"I like you." There. Nasabi ko na.
"What?!" Gulat na tanong ni Keith.
"Gusto kita, Keith. Hindi ko alam kung paano nag-simula pero matagal na kitang gusto." Madiing sabi ko.
"Tanya, ano bang sinasabi mo?" Mukha na syang naguguluhan. "Hindi 'to pwede."
"Bakit?----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag-salita na sya ulit.
"Kasi bestfriend kita."
"Bakit? Pag mag-bestfriend ba, hindi na pwede?" Matapang na sabi ko.
Napahilamos sya sa mukha nya. "Tanya, bestfriend lang talaga ang tingin ko sa'yo. Ni minsan nga, higit na dun ang tingin ko sa'yo. Kasi parang tinuring na rin kitang kapatid ko. A younger sister."
Naramdaman kong nangilid ang mga luha sa mata ko dahil sinabi nya. Bestfriend? Younger sister? Hanggang dun na lang ba talaga?
"Tanya." Kitang-kita ko ang awa nang tawagin nya ako.
Awa? 'Yan lang ba talaga ang kaya nyang ibigay sa akin?
"Keith, please?" Tumulo na ang mga luha ko. "Ako na lang ang mahalin mo, please?"
Yumakap ako sa kanya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Naramdaman ko namang hinagod ng kamay nya ang likod ko.
"Shh.. Tanya, tama na." Pagpapatahan nya sa akin. Hinawakan nya ang braso ko at kumalas sa pagkakayakap ko. "Pero sorry. Hindi talaga pwede."
Lalo akong naiyak sa sinabi ni Keith. Bakit ba hindi pwede? Ganon nya ba kamahal yung Juliana na 'yon?
Naramdaman kong nanghina ang tuhod ko kaya napa-upo ako sa sahig. Lumuhod naman si Keith para magkatapat kami.
"Bes, tahan na, please?" Bes? Lintik na bes 'yan!
"Keith, hindi na ba talaga pwede? Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Hindi ko alam kung bakit pa ako nagtatanong kahit alam ko naman na masasaktan lang ako sa isasagot nya.
"Tanya, mahal kita. Alam mo 'yan. Pero hindi ko talaga kayang ibigay ang pagmamahal na gusto mo."
Nakakainis! Bakit ba kasi nag-kita pa ulit sila ng Juliana na 'yon?
"Bakit ba kasi ayaw mo? Ganon mo ba kamahal si Juliana?!" Sigaw ko sa kanya. "Ano bang gayuma ang ginamit nya sayo?! Nilandi ka ba niya? Tapos ano? You fell for that?"
"Tanya, enough!" Nagulat ako sa pag-taas ng boses nya. "Oo, mahal ko si Juliana at hindi ako papayag na pag-salitaan mo sya ng ganyan!"
Napansin nya yatang nagulat ako sa ginawa nya kaya nilapitan nya ako. "I'm sorr----"
Hindi ko na lang sya pinansin at tumakbo na lang ako palabas. Narinig kong tinawag nya pa ako pero nag-patuloy pa rin ako sa pag-takbo at dumiretso sa pinakamalapit na rest room at doon umiyak. Nagulat naman ako nang nakita kong lumabas si Jorgina sa isa sa mga cubicle.
"Oh my gosh! Tanya, anong nangyari?" Hindi ko sya nasagot at yumakap na lang ako sa kanya.
Buti na lang naka-pasok pa si Jorgina. Ngayon ko talaga sya kailangan.
"Shh.. Tanya, tahan na." Pilit akong pinatahan ni Jorgina pero hindi ko talaga makalma ang sarili ko.
Wala na rin naman akong magawa para matanggal ang sakit eh. Kaya iiiyak ko na lang lahat.
~
Dumiretso kami ni Jorgina sa cafeteria nang mahimasmasan ako.
"Friend, ito oh. Water ka muna." Inabot sa akin ni Jorgina ang bottled water ng binili nya para sa akin.
"Thank you ah?" Walang ganang sabi ko sa kanya.
Buti na lang maraming tao dito kaya hindi halata na nag-cutting kami ni Jorgina.
"Friend, ano bang nangyari?" Tanong nya. "Come on, you can tell me."
Sinimulan kong ikwento kay Jorgina ang mga nangyari.
Napabuntong hininga si Jorgina nang matapos akong mag-kwento. "Hayy nako, Tanya. Ilang beses ko na kasing sinabi sa'yo na wag na lang si Keith kaso hindi ka nakinig sa akin kaya tingnan mo, nasasaktan ka ngayon."
