim na hininga si Jorgina bago nag-salita. "Girl, nakita mo bang masaya si Keith dahil dun sa sinasabi nyang babaeng gusto nya?"
Napa-isip ako bago sumagot. "Oo." Hindi ko makakalimutan yung mga ngiti ni Keith habang kinukwento nya sa akin si Juliana.
"Yun naman pala eh. Tanya, bestfriend ka ni Keith at sabi mo mahal mo din sya. Diba dapat maging masaya ka na lang para sa kanya?"
Hindi na naman ako naka-imik sa sinabi ni Jorgina.
"Sige, girl. Pahinga ka na ah." Sabi nya. "Pumasok ka na bukas. Bye."
Nag-beso muna sya sa akin bago lumabas ng kwarto ko.
Tama ba si Jorgina? Dapat ba maging masaya na lang ako para kay Keith?
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang mga pictures namin ni Keith. Ang saya namin sa mga pictures na 'to. Yung tipong parang sapat na yung mag-kasama kami para maging ganito kasaya.
Then it hit me...
Mali si Jorgina. Hindi lang ako dapat maging masaya para kay Keith. Dapat kumilos ako. Dapat ipaglaban ko sya..
Akin lang si Keith. Akin lang..
~
Kinabukasan ay pumasok na nga ako. Tinanong ako ng mga kaklase ko kung bakit tatlong araw akong absent pero hindi ko na lang sila pinansin.
Maya-maya ay dumating na ang teacher namin. Napansin kong wala pa rin si Jorgina at wala din si Charlie.
Pareho pa talaga silang absent ah? Magkasama kaya sila?
Mabilis namang lumipas ang oras at lumabas ako agad nang mag-break na. Pumunta ako sa rooftop at saka ko tinext si Keith. Sumagot naman sya at sinabing pupunta na sya.
Ito na... gagawin ko na...
"Tanya." May tumawag sa akin mula sa likod ko kaya lumingon ako agad. "Buti naka-pasok ka na. Ano bang nangyari sa'yo? Nagka-sakit ka ba?"
Sunod-sunod ang tanong nya sa akin pero isang iling lang ang sinagot ko.
"Buti naman. Akala ko kung ano nang nangyari sayo." Sabi nya. "Bakit nga pala para kang naiiyak ka nung nag-usap tayo sa park? May problema ba? Pwede mo namang sabihin sa akin, Tanya."
"Keith." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Ito na. Sasabihin ko na. Bahala na kung anong mangyari.
"I like you."