—BLAIRE'S POV—
Ang usapan naming tatlo kahapon ay 9 am dito sa Cafe Shop sa tapat ng school namin. Dito namin gagawin ang poem para sa Literature subject namin. Pero anong oras na at wala pa rin ni isa sa kanila ang nandito. Time is gold. Time should be considered as gold but it seems that they don't understand the value of time. Bwesit, maaga pa akong nagising para lang makapunta agad dito tapos late lang pala sila.
Nasaan na ba 'yong dalawang mokong na 'yon? Kanina pa ako naghihintay dito sa Cafe Shop. It's saturday now, my supposed to be training day but I chose to came here because I want to fix all of my projects right before my cousin arrive. Dad informed me that Amethyst will be staying in the mansion for some quite time. I don't want to leave with the maids tho'.
Mukhang ngayon pa lang nagsisisi na akong nakipag-group ako sa kanila, especially to that nerd. Though it is somehow a good idea being group with him, mas makikilala ko siya. Mas malalaman ko kung sino siya at ano ang mayroon sa pagkatao niya. Atleast in that way I can answer some of the questions that kept on bothering my already chaotic mind. I already did some background check on him and all his information was plain and simple, nothing much interesting to it.
Naagaw ang pansin ko nang makita ang ngayon na papasok na sa shop na si Nerd. He's wearing a plain, white shirt and jeans. Still wearing his super thick eyeglass and his poker face.
Hindi ba 'to marunong tumawa? O kahit ngumiti man lang?
I am an assasin. I kill people, bad people to be exact but damn I still know how to smile unlike to this nerd. For a nerd like him, nakakapagtaka ang magandang hubog ng kaniyang katawan. I'm not judging him pero you know nerds, they prefer studying and staying inside of the house or school rather than exposing their selves outside and do a workout. He has actually a well-built body, just enough for a 18 year old teenager.
"Anong oras na?" Inis kong salubong sa kaniya nang tuluyang makalapit siya sa kinauupuan ko
"Sorry, Traffic." Pagdadahilan niya.
Umupo ito sa upuan na nasa harap ko. Kaswal na tumingin sa akin at saka nagtatakang pinasadahan ako ng tingin.
"Still you are an hour late. Marami na sana tayong nagawang stanza para sa poem kung hindi kayo late."
"We can still do that later," he said, pressing both of his lips just to refrain from laughing.
"Why are you laughing, nerd?"
Duh anong nakakatawa? Is he making fun of me? Minsan na nga lang siyang tumawa nakakinsulto pa.
"Filipino time, you know?"
"What?"
Hindi na siya nag abala pang sagutin ang tanong ko. What does he mean? Filipino time? Eh? Nasa kalagitnaan pa lang ako nang pag-iisip kung ano ang tinutukoy niya nang dumating din sa wakas ang isa pang mokong.
"Hi, guys!" nakangiting bati ni Ash.
Isa pa 'to eh. Late na nga may lakas ng loob pang ngumiti. Kung p'wede lang talagang pag-umpugin silang dalawa ngayon, magawa nagawa ko na.
"Ang aga-aga mukhang nag-aaway kayo?"
"Just to inform you, Mr. Sanchez, it's already 10 am. Anong maaga eh late ka na ng isang oras—"
"Relax, Blaire. I'm sorry, naabutan ako ng traffic sa may bandang northbound." Umupo ito sa tabi ni Nerd at umayos ako ng upo sa upuan ko.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin nang mahagip ng mata kongnakangiti pa rin siya. Para siyang timang. Gwapo nga sana pero parang Clown din kakangiti. Did I just messed with two different world? The happy go lucky escort and the very serious nerd. Tsk, bakit ba ako pumayag makipag grupo sa dalawang 'to.
"By the way, ano gusto niyo? My treat!" masiglang saad ni Ash.
Pagkatapos naming sabihin ni Nerd ang gusto namin, agad na pumunta si Ash sa counter para mag order. Kaya naiwan kaming dalawa ni Nerd dito.
Sandali kaming nabalot ng katahimikan. Inilihis ko na paningin sa glass wall ng cafe shop na 'to, para kahit papano makaiwas sa kahit anong interaksyon sa kaniya.
I came here for our poem and that's all. Akala ko magiging ganoon kami hanggang makabalik si Ash pero nagkakamali ako.
"Yong nangyari noong isang araw..." Pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa 'min. "Alam kong alam mo na hindi 'yon basta pagsabog lang 'di ba? Sa tingin mo anong dahilan no'n?"
I looked at him and tried to read his emotions, but his eyeglass is too thick that I can't even see his eyes. I can't clearly see his reactions. Damn! Ang weird ng eyeglass niya, masyadong makapal, pangit tuloy tignan.
"Hindi ba, sabi ng faculty isang pagsabog lang 'yon," simpleng sabi ko.
"Alam mong hindi 'yon pagsabog. Don't fool yourself, Binibining Ilthrov."
"I'm not."
"Oh really? Then prove it."
Prove what? Ako ba pinagloloko nito? I hate it when people try to command me. Tipong kailangan sundin ko ang gusto nila.
"Nerd, I have nothing to explain to you. Besides, naniniwala ako sa sinabi na—"
"Pero hindi ako naniniwala sa sinasabi mo ngayon. Lahat tayo narinig 'yon. I'm sure it was a gunshot and I'm wondering why you were there?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya roon. Tama siya na isang gun shot iyon. Tama rin siyang narinig ng lahat na nandoon sa school ang pagputok. So what? As much as I am curious on what was going on, still I don't want to take the risk of putting my name into trouble. Ayokong bigyan siya o kahit sino ng rason para maghinala sa pagkatao ko. I can't won't trust anyone.
"You were also there. Why not ask yourself?" pabalik kong tanong sa kaniya.
Tama naman eh, nandoon rin siya. Ang tanong bakit nandoon rin siya? At pa'nong nasabi niya na isang gunshot iyon? Kung normal na tao masasabing parang pagsabog 'yon pero hindi ako normal tulad ng iba. I had heard a lot of different gunshots, so I can conclude that it was not just an explosion.
"I see. Giving me back my own question, Binibining Ilthrov."
Here he go again...
Agad ko siyang tinignan ng pagkasama-sama nang marinig ang surname ko. Oh c'mon, call me in my surname again and I'll surely stab my dagger deep in your eyes. Right here, Right now. I won't bother if there are people here as long as I can teach you the lesson you deserve. Masyado na talagang nag iinit ang dugo ko sa kaniya.
"First, don't you dare call me by my surname again, Nerd! You left me with a small thread, don't try to cut it. Second, problema 'yon ng school at wala na akong pakialam. Pag sinabi nilang pagsabog iyon edi pagsabog. At saka hindi kasi ako tulad mong pakialamero. And lastly, hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ako. Believe me or not, I dont give a damn care about your worries. If you really want to know the things about that incident then find informations on your own. Don't drag me into trouble." Umayos ako ng pagkakaupo nang makita kong papalapit na si Ash sa amin.
Bakit nakakaurat lahat ng mga tao ngayon?
HAPON NA NANG matapos namin ang poem. Natagalan pa kami dahil sa hindi magkasundo-sundo naming opinyo nitong Nerd na 'to. Tsk, ayaw kasi magpatalo.
"Sabay ka na sa akin, Blaire." Umiling lang ako kay Ash, ayos na naman rin si Siyann.
"Bye." Tinungo ko ang pinagparkingan ko kay Siyann at ganoon din sila.
"Ingat!" sabay nilang sabi.
Pagkasakay na pagkasakay ko kay Siyann, hindi ko na sila pa pinatuunan ng pansin. Lihim akong nakiramdam sa paligid at pasimpleng luminga-linga para hanapin ang pinaggalingan nito.May ibang bumabagabag sa isip ko. May kung sino ang namemeste sa paligid ko.
"Blaire? Are you okay?" pagtawag pansin ni Ashton, siguro napansin ang hindi paggalaw ko sa kinatatayuan.
Where are you?
I know you're just here, near me.
"Is there something wrong?" I looked at Ash and just shook my head.
Tumagal pa ng ilang segundo ang bahid ng pag aalala sa mukha niya bago ito napalitan ulit ng kaniyang ngiti.
"Okay. Sige, mag ingat ka!"
"Ingat sila sa akin." Pinaandar ko na si Siyaan at mabilis na umalis.
Sinadya kong bilisan ang pag bike nang maramdaman ulit ang isang pares ng mata na kanina pa nakamasid sa 'min. Simula noong umupo si Ash sa tabi ko bigla ko na lang naramdaman na may nakatitig sa 'min.
Baka sa akin lang.
Binilisan ko pa ang pagpadyak at pilit na nakepagkarerehan sa kaniya. Alam kong susundan niya ako. Lumiko ako sa isang kanto na 'di masyado nadadaanan ng mga sasakyan. Sumuot sa pasikot-sikot ng kalye na alam ko kung saan ang patutunguhan. Hindi ako nagkamali nang matanaw ang isang sasakyan, animo ay mukhang nag-aabang na sa 'kin.
He might thought I was cornered by him but hell NO! It was him whom I trapped him here.
I got you...
Hininto ko na ang bike ko hindi kalayuan sa kaniyang sasakyan. Unti-unti namang bumukas ang pinto ng sasakyang at inuluwa siya. Katamtamang ang kaniyang taas, hindi nagkakalayuan ang tindig at pangangatawan nila ni Dad. Napangisi ako nang napagtantong tama nga ang hinala ko noon una pa lang Hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga galaw niya.
"You didn't made it long to showed yourself up again," I said and stepped closer to him
"We met. Again."
After hearing me, he gave me his devilish smirk.