CHAPTER 12

1901 Words
—REIZ'S POV— Nasa parking lot ako ng school nang tumambad ulit sa 'kin si Hanieza. Tila kanina pa nakasandal sa motor ko at naghihintay. Again? "Umalis ka sa motor ko," pag-utos ko sa kaniya. "Love, mag usap naman tayo oh. Pakinggan mo naman ako kahit ilang minuto lang. Gusto ko lang naman makipagbati at balikan sa iyo." "Tsk! Umalis ka na Hanieza." Imbes na makinig sa sinabi ko ay naglakad ito papalapit sa akin. Puno ng pakiusap ang kaniyang mukha. Pero hindi ako nagpaapekto, hindi na. Seeing her angelic face makes me feel the demon inside of me awakening again and again. Masyadong masakit ang ginawa niya sa 'kin at kahit anong pagpapaliwanag niya ay hindi na mababago ang ginawa niya. Tama na iyong katangahan ko sa kaniya noon at hinding-hindi na mauulit ito. He made me like this...again. He was one of the reasons why I became a nerd again. It's her fault. "Bakit? Dahil ba sa Blaire na 'yon?" Tila napanting ang tainga ko at naagaw ang atensyon ko sa tanong niya. At anong kinalaman ni Blaire rito? "It's because of her. It's because of the Ilthrov, that's you don't want me back again. Hindi ako bulag, Reiz, may gusto ka na ba sa kaniya? Oh no! no! Let me rephrase it. May gusto ka naman talaga sa kaniya. May gusto ka roon sa Ilthrov na 'yon. Bakit?! Anong nakita mo roon? Anong ginawa niya para magustuhan mo siya? Ang pagkakaalam ko ayaw na ayaw mo sa mga bastos. Ayaw mo sa mga matigas ang ulo. Ayaw mo sa kaniya, love naman! Bumalik na tayo sa dati, please!" Ano ba pinagsasabi niya? Si Blaire? No way! Oo, maganda si Blaire. Kahanga-hanga rin ang personalities nito pero malabong magustuhan ko siya. Masyado siyang slow at ma-pride. Masyado rin siyang maldita at parang may topak sa ulo. Masyado siyang magulo kausap. Malabo pa sa malabo na magustuhan ko siyam "Palagi ko kayong nakikitang magkasama, Reiz.Tatlo kayo ng Sanchez na 'yon. Palagi kongnakikita ko ang kislap sa mga mata mo kapag kasama mo siya. Ang saya sa mga mata mo. I remembered that." Sandali siyang tumigil. "Nakikita ko lang 'yan noon, noong mga araw na ako yung kasama mo." Sabay turo niya sa mata ko. "I saw a real joy in that eyes of yours when you were with me. That was twinkling when we were still together. I hate it. I really hate seeing that again because of other girl." "You said was. Yes, it was, Hanieza. It's been almost 6 months since we broke up, Hanieza. 6 months after I found your affair with other man. You cheated on me. Period. What I saw in your house was enough as evidence. What you said to me that night was also enough to break whatever we had. Tama na. Kung tingin mo, babalik pa ako sa iyo, hindi na. I had enough, Hanieza." Walang ano-ano ay niyakap niya ako nang sobrang higpit. Naramdaman kong ang bahagyang pamamasa ng parte ng dibdib kung saan niya isinubsob ang kaniyang ulo. Is she crying? "s**t!" Hinawakan ko siya sa balikat saka hinarap. Umiiyak nga. Tsk! Hanieza will always be Hanieza. Iyan naman parati ginagawa niya para makuha ang gusto. Kung 'di ka niya madadala sa pakiusap, magdadrama siya. Iiyak nang iiyak, kampante kasi siya noon na hindi ko siya matiis. "Balik na tayo sa dati, Reiz. Yes, I admit that I cheated on you. That I fell out of love and had a fling with other man. But I still love you. I don't w-want to see you with that Blaire. P-please!" "Wala na tayong babalikan la. Matagal na tayong tapos at tinapos mo 'yon noong nagdesisyon kang lokohin ako. Don't mess with her, Hanieza. She's nothing to do with our past relationship. Also, if I like her or not, you are out of it, Hanieza. We're done." Marahas kong inalis ko na ang pagkakahawak niya sa akin saka sumakay na at pinaharurot ang motor ko. Pumunta ako sa LibHub store. Ang bookstore na pinuntahan ko kahapon. "Oh Reiz, jiho, nandyan ka na pala. Nakapagtanghalian ka na ba?" "Hindi pa nga po eh. Dumeritso lang ak—" "Sige, sumabay ka na sa akin. Aalis na rin ako pagkatapos kumain. May magbabantay na rin naman ng store ngayon." Um-order si Kuya Celso kanina kaya kumain na kami agad pagkatapos niyang mag-set up na kakainan namin. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin siyang umalis. Ilang minuto ang makalipas nang umalis si Kuya ay napagpasyahan kong magpunas ng bookshelves. Halatang medyo matagal na rin itong hindi napupunasan. Kapansin-pansin kasi ang alikabok na bumalot sa bookshelves. Madami pang hindi nasa ayos na lalagyan. I miss doing this. Sabi ni Dad noong buhay pa si Mom ay palagi kaming tumatambay sa library ng bahay. Palagi niya raw kaming binabasahan ng mga tula at maikling kwento noon. Hindi ko man ito maalala, masaya pa rin ako kahit papano na may memorya na binigay si Dad sa 'kin. Madalang lang kung sumpungin ng kabaitan si Dad. Minsan lang din siyang magkwento tungkol kay Mom. *Kllliiiinnnngggg** Napalingon ako sa pinto nang marinig kong tumunog ang chime. Nakita ko naman itong bumukas pero hindi ko nakita kong sino ang pumasok. Baka may customer. Bumalik na ako sa cashier desk at umupo rito. For sure, pupunta 'yong customer pagnakapili na ng librong gusto. Nilibang-libang ko muna ang sarili gamit ang ballpen na hawak, pinaikot-ikot ito sa mga daliri ko habang naghihintay ako sa paglapit ng customer sa cashier desk. Ngunit inabot ako ng minuto ay wala pa ring may nagbayad, hindi naman tumunog yung chime kaya hindi pa 'yon nakakalabas. Siguro at matagal siya kung pumili. "Nasaan na kaya 'yong pumasok," wika ko sa aking sarili. "Kuya! Help!" Napaiktad ako nang may marinig boses. Inilibot ko ang paningin para hanapin ang nagmamay ari ng boses pero wala akong nahanap. "Help! Help me!" Tila nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ulit ito. Hindi ko talaga alam kung nasaan ang nagsasalita. Boses bata! Muli ay inilibot ko ang paningin sa may mga gilid ng bookshelves na nasa gilid ng Cashier desk. "Kuya, tulungan mo ako!" What? Don't tell me may multo rito? Hinanap ko ulit ang posibleng pagkaroonan ng boses na 'yon gamit ang mata ko pero wala talaga. Natigalgal ako sa kinauupuan ko habang t***k ng puso ko ay unti-unti nang bumibilis. Naalala ko pa ang kwento ni Kuya na may namatay raw rito bago sila makalipat dito sa establishment na 'to. Madalas daw kung may magparamdam sa kaniya rito noon bago pa lang ang bookstore. "Ang tanda mo na Reiz pero naniniwala ka pa rin sa multo," saad ko sa sarili ko. "Sinong multo, Kuya. Can you just help me here!" "Hindi iyan multo, Reiz. Hindi nagsasalita ang mult—" "WHAT? MULTO? MAY MULTO RITO,KUYA? NASAAN? HUHUHU!" What the? May multo bang nagsasalita? Wala naman, 'di ba? Narinig kung umiyak ang kanina pa nagsasalita na hindi ko naman makita kita kong nasaan. Tangina. Ngayon umiiyak na multo! "HUHUHUHUHU!" mas lalong lumakas nang lumakas ang pag-iyak ng bata. Kaya mas madali sa akin sundan ang boses niya. What the heck! "AAAAAHHHHHHH!!!" "WWWHHHHHAAAAAA!!" Sabay naming sigaw. Amp! Bata lang pala. "Huhuhu kuyaaa nasaan ang multo huhuhu! Takot a-ako sa m-multo huhuhu!" Mabilis akong lumabas sa Cashier Desk at saka siya nilapitan. May kataasan kasi ito kaya hindi ko talaga makikita ang maliit na bata na nasa harap ng desk na 'to Ay nako naman, Reiz, ano bang ginawa mo?! "Psshhh' wag ka na umiyak, baby. Walang multo rito. Nagbibiro lang si Kuya," "Sabi mo kanina may multo, Kuya huhuhu natatakot ako sa multo, kuya!" "Nagbibiro lang ako kanina baby. Tahan ka na ha. Bakit ka pala nandito? What's your name?" This time tumahan na nga siya. Patay ako sa nanay nito. Ang ayaw ko talaga sa lahat ang umiiyak. "My name is Amethyst po. I'm here to buy this book," she said with a smiling face. Ipinakita niya sa 'kin ang isang fable book. Kitang-kita ko na ngayon ang ngiti niya. Ang cute niyang kita. Nakakatawa lang kasi dahil todo ngiti pa rin siya kahit may iilang sira ang kaniyang ngipin. "Baby Amethyst, may kasama ka ba? Bakit nag-iisa ka lang pumunta rito?" Sa tantya ko mga 5 or 6 years old pa lang siya. Pero ang tanong, bakit nag-iisa lang siya? Kanina pa siya nagsasalita sa harap ng cashier desk ko, kung may kasama man siya sana kanina pa ay nakita ko na ito. "Kasama ko po si Mommy Gold." "Mommy Gold?" Wait... Gold? It sounds familiar. Where did I've heard it before? I know it's one of the precious stones but the name Gold, I'm sure I have encountered that name before. "Kuya, what's your name po? "Call me kuya Reiz." "Kuya Reiz, are you okay?" That name. Where did I heard it? f**k! I'm sure narinig ko na 'yon. Saan ba? Napahawak ako sa gilid ng ulo ko, sa may bandang kaliwa nang maramdaman ang mumunting kirot dito. No'ng una ay nakakaya ko pa ang sakit, pero ng tumagal nang tumagal at nang pilit kong inaalala ang pangalang Gold ay lalong nadadagdagan ang kirot sa may sentido ko banda. Arggghhh! s**t! Ito naman ang sakit ng ulo ko. "Kuya Reiz, are you okay? What happened? Does your head hurt?" I heard Amethyst asked. Mabilis akong tumayo sa pagkakaluhod at pumunta sa bag ko. I need to drink my medicine. Naramdaman kong sumunod lang si Amethyst sa 'kin. "Kuya are you okay lang po ba? Should I call a Doctor?" "Yes," baby Amethyst. I'm okay." "You sure, Kuya?" Tumango lang ako. Nang una ay parang hindi pa siya naniniwala pero kalaunan ay nagkibit balikat ito at nagsalita ulit. "Kuya, how much is this po?" Ininom ko na ang gamot ko bago siya sinagot. Dalawang capsule na lang natitira. Kailangan ko na talagang bumili. Narinig ko namang tumunog ulit ang chime ng pinto. Baka another ghost este customer. "Mommy Gold!" Awtomatiko akong napalingon nang marinig kong tinawag ni Amethyst ang tinutukoy niyang Gold. Tila nag slow motion ang lahat. There I saw her walking. Ang ganda niya. Nakalugay na ngayon ang mahaba at manipis niyang buhok. Ngayon ko lang nakita na nakalugay ito. She looks like a fallen angel. Still has her calm eyes but has this worried face. Why? Bakit siya pa? Paanong siya ang mommy ni Amethyst. "Siya ang Mommy m-mo, A-Amethyst?" Oh God, this is not real! Maybe, I'm just day dreaming of things. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang bata niya pa para magka-anak. Impossibleng siya ang mommy ni Amethyst. And for f**k's sake, her name isn't Gold "AMETHYST! DAMN IT! NANDITO KA LANG PALA! BAKIT KA UMALIS DOON SA PINAGPWESTUHAN NATIN NI YAYA? s**t! FIRST DAY MO PA LANG DITO, MUNTIKAN NA NAMING TAWAGAN DADDY MO! YOU SCARED THE HELL OUT OF YAYA!" "I'm sorry, Mommy Gold!" Walang ano-ano ay lumipat ang tingin niya sa 'kin. Halatang ngayon lang niya napansin ang presensiya ko. Dala ng sobrang pag aalala ay si Amethyst agad ang nilapitan at hindi man lang nag abalang tignan ang kaniyang paligid. I saw how her eyes got bigger when she saw me. "N-nerd?..." Tangina, hindi pa rin kayang i-proseso ng utak ko ang nangyayari ngayon. Siya? Siya ang mommy ni Amethyst? As far as I've remembered, she's just 18 or maybe turning 19. How come?! Is this your secret? "Binibining Ilthrov..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD