V - Who's Telling The Truth?

1640 Words
Tanya's POV "What?! Tanya, bakit mo naman ginawa 'yon?" Gulat na tanong ni Jorgina sa akin. Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kakatapos ko lang ikwento sa kanya ang ginawa ko. "Hah! She deserves that. Malandi kasi siya." Iritableng sagot ko naman kay Jorgina. Ang landi naman kasi talaga ng Juliana na 'yon. Kulang pa nga yung sampal ko sa kanya. "Pero friend, mali yung ginawa mo. Wala namang ginagawang masama sa 'yo yung tao eh." Pangangatwiran nya. "Anong wala? Nilandi nya si Keith! Tsaka bakit mo ba sya pinagtatanggol? Sino ba talagang bestfriend mo?!" Naiiritang sabi ko sa kanya. Nakakainis naman kasi! Kanina nya pa pinagtatanggol si Juliana. "Syempre, ikaw. Pero mali nga yung ginawa mo." Sabi nya. "Paano na lang kung mag-sumbong sya kay Keith?" Napaisip naman ako sa sinabi nya. Pinag-bantaan ko sya tungkol sa pagsusumbong kay Keith pero paano nga kung mag-sumbong sya? Sasagot pa sana ako pero biglang may kumatok. "Ma'am Tanya?" Tawag ni yaya sa akin. "Ano 'yon, ya?" Sagot ko sa kanya. "Nandito po si Sir Keith. Nag-aantay po sya sa sala." Pareho kaming nagulat ni Jorgina sa sinabi ni Yaya kaya nagka-tinginan kami. Sanay naman ako na bigla talagang pumupunta si Keith dito pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Naiisip ko kasi yung sinabi ni Jorgina. Inayos ko na lang ang sarili ko bago sumagot. "Sige po, yaya. Susunod na po ako." Bumaling naman ang atensyon ko kay Jorgina. "Tara na?" Tumango naman sya kaya lumabas na kami. God! Nag-sumbong nga kaya si Juliana? ~ Keith's POV "Good Evening po, Sir Keith. Napadaan po kayo?" Sinalubong agad ako ng isa sa mga Yaya nils Tanya nang makita nya ako sa gate. "Nandyan na po ba si Tanya?" Hindi ko na pinansin ang pagbati ni Yaya at nagtanong na lang ako agad. "Ah opo. Tara pasok po muna kayo." Pinag-buksan nya na ako ng gate at pinapasok sa loob. Tahimik lang akong nag-hintay sa sala. Iniisip ko pa rin yung ginawa ni Tanya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maka-paniwala na nagawa nya. Oo, alam kong mahal ako ni Tanya at higit pa sa bestfriend ang tingin nya sa akin pero parang ayaw tanggapin ng isip ko na yun lang ang dahilan kung bakit nya nasaktan si Juliana. Maya-maya ay nakita ko na si Tanya at Jorgina na pababa sa hagdan. Agad namang lumapit sa akin si Tanya. "Hey, Keith napadaa----" Naputol ang sasabihin ni Tanya sa bigla kong pag-tanong. "Bakit mo ginawa 'yon?" Matigas na tanong ko sa kanya. Nung nakita ko siya parang bumalik sa akin yung itsura ni Juliana kanina kaya bumalik din lahat ng galit at pang-gigigil ko kay Tanya. "A-ang alin?" Halata ko ang pagka-gulat nya dahil siguro sa ibang tono ng boses ko. "Wag ka nang magpanggap na hindi mo alam ang sinasabi ko. Bakit mo ginawa 'yon kay Juliana?" "Keith, ano bang sinasabi mo? Wala akong ginawa. Ano bang nangyari kay Juliana?" Naguguluhang sabi nya. There's a part of me na gustong maniwala sa kanya pero alam ko din naman na hindi mag-sisinungaling sa akin si Juliana. "Tanya, please. Wag ka nang mag-sinungaling! Alam kong sinaktan mo si Juliana! Bakit mo ba ginawa 'yon ha?!" Napa-sigaw na ako dahil sa sobrang gigil kay Tanya. Hindi naman sya naka-sagot agad. Napa-tungo lang sya at nakita kong tumulo ang luha nya. "T-tingin mo ba talaga, magagawa ko 'yon?" Humihikbing Tanong nya. "Keith naman, ilang taon na tayong magkakilala tapos dahil lang sa sinabi ng babaeng 'yon, nag bago na agad ang tingin mo sa akin?" Tanya's right. Ilang taon ko na syang kakilala pero bakit ko nga ba sya pinagdududahan? Pero alam ko rin naman na hindi mag-sisinungaling sa akin si Juliana. Ugh! I hate this! "I-i'm sorry." Yun na lang ang naisagot ko sa tanong ni Tanya at lumabas na ako agad ng bahay nila. Narinig kong tinawag pa ako ni Jorgina pero hindi ko na lang sya pinansin. Gusto ko munang mapag-isa ngayon para makapag-isip. Ugh! Sino ba talagang nagsasabi ng totoo? ~ Tanya's POV "Keith, wait lang!" Tinawag pa ni Jorgina si Keith pero dumiretso lang sya palabas at hundi na pinansin si Jorgina. Bumaling naman ang atensyon nya sa akin. "Tanya, ano na naman ba yung sinabi mo?" "What do you want me to do?! Umamin ako sa ginawa ko?" Pabalik na tanong ko sa kanya. "That won't happen. Magagalit sa akin si Keith." "Kasalanan mo naman eh! Bakit mo ba kasi ginawa kay Juliana yon? Hindi nya naman kasalanan kung magustuhan sya ni Keith." Wow! Talaga bang kakampi si Jorgina sa babaeng 'yon?! "Kakampihan mo pa talaga yung babaeng 'yun ah! Sige, dun ka na! Mag-sama kayong tatlo!" I shouted at her. "You know what, I don't really need you. Siguro nga totoo yung sinasabi nila na kinaibigan mo ako because you're a gold digger!" Nakita kong ang pagkabigla sa mata ni Jorgina na unti-unti ding napapalitan ng sakit. Fck. Ano ba yung sinabi ko? Gusto kong bawiin yun pero wala eh. Nasabi ko na. Nakita kong nangilid ang mata ni Jorgina bago sya nag-salita. "G-grabe. Ganon pala ang tingin mo sakin. B-buti pala sinabi mo." Naiiyak na sagot nya sakin. "Sige, if that's what you want. Aalis na ako." Tumalikod na sa akin si Jorgina at lumakad palayo. Ako naman ang napa-iyak ngayon. Ugh! Bakit ko ba kasi sinabi yun sa kanya?! Bakit ko ba pinagsalitaan ng ganon ang bestfriend ko? Sht. I lost my best friend. And this is because of her. Nawala sa akin ang bestfriend ko at ang lalaking mahal ko dahil kay Juliana. I hate her! Gaganti ako sa kanya! ~ Keith's POV Medyo masakit pa ang ulo ko nang pumasok ako kaninang umaga. Hindi kasi ako naka-tulog dahil sa pag-iisip. Tanya has a point. Bakit ko nga ba sya pag-dududahan? Bakit ba naisip ko na kaya nyang gawin 'yon kay Juliana? "Babe, ayos ka lang?" Natigil ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Juliana. "A-ah oo naman." Sagot ko. "Hmm... Okay daw pero kanina pa naka-kunot ang noo. Alam ko may problema ka. Come on, you can tell it to me. As your girlfriend, I promise you that you won't face your problems alone." Malambing na sabi nya sa akin. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Juliana, kayang-kaya nyang pagaanin ang loob ko sa simpleng pag-lalambing nya. Napa-buntong hininga naman ako bago sumagot. "May itatanong sana ako sa'yo pero wag kang magagalit ah." "Oo naman, ano ba 'yon?" "Totoo bang si Tanya ang nanakit sa'yo?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya. Siya naman ang napa-buntong hininga ngayon. "Oo. Pero wag na lang natin pag-usapan 'yon. Let's just forget what happened." He gave me a sad smile pagkatapos nyang mag-salita. Ugh! Na-guilty tuloy ako! Hindi rin dapat pinagdudahan si Juliana. I reached for her hand then I gently squeezed it. "I'm sorry..." Bigla namang may tumawag sa akin kaya napalingon ako. "Keith, tawag ka ni Ms. Cruz." "Bakit daw?" Tanong ko. "Ewan ko lang. Basta sabi nya punta ka daw sa office nya. Asap." "Ahh. Sige." Bumaling naman ako kay Juliana. "Babe, mauna ka na sa room ah? Punta lang ako kay Ms. Cruz" "Okay. Kita na lang tayo sa room." Sagot nya. I gave her a peck on her cheek bago kami mag-hiwalay. Dumiretso agad ako sa office ni Ms. Cruz. Nagpatulong lang sya sa akin na i-record yung quizzes namin tapos ay pinaalis nya na rin ako. Pabalik na sana ako ng room nang bigla na namang may tumawag sa akin kaya napalingon ako. "Oh, Jorgina." Bati ko sa kanya. "Hey. Uhmm.. start na ba ng next period nyo?" Tanong naman nya. "Hindi pa naman. Why?" "May gusto lang kasi akong sabihin." "Ano 'yon?" "Si Tanya kasi..." ~ Tanya's POV. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Jorgina hanggang kaninang umaga. Alam ko namang hindi nya ako papansinin. Sa sakit ba naman ng mga sinabi ko sa kanya eh. Ayoko naman ako ang unang mamamansin. Hindi kasi ako ganon. Hindi ko binababaan ang pride ko kahit ako pa ang may kasalanan. Agad naman akong lumabas nang mag-recess na kami. Wala naman akong gana kumain kaya dumeretso na lang ako sa CR. Bigla naman nag-init ang ulo ko nang makita ko kung sino ang nasa loob. Buti na lang at mag-isa sya. "Hoy, Juliana!" Sigaw ko saka ko hinila ang braso nya. "Di ba sabi ko sa'yo, wag kang mag-susumbong kay Keith?! Nagalit tuloy sya sa akin!" "T-tanya, nasasak-tan ako." Parang naiiyak na naman sya kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Punung-puno talaga ng kaartehan sa katawan 'tong babaeng 'to. "Ano?! Iiyak ka na naman? Dyan ka naman magaling eh, sa pagpapa-awa! Ang arte mo talaga!" Sigaw ko bago binitawan ang braso nya at binigyan sya ng malakas na sampal. Napa-hawak muna sya sa pisngi nya bago sya nag-salita. "H-hindi naman ako n-nagsumbong. Pinilit la---" Hindi nya natuloy ang sasabihin nya nang mag-salita ako ulit. "Anong hindi?! Nagsumbong ka kaya galit sya sa akin ngayon! Pati tuloy si Jorgina naka-away ko pa! And it's all because of you!" Sinugod ko sya ulit bago sya makasagot. Sunud-sunod ang paghampas at pagsampal na ginawa ko sa kanya. "T-tanya, tama na p-please! Nasasaktan na ako. Tama na!" Rinig na sa buong CR ang pag-iyak nya pero hindi ko pa rin sya tinitigilan. Ramdam ko rin sa kamay ko ang init ng mga luha nya sa dadapo sa mukha nya ang kamay ko. She deserves this. Inagaw nya sa akin ang lalaking mahal ko at dahil sa kanya, nag-away pa kami ng bestfriend ko. I hate her! "Ugh! I hate you, Juliana! Sana hindi ka na lang dumating sa buhay namin! Sana mamatay ka na!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Unti-unti na rin syang napa-upo sa sahig. Bigla namang nag-bukas ang pinto at narinig ko ang sigaw ng pamilyar na boses. "Tanya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD