YANNA'S POV Habang nasa biyahe kami ni Sir Nathan papunta sa restaurant, sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin. Pakiramdam ko kasi, baka mali ang mabanggit ko. Pero habang patuloy siya sa pagmamaneho, pasimple siyang sumusulyap sa akin. At bawat sulyap niya, nararamdaman ko na parang may gustong sabihin pero pinipigil. Pagdating namin sa restaurant, pinagbuksan niya ako ng pinto. “Thank you po,” mahinang sabi ko. “Yanna,” sabi niya habang naglalakad kami papasok. “No 'po' tonight. Just relax.” Tumango ako. “Sige... Nathan.” Pinareserve niya ang isang table sa pinaka-kanto ng resto, medyo secluded. Tahimik, dim ang ilaw. Para kaming nasa ibang mundo. Pagkaupo namin, napatingin siya sa akin. "You look tired today. Did

