CHAPTER 10

1708 Words
—GOLD'S POV— Napa O-shape naman ang bibig ko. 'Yon lang naman pala eh. Two weeks na lang at Senior's night na namin, parang acquaintance party raw iyon. Wala akong planong dumalo. It's really weird, knowing a Nerd asked me to be his partner. "Hindi mo kailangan sumagot agad... I'll wait for your answer." He stood up and was about to leave when I immediately stop him "HOY TEKA HINTAYIN MO AKO!" Dali-dali kong inubos ang lemon juice at tumayo na rin. Binilisan ko ang paglakad para makasabay kay Nerd. "Ano ba problema mo? Bigla mag-aaya tapos mang iiwan, kita mong hindi pa ako tapos. Tsk!" Narating namin ang gym ng ilang minutong paglalakad. Siksikan rin pagpasok namin buti na lang at nareserbahan kami ni Ash ng upuan kaya nasa unahan kami. Masyadong malaki ang gym na ito. Tinignan ko ang relo ko na ngayon ay 2:45 na rin. 15 mins na lang at magsisimula na ang laro. Nakita ko sila ni Ash at mga ka-group niya na nag uusap. Hindi ko pa siya nakita na naglalaro. Pero sabi ng iba si Ash daw ang MVP last year. He must be good. He should be. You are wasting your time for him... "Bili lang ako ng tubig." Tsk! Kita mo na, nandoon na kami sa cafeteria tapos 'di na lang bumili. I found out, this nerd is into water. Parang hindi mabubuhay ng walang tubig hahaha. Tumango lang ako sa kaniya. Ilang minuto rin ay bumalik siya na may dalang snacks. Nagsimula na rin ang laro. Grade 11 versus Grade 12. First quarter pa lang ay lumamang na ang group nila Ash. Halatang seryoso sila sa larong ito. Maraming tao ngayon ang nanonood at sumu-suporta sa bawat grupo. Nagpatuloy lang ang laro habang kami ay taimtim na nanonood at ang iba ay grabe ang pag cheer. May kaniya-kaniyang banner at sigaw silang alam. "Mukhang enjoy na enjoy ka ah?" I heard Nerd's asked. "Not really." "Yeah. Ash is quite good." Hindi makapaniwala akong napalingon sa kaniya. "Quite good? Nagpapatawa ka ba? He is not just quite good he is definitely good at it—" "Why are you here?" I was caught off guard by the question he threw at me. Huh? 10 mins na lang ang natitirang oras sa laro at abanse ang grupo nila Ash. Mukha hindi nila hahayaan na maka-abanse pa ang kabilang grupo. "Binibining Ilthro—" "Saan mo naman nakuha iyang tanong iyan? Of course, we are here to support Ash." "I just want to know. As I have remembered, 2 or 3 weeks ago, you were so distant to everyone, but now, here you are—supporting Ash. I'm wondering if..." "Cut that out, Nerd. If you think I'm doing—getting close with you two for a reason, then better be sure about it." "I see... Then can you confirm this to me—are you still the Binibining Ilthrov I met way back our second week of classes?" "Are you questioning my intentions?" may bahid na inis akong tanong sa kaniya. Kahit aminadong may point siya, hindi pa rin ako nagpatinag. Nakaka-offend din kasi iyon sa part ko. "You know what, Nerd. You are really f*****g weird. Kani-kanina lang may pag aalala akong nakita sa mukha mo nang hindi mo ako naabutan sa CR tapos tinanong mo pa ako kung p'wede akong maging partner mo. Tapos ngayon, parang pinagduduhan mo ang intensyon kong pakisamahan kayong dalawa ni Ash! Ano bang problem mo ha?!" "Galit ka ba?" mahinahong tanong niya, saka nilabanan ang titig ko. What the f**k! "Pag ba pinasabog ko ang bungo mo gamit ng baril, mamamatay ka kaya?" pabalang kong tanong sa kaniya. Akala ko ay hindi na siya sasagot pa pero lalo lang nabulabog ang pasensya ko nang gumuhit ang ngisi sa labi niya at nagsalita. "I don't know. Maybe. I'm thinking to bet my life to know the result and of course to know if you can really shoot me in my head." Fuck this Nerd. He's really getting into my nerves. Testing every tiny patience I have in myself. LUMIPAS ANG ILANG minuto at pareho kaming natahimik. Hindi kami nagpansinan o ano. Nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa patapos na laro nila Ash. Pinili ko nanv tapusin kanina ang mainit na usapan namin. Hindi pa naman ganoon kahaba ang pasensya ko para patulan siya. Baka lalo lang akong mainis sa kaniya. Siya bahala kung ano ang gusto niyang isipin tungkol sa akin. If my treatment bothers him then it's not my fault. Sila 'tong kausap nang kausap sa akin. Sila rin 'tong nang aaya na sumama ako rito. If he can't mind his business then that's not really my f*****g fault. Sinakop ang buong gym ng hindi magkamayaw na sigawan at tiliin ng mga studyanteng todo support sa kani-kaniyang grupo. Ang iba ay may mga dalang banner pa at kung ano-anong maliit na banderitas. Naging makulay na nga ang buong paligid dahil sa mga iyan. Habang kaming dalawa ni Nerd, na magkatabi lang sa upuan ay may mumunting kahimikan ang namumutawi sa pagitan namin. Ramdam kong nababawasan na rin naman kahit papapano ang tensyon na nabuo kanina. "WOWWW!" "GOOOO ASHTOOONN!" "OFFENSE! OFFENSE!" "ASHTON, MY LABS!" "GO! GRADE 11! GO #4" "GRADE 12 FOR THE WIN!" "DEFEEENSEEE!" Kapagkuwan ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan. It's a message from unregistered number. Sino to? Sa pagkakaalala ko ay walang may nakakaalam ng number ko kahit sila ni Ash pa maliban na lang kay—Agad ko itong binuksan para mabasa. Tama nga, galing sa kaniya. Hindi ko na napigilang ngumiti sa nabasa ko. A simple message but yeah, it's been almost 2 years and admit it or not, I missed him so much. It wrote there. "I'm back!" Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa at tumingin kay Nerd. Kanina ko pa siya nararamdaman na pasulyap-sulyap kung tumingin sa akin pero hinayaan ko lang. I'm still quite upset with what happened. Inayos ko ang bitbit na maliit na backpack at saka tumayo para umalis. Akmang aalis na ako nang maramdaman kong may pumigil sa kamay ko. Sino pa ba? "Aalis ka na?" "Yeah. Halata naman. I need to go." Kita kong kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. "Ikaw na lang magsabi kay Ash. Bye" sunod kong sambit. "Ingat. About earlier, sorry for that. Maybe, I misunderstood your actions. Hope you forgive me about that." I just nod at him as response. "Ingat sila sakin." Mahina itong natawa at iniling-iling ang kaniyang ulo. Ngumiti na lang ako nang pilit saka lumabas na ng gym at tinungo ang parking lot parang kunin ang bike ko. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Finally, Rio is back! —REIZ'S POV— "Love..." Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Hindi ko na siya tinignan pa. Deritso akong naglakad na parang wala narinig. Ano naman ba kailangan niya? Wala naman ba siyang magamit kaya kinakausap niya ako? "Mag-usap naman tayo, love! " Love? Oh, she's got to be kidding me? How dare someone call me endearment when she just f*****g cheated on me. The audacity! "Love naman!Pansinin mo muna ako. Please!" Still, I didn't talk. I didn't respond. I continued walking and ignoring him. "Hey!" Whatever relation I had with her before was already done. Wala nang dapat pag usapan pa. Wala nang dapat baguhin pa. Kasi nga, ang tapos na ay dapat hindi na inuungkat pa. "REIZ! ANO BA? WALA KA NA BA PLANONG PANSININ AKO?!" Tinapunan ko lang siya ng blankong tingin at saka lumapit na sa motor ko. I prefer this motor than a fancy car though. How ironic, ako lang siguro ang nerd na nagmo-motor. "Oh myghad! I'm sorry for raising my voice!" gulat niyang sabi at mabilis na tinakpan ang bibig ng kaniyang mga kamay. "Please naman, love, mag-usap tayo kahit sandali lang. Magpapaliwanag lang ako sa nangyari—" "Wala tayong pag uusapan." "No, Reiz! Marami tayong pag uusapan. Marami pa akong dapat i-explain sayo, Love. Don't you miss me? Don't you love me na ba?" "Stop it, Hanieza. Tapos na tayo. Matagal na. You know I am not the Reiz you ever loved before, so stop it before I lose my respect to you. I don't want to raise any fight 'cause I still respect you. So please, stop this nonsense. We are done. Already done." "No! we're not yet done. Ikaw na nagsabi na hindi lang dapat isa ang magdedesisyon sa isang relasyon. Kahit magtago ka pa riyan sa pagiging Nerd mo, alam kong ikaw pa rin ang taong minahal ko noon. Ikaw pa rin iyan!" "You decided that first, Hanieza. You decided to cheat on me, so I did the same. I also decided to stop whatever relationship we had." "But I realized I still love you. I still love you, Reiz. I hate it but I really love you. Please, come back to me and stop this being nerd show. I don't know your reasons but I hate to see you like that!" Oh, Hanieza, I didn't expected you to be like this to me. Ang fact na niloko niya ako tapos heto siya nagmamakaawang bumalik ako sa kaniya, kapal ng mukha. "f**k that love! You can't just say you still love me—'cause if you really did then why did you ended our relationship back then? Why did you f*****g cheated and hurt me? Stop this nonsense, Hanieza. No one knows about us, don't you think this might affect your reputation, knowing you had a relationship with a nerd and you even cheated on me. I don't think you'd like it, Hanieza!" Pinaandar ko na ang motor ko at saka naharurot na ito nang mabilis. I don't want nor need to hear her explanation. I knew the truth and that's enough. It hurts me a lot but I have to accept it. At kung ano man ang plano ko sa buhay ko ngayon ay labas na siya roon. Dapat ay wala na siyang pake sa akin, ganoon din ako sa kaniya. She's already a past. Habang nag-da-drive, pasimple akong napatingin sa relo ko. It's already 4:29 pm. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor. Kailangan kong maabutan ng bukas 'yon ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD