—GOLD'S POV—
"NOOOOO!"
I shouted as his index finger touched the trigger of the gun he was holding. Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakatali ko rito sa isang upuan, pero masyadong mahigpit 'to. Abot kaba ang nararamdaman ko, parang wala akong lakas na sagipin si Silver sa kamay ng kung sino man ang nasa harapan ko ngayon.
"What do you want?" Ngumisi lamang siya sa sinabi ko. May suot siyang maskara at tanging bibig at mata niya lang lang makikita.
"I want you all dead. Dead in my hands." His voice was so cold that evena gave me chills.
"Please, I'm begging. Don't kill her. Ako na lan—"
"I will kill you, Gold, soon. But for now, it's Silver's time!"
"NO! PLEASE, NO! DON'T DARE KILL MY SISTER. I WILL NOT LET YOU LIVE LONGER!" I shouted, still trying to get out from this ropes.
Kahit ramdam ko ang paghigpit ng mga tali sa katawan ko at kahit na ramdam ko na rin hapdi sa ilang bahagi ng balat ko, pilit pa rin ako nagpupumiglas.
*BAAANGG!*
I stopped...
Everything stopped...
I feel like time has stopped. My heart skipped a beat when I saw Silver's face. Unti-unti siyang napaluhod habang ang mga mata niya ay nakatingin pa rin sa akin.
Bloods starts to run down from her temple.
No! This can't be!
The guy walked towards me and kneel down on his right leg. No words came out from my mouth. My eyes were settled to Silver's eyes that are now lifeless. Hindi pa rin kayang irehistro ng utak ko ang nangyari. Isang malakas na putok ng baril ulit ang bumasag sa katahimikan dito. Naramdaman ko ang pag talsik ng dugo sa mukha ko kaya walang ano-ano ay napalingon ako sa pinanggalingan ng putok ng baril at bumungad sa akin ang pares ng mata niya, ang maitim niyang mata. Parang wala sa sarili ulit akong napatingin kay Silver. At agad na nanlumo nang unti-unting bumagsak ang katawan niya sa harapan ko mismo.
"SIILLVVEERRRR!"
Marahas akong napabalikwas sa pagkakahiga. Sunod-sunod na nagsilaglagan ang malalamig na butil ng pawis sa noo ko, habang pilit kong hinahabol ang hininga ko.
A nightmare. Same nightmare. Same pain.
"I will never stop until I find your justice. I will kill him, Silver. I will really do. Ibabalik ko sa kaniya ang ginawa niya sa 'yo. I promise you, Silver!"
Nabaling ang atensyon ko sa nakasabit na wall clock, it's already 5 am. Napagpasyahan kong mag-ayos na para pumasok sa school. I only did my morning routine which are to take a bath and eat. Inayos ko na ang sarili ko, tinali na ang may kahabaan kong buhok na abot hanggang bewang sa pusod na style.
Mag aalas-syete pa lang nang marating ko ang school. Wala pa masyadong tao rito, marami pa kasing bakanteng parking lot. At saka kaka-unti pa lang ang nakakalat na estudyante sa palagid.
I parked my bike—a color black mountain bike. Its name is Syann(Siyan), well I gave it a name since it was my Mommy's 14th birthday gift to me.
Sinimulan ko nang tahakin ang building namin. This Glaziar Memorial School is quite big, big enough to accommodate 10,000 students. As far as I know, this school is consider to be one of the best and prestigious school here in Philippines. Hindi naman maipagkakaila sa mga buildings na nakapalibot. Kung gaano karami ang mga buildings ay ganoon din ang mga naglalakihang puno na sinadya yatang itanim sa kilid ng Main Building nito.
My mind was clouded of thoughts that I didn't even noticed that I'm already here, standing right before the door where my classrom was located. The door where I should enter. As I was about to hold the doorknob I instantly look back when I felt someone is staring at me.
