CHAPTER 11

1812 Words
—REIZ'S POV— Walang sampung minuto ang lumipas ay narating ko agad ang dapat kong puntahan. Ang bookstore. This store... I had a lot of memories here. Memories with her. Memories of the s**t love we had. Memories of my forgotten past. This place always gives me peace. It's as if giving me hints of what am I before. Hays.. Mabilis akong bumaba sa motor ko at bitbit ang helmet ay pumasok ako sa bookstore. Pagbukas ko pa ng pinto ay agad na tumunog ang parang chime rito. Nakita kong sumilip si Kuya Celso sa pinto ng sa pagkakaalala ko ay CR ng store na 'to. "Oh ikaw pala yan, jiho!" masiglang niyang wika. "Matagal-tagal na rin kitang hindi nakita ah." Naglakad siya papalapit sa akin. "Ay nga pala, kamusta ka?" "Manong Celso, hello po. Good afternoon!" "Kamusta ka jiho? Buti nadalaw ka rito. Siya nga pala, palalagi kang hinahanap ni Hanieza rito. Sabi ko naman ay hindi ka na nagpupunta rito. Hinihingi pa nga ang bagong number mo. May problema ba?" Sa lahat ng tao na nakakakilala sa akin, siya lang ang nakakaalam sa relasyon na mayroon kami ni Hanieza noon. Siya ang witnessed sa pagiging tanga ko sa babaeng iyon. Siya rin dahilan kung bakit ako nagising sa katangahan ko. "Piniilit ka pa rin ba niya?" Pinipilit na kausapin ko siya. Pinipilit na balikan ko siya. Oo at nakakarindi na nga. "Wala naman pong problema. Hayaan niyo na po siya, 'wag mo na lang natin siyang pansinin. Kilala niyo naman po siya, 'di ba? Hindi talaga iyon titigil hangga't hindi niya nakukuha akong gusto niya." Habang nagsasalita ay tumingin-tingin ako sa bookshelves, animo ay may hinahanap. "Kuya Celso, may series 2 na po ba kayo ng Law series story na' to?" "Wala pa yata. Hayaan mo sasabihan kita pag mayroon na." Siguro nga tama sabi nila. Ang mga nerd ay mahilig sa libro. Nerd na nga siguro ako kung ituring ngayon. Nerd. I remembered Hanieza. She used to call me in that name, as well as Blaire calls me now. "Hanggang kailan ba ako magiging ganito?" I asked out of nowhere. "Uy jiho, sino kinakausap mo?" natatawa niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot sa kaniya. "At saka nga pala jiho, gusto mo bang mag part time rito sa store. Kung sabado at linggo lang sana. Wala kasing nagbabantay. Gusto ko kasing bantayan ang bagong silang kong apo tuwing weekend. Alam mo na, lolo na 'ko haha!" "Congrats, Kuya. Sige po, kailangan ko na rin po kasi ng extrang allowance. Dumarami na rin ang gastusin namin ni Dad eh." 52 years old na si kuya Celso. Ayaw niyang tawagin ko siyang tito. Kesyo nakakatanda raw kaya kuya ang tinatawag ko sa kaniya. Matagal na kaming magkakilala, siguro ay dalawa o tatlong taon na rin. "Kuya, pwede ko po bang hiramin ulit ito?" Ipinakita ko sa kaniya ang libro na hawak ko. "Yan na naman hahaha! Ano bang mayr'on diyan ha? Sige fill up ka lang dito." Actually bawal hiramin ang mga libro pero dahil kilala ako ni kuya ay pinapahiram niya sa 'kin. Siya rin naman ang may ari nitong bookstore at alam niya kasing mas kailangan ko ng pera para sa mga gamot ko. Nag-fill up ako roon sa listahan ng borrowed books at nagpaalam na ring umuwi. Hawak-hawak ko ngayon ang libro na hiniram ko. "SELF DEFENSE MECHANISM" I think I need to learn more of this. Situations are getting complicated. So I must know how to protect myself and those important people to me. PAGKAUWI ko ay wala akong nadatnan na tao sa bahay. Walang kahit anong bakas ni Dad sa apartment namin ngayon. Nasaan na naman si Dad? Saan naman ba siya nagpupunta? Baka mapano na naman 'yon. Nagsaing at nagluto ako ng ulam at saka naligo. Kakatapos ko lang maligo nang dumating si Dad. "Good eve, Dad. Saan ka galing?" "Kailangan ko bang ipaalam lahat ng ginagawa ko sa iyo?" mahihimigan ang bahid ng galit sa boses niya, pagewang-gewang pang naglakad sa may bandang sala. Lasing na naman. Nako gipit na nga kami naglalasing pa. Wala na nga akong halos allowance tapos inuuna pa ang bisyo. Buti kamo at full scholar ako sa pinag aaralan ko, baka hindi pa ako makatapos ng senior high kung sakali. Hindi rin naman sapat kita ni Dad sa trabaho niya, idagdag pa ang walang katapusang bisyo. Kung hindi ko lang tatay 'to, tsk! "Kumain ka na p-" "Kumain na 'ko. Matulog ka na." Tulad nang sabi niya ay natulog na rin ako. —BLAIRE'S POV— BWESIT! NAKAKAINIS! Tangina, sarap pasabugin ang bungo ng isang iyon! Sa lahat ba naman ng p'wedeng pagtripan eh ako pa ang napili. Subukan mo lang magpakita sa 'king letse ka! As I received the message from him I excused myself from watching Ash's game yesterday. Tinawagan ko siya para tanungin kung nasa airport na nga ba siya. Pero ang letse ayon tumawa lang nang tumawa. Bakit daw ba ako parang atat na makita siya eh hindi pa nga raw siya nakaka-book ng ticket niya pauwi rito. Pag ako nag-jo-joke, ni hindi man lang tumatawa tapos noong tumawag ako para kumpirmahin ang sinabi niya ayon tinawanan lang ako. Kung hindi ko lang siya bestfriend at kung hindi ko lang talaga siya tinuturing na parang kapatid na rin. Kahit saang lumalop siya naroon ay pupuntahan ko siya at papatayin. "Sorry, Gold, I can't go back. May emergency pa kasi rito. Just wanna prank you. I missed seeing you pissed off." Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi niya. May pa text-text pa siyang nalalaman na "I'm back" Pero wala naman. Paasa! "Saan ka punta, sunday ngayon ah?" I heard yaya Bebang said. "School lang po, Yaya. Patapos na po kasi ang Intramurals namin at championship game po ng kaibigan—" "Tama ba narinig ko? Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon niyan? " Wait? Did I just said kaibigan? What the? "I mean, kaklase ko po. Need namin magbigay support sa kaklase namin," pagsisinungaling ko. Kahit naman kasi hindi kami pumunta ngayon ay okay lang. Iyong kahapon ang need talaga sa attendance. Tumango-tango lang siya. Base sa ngisi sa mukha niya alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "By the way, Yaya, maya na lang tayo mamamasyal—" "Awsus! Take your time with your friends" "Yaya!" I almost exclaimed. Ngumiti lang ito. Nag-ayos na ako saka nagpaalam ulit sa kaniya. "Mauna na po ako, yaya, pakisabi na lang kay Dad na sa school lang ako." Akmang tatalikod na ako nang magsalita siya, na siyang ikinatigil ko saglit. "Masaya akong may mga kaibigan ka na maliban kay Rio. Alam kong gustuhin ko mang magkaroon ng kaibigan ay hindi p'wede. Ipapahamak ko lang sila. Umakto na lang akong hindi narinig ang sinabi ni yaya at nagpatuloy na lumisan ng bahay. Hays, kaibigan? Kaibigan ko ba sila Ash at Reiz? Maituturing ko na ba silang kaibigan? But I don't need friends. Hindi ba talaga, Gold? Napabuntong hininga lang ako sa isiping iyon. Hindi ko kailangan ng kaibigan. Mapapahamak lang sila dahil sakin, may nawala na at ayokong madagdagan pa 'yon ulit. Nag-open ako ng messenger at chinat ko ang gc namin. Simula noong mapadalas ang pagsasama naming tatlo ay gumawa ng gc si Ash. Aba hindi online ang dalawa ah. Wala akong balita sa laro ni Ash kahapon. Alam ko namang mananalo ang mokong na 'yon kahit wala ako. At siguradong mananalo na iyon dahil malaki ang lamang nila nang umalis ako. "On the way to school." I chatted. Pinatay ko na ang phone ko at binalik 'yon sa mini backpack ko at kinuha na si Siyann. Pagkadating sa school kapansin-pansing maraming tao ang sa loob ng gym. Malapit kasi sa parking lot ang gym ng school. I again open my phone to check if my chat sila. And yeah, I received one one chat from Reiz. "Same place pa rin. We'll wait for you there. Dala ka ng drinks. Ash's game will start at 10." Napatingin naman ako sa relo ko, may 13 mins pa ako. Iniayos ko muna ang pagka-park ng bike saka pumunta muna sa cafeteria para bumili ng pagkain. Hindi pa ako nakakain ng breakfast eh. Anong oras na kasi ako nakagising. Letse kasing Rio na iyon. Buong gabi ba naman akong nasa training space ng mansion para lang maglabas ng lahat ng inis ko sa kaniya. "You! Stop right there! I stopped when I heard someone. Malapit na ako sa bungad ng cafeteria. "I'm warning you. Leave him alone," she said and run as fast as she could. Anong problema no'n? Mahilig siyang manlambat ah. Kahit ikalawang pagkakataon pa lang na harangin niya ako, still hinarang niya ako. I didn't mind her. I entered the cafeteria, kokonti lang rin ang mga nandito. Two days lang ang Intramurals at ito ang last day, kaya siguro nasa gym ang halos lahat. "Dalawang mineral water, Lemon juice at dalawang malaking lalagyan ng chips, Ate." Agad niya naman iniabot ang order ko. Nagbayad nako at saka umalis na rin ng cafeteria. "Tingin mo mananalo pa rin ba ang Starlight?" Starlight is the name of Ash's group. Hindi ko alam bakit gano'n 'yon. Ang weird kaya. "Rinig ko magaling daw 'yong mga grade 10 ngayon, Intergalactic nga raw yung name nila eh." "Basta ako sa akin si bebe Ashton!" "Bebe lang? Akin asawahin ko 'yon?" "Tse! Kabit ka lang." "Tayo na lang dalawa 'yong kabit hahaha!" Hindi ko napigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. "HAHAHAHAHA SERIOUSLY? BEBE? ASAWA?" Hindi nagtagal ay tumigil rin ako sa tawa. They are three and now looking at me with annoyed face. What? Hahaha nakakatawa naman kasi sila. "Hahaha my friend text me some jokes at 'di ko napigilang tumawa hahaha!" pagdadahilan ko. Wala akong pake kung papaniwalaan nila o hindi. As if I care... Sinimulan ko na ulit ang paglalakad nang may maramdaman. "Don't you dare touch my hair," malamig na sabi saka nilingon ang isa sa mga babaeng nagchichismisan kanina. My reflexes are still quicker than their actions! Halata sa mga mukha nilang hindj inaasahan ang mabilis kong pagsalita bago pa lumapat ang kamay niya sa buhok ko. I gave them my creepiest smirked and slightly wink my right eye at them. Not me hahaha. PAGKADATING NA PAGKADATING ko sa gym ay sobrang ingay na. Samu't saring sigaw ng mga tao sa loob ng gym nato. "Bakit hindi pa naglalaro si Baby Ashton?" Naagaw ang atensyon ko nang marinig ang sinabi ng isang students. I didn't bother to look for her face. "UY NERD!" tawag pansin ko sa kaniya na seryoso lang siyang nakatingin sa court. What is his problem? Parang may kung anong nag udyok sa aking tumingin sa gawi ng tinitiginan niya. Gulat at pagtataka ang agad na rumehistro sa utak ko nang bumungad sa akin ang sitwasyon sa loob ng basketball court. "WHAT THE f**k?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD