CHAPTER 7

2205 Words
—BLAIRE'S POV— Tapos na ang klase pero lutang pa rin ako. Pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ag isip ko simula nang magtagpo kami n'ong sabado. Halos wala akong matinong nagawa kaninang klase kung 'di mag-isip nang mag-isip. Siguro nga, kahit pati isang lesson ay wala akong naintindihan eh. Sinakop ang isip ko ng mga impormasyong nalaman ko ng araw na iyon. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya, sa mga ipinaalam niya. Pero nakakapagtaka pa rin kung bakit niya ginawa iyon? Bakit parang ipinain niya ang kaniyang dalawang anak. Unti-unting sumilay ang nakakainis na ngiti sa kaniyang labi matapos niyang banggitin ang ilang mga salitang 'yon. Ngising animo ay nang aasar at nagpapahiwatig na 'nalinlang na naman kita'. Pero hindi ko iyon pinansin, para saan pa at bigyan ko ng pansin. Nandito kaming dalawa, magkaharap. "Oo nga, Manong driver," sarkastiko kong sabat sa kaniya. Ang lalaking kaharap ko ngayon ay walang iba kung hindi ang driver ng sinakyan ko noong pauwi ako galing presinto. Una pa lang nagduda na ako. Kahit pagod at naiinis ako ng mga oras na iyon, maayos pa naman pag iisip at ibang senses ko para mapansin ang kakaibang kinikilos niya. Noong mabanggit ko ang salitang Ilthrov's Mansion, hindi sinasadyang nahagip ng aking mga mata sa side mirror ang galit na sandaling dumaan sa kaniyang mga mata. Agad niya itong pinalitan ng takot 'kuno'. Takot na alam kong hindi naman maradamdaman ng kahit sinong normal na tao. Walang reason ang mga pang karaniwang tao na matakot sa amin o sa mayroon sa Mansion. In the eyes of them, we are just a first class family who have a successful business. Nang mga oras na iyon, hindi ko na lang pinatuunan pa ng pinansin dahil pagod ako at saka nabwebwesit ako dahil sa napunit ang bag ko. Kasalanan ko naman kung bakit napunit kasi hinayaan ko iyon para lang mahuli na iyong magnanakaw. I didn't do that just to help other victims, I just don't why. Basta sure akong gusto ko lang mapatunayan na iyong napapansin ko noon pa na nangunguha siya ng cellphone. "It's been a while, Miss Ilthrov." Bahagya siyang sumandal sa uluhan ng taxi niya. Alam na alam kong ang Mansion's security ay hindi basta basta at alam din 'yon ng lahat pero ang nakakapagtaka na isa sa mga nai-wika niya ay baka pasabugin 'yong taxi. Like what the heck? Hindi gagawa ang Clan ng ganoong bagay lalo na at alam nilang ikakapahamak ito ng Clan, baka pag-initan pa kami ng mga pulis. Siguro masasabi ko pa na papatahimikin ang kung sinong nakapunta roon na walang pahintulot ni Dad, tulad nang ibinungad ng isang guard sa akin pagkarating ko ng bahay. That was also the reason why I didn't let them kill. Might also be the reason why I even asked Dad to let me too—I feel like I need him. Like there's something in him that could give me informations on whatever asepcts it might be. Hindi kami takot sa pulis. Ayaw lang namin ng sabit dahil ang business lang ang naapektuhan. We can't risk it because that's one of the memory left by my late Mother. "Why are you stalking me?" kalmado kong tanong. Wala namang saysay kung papairalin ko ang init ng ulo ko. He has idea about Ilthrov, so I assumed he knows how to defend his self. Bobo na lang siya kung susugod siya na walang dalang panlaban. "Because I know your secret, Gold." Parang nabuhusan ako ng isang balde ng yelo nang marinig ko ang tinawag niyang pangalan sa akin. So my guess was right, he knows our Clan then. He knows me very well. Sounds interesting. "I bet you knew a lot, Mister." Bumaba ako sa bike ko at matindig na tumayo. "Gaano kaya karami ang alam mo?" No one knows the name 'Gold' except for the Clans. Masyadong pribado iyon, ginagamit ko itong code name kung kaharap ko ang totoong mundo na kinalakihan ko. Ang mundong ipinamulat sa akin ng aking ama. "Well, let say, I have two secrets that could change your life." He smirked and crossed his arms. Naguguluhan man pinilit kong panatilihing tikom ang bibig ko. What is he talking about? "Ang tanong ay handa ka bang malaman ito?" bakas ang pang aasar sa boses niya at sinabayan pa ng kaniyang nakakalokong ngisi. "What do you think, Gold? Are you to read—" "Just spill it out." "Kahit na ikamatay mo?" I answered him with silence. Still trying to keep my mouth shut as I keep my concentration function well. "Wanna bet your life to know it, Gold?" Yes, other people might get scared with his now devilish smirks. Hindi yata 'to napapagod ngumisi. Imbes na matakot ay naiinis tuloy ako. Inis sa pambibitin niya. I'm sure to hell that he's not here just to put his life in danger and tell me jokes. "I didn't called Gold for nothing. I've been betting my life to death ever since I was born, Mister." I said it proudly and crossed my arms too. Ilang beses ko nang nakaharap si kamatayan pero dahil siguro may mala-pusa akong buhay kaya hanggang ngayon buhay pa rin ako. "Okay." Bumuntong hininga ito bago magsalita muli. "I'm Anderson Dyrelso. Former Boss of Dyrelso Clan." Paninimula niya. Wait? Tama ba ako sa pagkakadinig? Just like that? "I thought you were dead?" "Supposed to be dead because your Dad assigned an assasin to kill m—" "And why would he do that?" I plainly asked, not giving any hints of trusting him. "Why?" Tumawa pa ito bago magsalita ulit. "Dahil pinagbintangan nila kami—ako sa pagkapatay sa Mommy mo. Pinalabas nilang ako ang pumatay sa Mommy mo at pinagplanuhan na patayin rin ako. Akala ng Daddy mo, napatay nila ako pero nagkakamali siya. Ang masamang d**o mahirap mamatay." What a very used line. Ew! "Then you just said that you killed my mom. "What?!" "You compare yourself to a bad grass, Mister." Natawa lang ulit siya sa sinabi ko. "Oh Gold, you're still young to understand this for sure—" "Ano 'yong isang sikreto?" Nauubusan na ako ng pasensya. He's wasting my precious time. We've been here for almost ten minutes and just talking and chitchating with his so called life. Do I like I care? "My sons." Napataas ang kanang kilay ko sa sinabi niya. Ngayon ay nawala na sa wakas ang ngisi sa mga labi nita at napalitan ng napakaseryosong mukha. May katandaan na rin siya kung titignan dahil sa mga kulubot sa kaniyang mukha. Ka-edad lang siguro ni Dad ito. "What about your sons?" Kapagkuwan ay sumagi sa isip ko ang misyon na binigay ni Dad sa akin—si Venom. Anak niya si Venom, so there's a possibility na alam niya kung saan ito at kung ano ang mga ginagawa ng kaniyang anak. "You both knew them, especially Venom. Matagal mo na siyang kilala, Gold." Now, he's back at smirking like there's no tomorrow. We both remained standing, almost 5 meters from each other. No one dared to go near from each other. Ang layo naman sa isa't isa ay sakto lang para magkarinigan kami. "W-what?" Is this a trap? "And Raven, he once became close to you." "What the heck?" bulong ko na lang sa sarili. What are you planning, Mr. Dyrelso? "Why are you telling me this, Mr. Dyrelso?" Bakit niya sinasabi ito? Mga anak niya ang pinag-uusapan at kilala niya ako. I can kill them the moment I knew who they are. Unless he is planning something. "Poison are can kill you but thief can put you in grievous state." He said in a serious tone. What does he mean? "Poison or thief, whatever you choose, you'll be next in grave, Gold." *** Napabalik ako sa aking wisyo nang marinig ang napakalakas na busina. "BALAK MO BANG MAGPAKAMATAY?!" Dala sa malalim na pag-iisip hindi ko napansin na nasa gitna ako ng kalsada sa parking lot ng school. Hindi ko na lang pinansin ang sumigaw at pumunta sa bike ko. Inayos ko ang padlock nito sa bandang likod, for safety measure ni Siyann ko. At umalis na rin. Pagkauwi ko ay agad kong isinalampak ang bag ko sa study table. Napagpasyahan kong kumuha ng tubig muna bago puntahan ang office ni Dad. I need to talk to him. I need to find out the truth or else I might lost the trust I'm giving to him. Kahit pa siya ang ama ko. Hindi naman sa nagtitiwala ako sa sinabi ni manong driver s***h Mr. Anderson Dyrelso pero kailangan ko la ring maniguro sa kung anong totoo. "Kanina ka pa ba dumating, jiha?" narinig kong wika sa likuran ko. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam ko kung sino nagmamay-ari ng boses na 'yon. Walang iba kung hindi si Yaya Bebang. Lumingon ako sa kaniya na may ngiti sa aking labi. Siya ang yaya ko simula noong ipinanganak kami. "Opo, Yaya." Mapapansing dumadagdag ang kulubot sa kaniyang mukha habang lumilipas ang panahon. Ganoon talaga siguro ang mga tumatanda. Nilapitan ko siya't niyakap pero lumipas lang ng ilang segundo ay wala akong natanggap na yakap pabalik. "Nagmeryenda ka na ba? Gusto mo ipagluto kita ng paborito mong ulam mamaya?" Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya. "Napaaga ka naman ng uwi, hija?" "Napaaga ang uwian namin dahil hindi nag-meet yung last subject namin. Kaya umuwi na lang po ako kasi wala naman kaming gagawin na projects." "Ay ganoon ba?" tipid niyang tanong. Something's bothering her. Hindi ko ramdam ang sigla sa pag kausap niya ako. "Opo, kamusta ka na po, Yaya?" "Tumatanda na rin," wika niya at ngumiti ng pilit. Shoot! I knew Yaya well and she's acting weird today. She can't even look at me like stopping herself from saying something. Also, she's not that uninterested to talk to me. "Nakauwi na po ba si Dad?" Maliban kasi sa Clan ay may kompanya rin kami. At ngayon si Dad ang namamahala nito. The Rethov Global Company. Umiling lang siya biglang pagsagot at saka deritso-deritsong tinungo ang kitchen sink, ako naman ay sinundan lang siya ng tingin. Nakaupo ako ngayon sa isang stool habang pinapanood siyang kumuha nga mga ingredients para sa lulutuin niya, kapagkuwan ay huhugusan ang nga ito at kukuha ulit ng mga kakailanganin pa. "Kamusta pala ang pag-aaral mo?" tanong niya ngunit hindi man lang ako tinignan. "Feels boring. Doing missions and killing people is much more interesting than it is." Tulad ng hinala ko agad siyang napatingin sa akin at saka ako pinukulan ng masamang tingin. Gotcha! "Syempre, joke lang yaya Bebang, masyado ka kasing seryoso saka busy, hindi mo man lang ako tinitignan." I said with a childish tone. Only yaya Bebang knows this side of me. "May problema po ba? Bakit parang ang cold ng treatment mo sa akin? Hindi ako sanay." Inilapag niya ang kutsilyong hawak saka bumuntong hininga. "Nakalimutan mo kasing birthday ko kahapon." Natigilan ako sa sinabi niya. Hala? Teka? Patay! As in patay! Arghh! Ang tanga ko para kalimutan 'yon. Ngumiti ako sa kaniya na parang batang nahuli sa ginawang kasalanan. Kaya naman pala malungkot at kung may anong bumabagabay sa kaniya. "Yaya, sorry na. Nawala talaga sa isip ko. Sorry, promise babawi po ako sa weekend." Bwesit kasing Mr. Anderson iyon, ayan tuloy pati birthday ng taong malapit sa akin nakalimutan ko. Grabeng epekto naman! Agad na nagliwanag ang kaniyang mukha sa sinabi ko. Ayan na, alam kong hindi niya rin ako matitiis. Niyakap ko siya at hinalikan sa kaniyang pisnge, pagkatapos n'on ay binati na. "Happy 55th birthday, yaya Bebang!" Pagkatapos naming magkwentuhan ay agad kaming kumaing dalawa. As expected late uuwi si Dad. Bukas ko na lang siguro itatanong at ipapaalam sa kaniya ang nangyari. Pumanhik na ako sa kwarto ko at agad na pumasok sa shower room. Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa mukha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagdama ng malamig na tubig. Hindi ko pa rin lubos maisip kung sino si Venom at si Raven. Maliban sa kanila ni Dad, Irill at Rio ay wala na akong ibang maisip o kilalang lalaki na close sa akin. Lumaki ako sa hindi mataong lugar. We intend to isolate ourselves to others for the sake of Silver. Lumalabas lang ako ng bahay para gawin ang misyon na ibibigay ni Dad. My space naman sa mansion for training purposes. "Sino ka ba talaga?" mahinang sambit ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Sa kanilang dalawa siya ang mas nahihiwagaan ako. "Why am I have this feeling that you're so familiar. Why I want to know more of you?" Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako ng pantulog saka kinuha ang phone ko at nag-dial ng number. Ilang ring lang din at sinagot niya ang tawag ko. Siya na lang ang alam kong makakatulong sa akin. Bahala na kung madidisturbo ko siya, kahit paano galing ang misyon kay Dad kaya hindi siya makakatanggi. "Hello?" his baritone voice greeted me as he answered my call. "I need more information about this guy." "Who's guy-?" "Renz Venom Dyrelso." Saglit siyang tumikhim at nagsalita. There was a moment of silence before he answered me. "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD