YANNA’S POV Paglabas ko mula sa restroom, dahan-dahan akong naglakad pabalik sa mesa. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong bumalik o umuwi na lang. Pero naisip ko, hindi ko dapat takbuhan ‘to. Pagdating ko sa table, pareho silang tahimik. Nakaupo lang si Nathan, seryoso ang mukha, habang si Sir Lohr ay nakasandal sa upuan at may ngiting pasimpleng nang-aasar. Umupo ulit ako. “Okay ka na?” tanong ni Nathan, malamig pero may halong concern sa boses. Tumango lang ako. “Opo.” “Hindi mo na kailangan tapusin ‘to kung ayaw mo. I can take you home,” sabi niya. Bago pa ako makasagot, nagsalita si Lohr. “Uy, parang ang bigat ng usapan dito ah. Relax lang, guys. Baka akala ng waiter mag-aaway na tayo.” Wala akong sinabi. Pinipilit ko lang ngumiti kahit nahihi