"Eh hindi ko naman kasalanan na minahal ko sya ah?" Sagot ko. "Bakit ba kasi hindi nya na lang ako mahalin?"
"Eh kasi nga diba, sabi mo hanggang bestfriend at kapatid lang ang tingin nya sayo. Sayo mismo nanggaling 'yan ah." Sabi ni Jorgina. "Tsaka mas lalong hindi ka nya pwedeng mahalin ngayon."
I Flashed a questioning look at her.
"Kasi sila na ni Juliana."
Nagulat naman ako.
What? Sila na pala?
Fck.
~
Tanya's POV
Sila na? Fck. Hindi 'to pwede!
"What? Totoo? Kailan pa?" Sunod-sunod ang tanong ko kay Jorgina. I just can't believe na sila na. Parang ang bilis naman yata?
"Oo, friend. Hindi naman ako chismosa pero yun ang narinig ko eh." Sagot nya sa akin. "Tsaka hinaan mo lang ang boses mo ah? Baka marinig nila na pinag-uusapan natin si Juliana."
Ugh! Ang landi talaga ng Juliana na 'yon! Talagang sinagot nya na agad si Keith para lang mai-tali nya na. Fck.
But no. I will never give up. Gagawin ko ang lahat para mabawi si Keith. I'm going to take what is rightfully mine.
"Hindi ako susuko. Babawiin ko si Keith!" Bigla kong nai-sigaw ang iniisip ko kaya nagulat din si Jorgina.
"Ano ba 'yan, girl. Nakakahiya oh. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito sa caf." Bulong nya sa akin. "Tsaka anong hindi susuko? Ano bang sinasabi mo?"
"Babawiin ko si Keith, Jorgina. Babawiin ko kung ano ang akin." Madiing sabi ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tanya?! Guguluhin mo lang ang relasyon nila!" Hindi na maipinta ang mukha ni Jorgina habang sinasabi nya 'yan.
"Pang-aagaw, pang-gugulo o paninira ng relasyon. Call it whatever you want, basta babawiin ko siya." I answered then my lips formed an evil smile.
"Tanya, wag nam----" Hindi na natapos ang sasabihin ni Jorgina dahil pinutol ko na sya.
"Buo na ang desisyon ko, Jorgina. Babawiin ko sya dahil ako naman talaga ang nauna. Akin naman talaga si Keith." Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Jorgina dahil lunabas na agad ako ng cafeteria.
Nag-lakad na ako papunta sa building kung nasaan ang room nila Keith.
Babawiin ko na sya..
~
Uwian na rin ngayon kaya nag-lalabasan na ang mga estudyante kaya naman hindi ko na naabutan si Keith sa classroom nila. But that's okay.
Hindi naman sya ang pakay ko..
"Excuse me, miss. Nandyan ba si Juliana?" Tanong ko sa babaeng palabas pa lang ng room nila.
"Uhmm.. Ako po 'yon. May kailangan ka ba?" Naka-ngiting sagot nya.
Hmm.. sya na pala si Juliana. Sa pagkakaalala ko, maganda daw sya sabi ni Keith. Pero hindi naman. She's so plain, parang hindi pa nga marunong mag-ayos. Ano bang nagustuhan ni Keith dito?! Eh 'di hamak namang mas maganda ako sa kanya.
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Oh, hi! I'm Tanya. Naalala mo pa ako?"
"Tanya?" Tiningnan nya lang ako na parang inaalala kung sino ako. "Ahh.. Tanya Dominguez? Classmates ko nung kinder?"
"Yup. That's me." Sagot ko.
"Wow! Ang ganda mo na! I mean, maganda ka na dati pero mas gumanda ka ngayon." Naka-ngiting sabi nya.
Fck. I hate her smile! Kanina ko pa sya gustong sabunutan but I don't want to make a scene here.
"Haha! You too. You look beautiful." Gusto kong sumuka sa sinabi kong 'yon. "By the way, can we talk?"
"Oo naman, ano bang pag-uusapan natin?"
"Basta. Just follow me." Sagot ko then nag-simula na akong mag-lakad. Sumunod naman sa akin 'tong haliparot na babaeng 'to.
"Uhmm.. Tanya, bakit dito tayo mag-uusap? Nakakatakot naman kasi, walang katao-tao." Sabi ni Juliana nang makarating kami dito sa lumang building sa likod ng school.
Pero hindi ko na sya pinansin at nagtanong na ako agad. "Totoo bang kayo na ni Keith?"
"H-ha?" Parang nagulat sya sa tanong ko.
"Alam kong narinig mo ang tanong ko." Gigil na sabi ko. Pansin ko din na parang natakot sya dahil sa biglang pag-babago ng aura ko.
"Uhmm.. Oo." Sagot nya.
"Kailan pa?" I bit my lip dahil sa sobrang gigil sa kanya.
"Kahapon lang." Mahinahong sagot nya.
"Ang landi mo!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya. Kanina ko pa gustong isigaw 'yan sa pagmu-mukha nya and finally! Nagawa ko na rin matapos ang matagal na pagtitimpi.
"Tanya..." 'Yan na lang ang sinabi nya sa akin. Masyado na siguro syang nabigla sa pag-sigaw ko. Pero hindi pa ako tapos.
"Layuan mo si Keith." I said through gritted teeth.
"H-ha? P-pero-----"
"Basta. Layuan mo sya or I'll make your life miserable." Banta ko sa kanya.
Hindi na sya nakapag-salita kaya tumalikod na ako at nag-lakad palayo pero bigla nyang hinawakan ang braso ko kaya hinarap ko sya.
"Pero, Tanya. Mahal ko si Keith------" Naputol na naman ang sasabihin nya dahil binigyan ko sya ng malakas na sampal.
Napasapo naman si Juliana sa pisngi nya at nakita kong namuo ang luha sa mga mata nya.
"f**k you! Ang landi mo!" Sigaw ko sa kanya. "Sinasabi ko sa'yo, Juliana. Layuan mo si Keith! At subukan mo ring mag-sumbong sa kanya. I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!"
Then I left her. Hindi ko na sya kayang makita, baka kung ano pang magawa ko.
Ugh! I hate you, Juliana! Ang landi mo! Mang-aagaw ka!
~
Keith's POV
Tumingin ako sa orasan ko. Kanina ko pa hinihintay si Juliana dito sa caf pero hanggang ngayon wala pa rin sya.
Nahuli kasi syang lumabas kanina dahil may pinagawa pa si ma'am sa kanya pero sabi nya susunod naman daw sya.
"Tammy, nakita mo ba si Juliana?" Tanong ko sa isa pa naming kaklase nang masalubong ko sya.
"Ahh.. oo. Kanina pa sya lumabas. Kasama nya si Tanya." Sagot nya.
"Kasama nya si Tanya?" Gulat na tanong ko. Hindi naman kasi sila close kahit noon pa.
"Yup."
"Eh saan naman sila nag-punta?" Tanong ko ulit.
"Uhmm.. I think papunta sila sa building C."
"Ahh okay, thanks." Pumunta na agad ako sa building C medyo marami pang tao do'n kaya nahirapan akong makita si Juliana kaya nag-ikot ako do'n pero hindi ko rin naman sya nakita.
Ugh! Nasan ka na ba, Juliana?
Lumabas ako ng building C at nag-lakad pa hanggang sa makarating ako sa lumang building sa likod ng school.
Alam kong walang tao do'n pero sinubukan ko pa rin at hindi nga ako nagka-mali dahil nandon nga si Juliana kaya nilapitan ko sya agad. Napansin kong nakatakip ang mga kamay nya sa mukha nya at humihikbi sya.
"Juliana." Tawag ko sa kanya. "What happened? Bakit ka umiiyak?"
Agad nyang inayos ang sarili nya bago sumagot. "A-ah w-wala 'to. Sige, hindi muna ako sasabay sa'yo ah?"
Maglalakad na sana sya palayo pero hinawakan ko sya at hinarap sa akin at doon ko lang napansin na may bakat ng kamay sa kaliwang pisngi nya.
"Juliana, ano 'yan? Sinong sumampal sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.
"W-wala. Sige, u-uuwi na ako."
"No, tell me. Sinong gumawa nyan?" Madiing sabi ko.
Hindi umimik si Juliana at tumungo lang sya. "Wala nga. W-wala.
"Tell me!" Hindi ko na napigilan ang pag-sigaw ko.
Hindi ko na kasi alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong sumabog, nag-aalala ako kay Juliana at nang-gigigil naman ako sa gumawa nito sa kanya.
"Ugh! Sorry sa pag-sigaw ko. Hindi ko sinasadya. I'm just worried and mad." Inangat ko ang ulo nya para matingnan ko ang mga mata nya pero umiiwas sya ng tingin sa akin.
"Juliana, look at me. Please?" Malambing na sabi ko sa kanya. Napansin ko ang pag-hinahon nya bago sya tumingin sa akin. "Now, sabihin mo sa akin. Sinong gumawa sa'yo nito."
"Si T-tanya."
Nagulat ako sa sagot nya.
Si Tanya? Bakit nya ginawa 'to? s**t.