There, standing a man in uniform. Bukod sa mga librong bitbit, he is also wearing a thick eyeglasses. Having a very black, messy hair. With thick eyebrows and blank eyes though I can't clearly see his eyes because of his thick eyeglasses. His skin, it's white as snow. A nerd.
"Ehem!" He cleared his throat. "Stop staring at me—"
"You were the one who were staring at me minutes ago," I replied back.
"Okay. Then move, you're blocking the door." He replied coldly.
Hindi ko naman siguro mahaharangan ang pintuan kung hindi ko naramdaman ang titig niya. 'Tsk! Control your temper, Gold. You're in school, you can hurt someone here unless it's necessary to do so,' I reminded myself.
Pagkabukas ng pinto ay bumungad ang ilang mga kaklase ko. Nakita ko pa ang ilan na napatigil sa ginagawa at binaling ang tingin sa akin.
"Buhay pa pala siya?" rinig kong wika ng kaklase kong babae.
"Mukha nga, kita mo naman siya 'di ba," sabat naman ng isa na parang naiinis sa sinabi ng katabi niya.
I don't know if they are referring to me o sa lalaking kasama ko. Well, I don't care. Now, is the second week of classes but this is my second day. Why? because I had mission to be dealt with in the last two weeks. Si Dad naman na bahala sa kung anong excuse ko, siya namna nagbigay ng mission sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase ko. Konti pa lang kaming mga nandito. Sa tantya ko mga 12 pa lang. Agad akong umupo sa bakanteng upuan sa may bandang likod na malapit sa bintana at dahil may armchair naisipan kong matulog muna, may isang oras pa bago ang klase. Isunubsob ko na ang mukha ko sa armchair at pumikit.
Silence..
Silence...
Silence....
Maya-maya ay naramdaman kong may umupo sa katabing upuan ko. Baka may bagong pumasok sa mga kaklase ko.
"Hi! Ikaw 'di ba 'yong transferee?" I heard her said with a childish voice. 'Di ba niya napapansin na tulog ako? Tsk! mukhang masisira second day ko sa kaniya.
"You know what, you look so cool n'ong first day kaso hindi na kita ulit nakita. I thought you transferred out," she again said.
Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagtulog. Tulog nga ba o nagtutulugan? Akala ko ay tatahimik na siya pero nagkakamali ako.
"Ay tulog ka ba?" saad niya ulit. Hindi pa siya na kontento at kinalabit pa ako sa balikat. Kahit naiinis ay hinarap ko siya.
"Hindi ba halata?" mataray ko naman sagot. Ke-aga-aga nambe-bwesit na siya.
"Hi! Im Chadley Andrea Tuazon. And you are?" She offers her hand for a shake hand. "Wow! You're really beautiful!" she added.
I look at her face. She has a round shape face and a small chinita type of eyes Also, she is small or maybe, I'm just bigger than her. Whatever.
"Can we be friends?" nakangiti niyang wika at nakalahad pa rin ang kamay niya.
I don't like friends. I just only have one except for my Mom and Silver. Not in my vocabulary to have another.
Tinignan ko lang ang kaniyang kamay at bumalik ang tingin ko sa kaniyang mukha. Naagaw naman ang aking atensyon nang makita sa pheriperal vision kong nakatitig sa gawi namin ang lalaki na kasabayan ko kanina sa pintuan.
Is he looking at me? Why would he?
Tinignan ko ulit ang babae na nasa harapan ko at sinabi. "I don't like nor need friends."
At bumalik agad sa pagtulog. This time hindi niya na ako kinulit. It's better for her to know the truth kaysa naman makipagplastikan ako sa kaniya. I can live with or without friends. They are just some toxins in my life. Lumalabas lang din naman sila pag may kailangan sa 'kin. Pero pag sila lang ang kailangan ko ay parang mga bulang biglang nawawala.
Ilang sandali rin ay nakatulog na talaga ako pero hindi ito nagtagal nang may malakas na sigaw ang bumulabog sa tulog ko.
"WHY ARE YOU SLEEPING, MISS ILTHROV!"
Bakit ba mahilig mambwesit ng mga tao rito? Can they just mind their own business.
"MS. DISSEY BLAIRE ILTHROV!"
Kahit na inaantok ay pinilit kong tumingala para makita kung sino man ang impakto na tumawag sa pangalan ko
How dare her call me by my almost full name?
I was caught off guard when I saw the face of an old woman. I bet she is around 50 years old. She looks so annoyed, really annoyed. Why? I don't know and don't want to know.
"You're a Grade 12 ABM-A for pete sake. Ganyan ba ang gawain ng mga upper sections? Ang matulog sa klase?" nanggagalaiti niyang sabi. "You were also absent for 1 week and now you were just sleeping in my class!"
I looked at him with a bored expression. "I fell asleep ma'am. I didn't mean to."
Tinalikuran niya ako at saka muling nagsalita.
"Mind me, if you introduce yourself," she said in a sarcastic tone.
Saglit pang tumahimik ang mga tao sa loob ng kwarto at ang iba'y nagsilingunan na sa akin.
"You did introduced me already, Ma'am," pabalang ko namang sagot.
Nagtatakang napalingon siya sa 'kin. Kitang-kita ko sa mukha niya na 'di inaasahan ang sagot ko sa kaniya. Ilang segundo rin ay napangisi na lang siya.
"Rude, I see. Then kindly introduce yourself again."
Alam kong nagtitimpi lang siya. Naagaw namin ang lahat ng atensyon sa loob ng classroom na ito nang tumayo ako. I don't know what to say though. This is what I really hate when I transfer schools. This is the 3rd time I transferred school in my entire high school journey.
"I'm Dissey Blaire Reyes Ilthrov, 18 years old," I simply said.
"And?"
Everyone looks like they are patiently waiting for my answer. Well I'm not like into sharing things especially about my myself.
"That's all, ma'am."
"No hobbies?"
Killing. "I'm into poison and blood."
"O-okay? That's weird interest. Anyways, I'm Mrs. Grandees, your Accounting teacher for the whole school year," saad niya at agad tumalikod sa 'kin, uupo na sana ako ng muli siyang magsalita.
"I don't like rude people, Miss Ilthrov. so I'm warning you." Oh you mean, you don't like yourself, Ma'am.
NATAPOS ang pang-umaga namin na klase at papunta ako ngayon sa cafeteria. Malawak ang school na ito, sa sobrang lawak ay halos maubos lahat ng enerhiya mo kung pupunta ka pa lang ng cafeteria galing sa room. Wala akong choice kung hindi lakarin. Simula bukas, magdadala na lang ako ng lunch, para na rin maka-save ako ng oras at energy
Sa paglalakad papuntang cafeteria, masasabi ko namang hindi ganoon ka-boring dahil na rin sa garden na nasa gilid ng pathway. Hindi rin masyadong mainit dahil sa fresh na hanging malalanghap sa palagid. Mabuti naman at mayroong garden dito sa school. It is a best spot to read books or even sleep. Also, the ambiance seems relaxing.
"Hi!"
Nilampasan ko lang ang kung sino mang nagsalita. Hindi naman para siguro sa 'kin 'yon eh. Medyo marami rin kasi ang nakakasabay at nakakasalubong ko rito sa hallway.
"You're Dissey Blaire Ilthrov from 12 ABM-A, right?"
This time nilingon ko siya. Nakatingin siya sa parang flowchart na hawak. Seriously? Why they really like to call me in my not so "fullname" name. No one knows the name Gold except for underground community and my close related family. Ika nga, mas kilala ako ng mga taga ibang Clan sa pangalang Gold. Dapat kasi nickname lang namin ang Gold at Silver pero sa paglipas ng taon naging parang codename ko na rin 'yon sa Clan. The Silver codename didn't actually exist. Kasi mas pinili ni Mommy na itago si Silver sa lahat. As much possible, for some reasons Silver shouldn't be exposed to everyone. Sapat na rawkaming dalawa ni Mommy ang babae sa Clan. Para sa kanila, mas maraming babae, mas hihina ang image ng Clan.
I looked at her blanky. I'm not really interested to whatever she wanted to say. Pagkatapos niyang i-check kung tama ang pangalan ko, siguro, ay umangat na ang kaniyang ulo para tignan ako.
"I'm Hanieza," she formally said that made my right eyebrow arched.
"So?"
"I'm from 12 STEM-A and I just want to ask yo—"
"If you want friends definitely not me. You are just wasting your time and mine also."
Akala ko ay malulungkot siya sa narinig pero nagkamali ako. She was laughing, literally laughing. May pa hawak-hawak pa siya sa kaniyang tiyan habang tumatawa.
Now, were getting everyone's attention.
Tsk! I better go, she was just wasting my precious time. Kung 'di ako makapagpigil ay baka maabutan na lang nila itong nakahandusay at walang malay.
Aalis na sana ako nang pigilin niya ako sa kamay na agad ko naman itong inalis. How dare she touch me?
"W-wait, hahahaha.. Y-you are funny hahahaha—" natatawa pa rin niyang sabi. "Hahahaha!"
Anong nakakatawa roon? I was just telling her the truth, inunahan ko lang siya and she thinks it's funny? What a mindset!
"HAHAHAHA-"
"If you're going to laugh, you better let me go or else you'll regret it." Pagtatapos ko sa sinabi niya.
"So, okay,okay. I'm Hanieza and I'm the SSG Vice President. Tatanungin lang sana kita kung bakit hindi ka nakasuot ng uniform? It's been a week since the class started so I assumed you have given instructions already about the uniforms," seryosong saad niya habang nakaturo sa suot ko ngayon.
Oh okay. Nawala sa isip kong hindi pala ako nagsuot ng school uniform. What I wore is a simple black jeans and white shirt, with a white sneakers. I just don't like their uniform, it's too girly and yeah, Mrs. Grandees warned me of that ealier when she finished her class.
"Oh, Miss Vice President, about my uniform, pinaayos ko ulit. Masyado kasing maluwag sa 'kin," pagdadahilan ko na lang.
"Lahat?"
"Yes."
"I don't like you seeing around lalo na kung hindi ka pa nag u-uniform. Understand?" Excuse me? I don't even want to see you around too.
"Okay," walang gana kong wika.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit. Tinahak ko na ang daan pupunta sa cafeteria. Nagugutom na ako at tapos may isang palaka pa na haharang sa 'kin. Tinignan ko lang ng pagkasama-sama ang mga estudyanteng nakiki-usyuso sa 'min.
Enjoying the view mga chismosa?
Sa wakas ay narating ko ang cafeteria, as expected, maraming tao. Buti na lang at naka-roam around ako noong first day at saka hindi naman ako makakalimutin kaya naalala ko pa ang mga pasikot-sikot dito. I better know it in case of.
I ordered spaghetti, pizza and lemon juice. Pagkatapos ay naghanap agad ako ng p'wedeng upuan. Sa kasamaang palad ay wala akong nakitang bakante. I saw one of my classmate, the girl with the name Chadley but I didn't bother to sit with her.
Less interaction, less problem.
I went back to the counter and ask one of the cashier to wrap my order because I'll take this out instead. Hindi naman ako natagalan dahil marami sila kaya kahit sino lang ay p'wede mag asikaso sa 'kin.
Sa room na lang siguro ako kakain, mabuti na rin 'yon para hindi na ako ma-late. Baka another scene from a teacher ang sasalubong sa 'kin. Mahirap na at baka hindi ako makapagpigil kahit teacher pa sila ay may magawa akong labag sa rules ng Clan lalo na kay Dad. Panigurado mas lalo akong paghihigpitan ni Dad sa paghahanap sa pumatay kay Silver.