—GOLD'S POV—
NAGPATULOY ang klase matapos ang pangyayaring iyon. Ang sabi ng Faculty ay may sumabog daw malapit sa school namin. Like seriously? Sinong niloloko nila. Pero in fairness mukhang napaniwala naman nila ang lahat.
Maliban sa akin.
Literature na. Last subject na namin para sa araw na 'to. Sa wakas makakauwi na rin. Gusto ko nang matulog, hindi naman jasi ako makatulog dito dahil mamaya sisigawan pa ako ng teacher na 'Ms. Ilthrov, why are you sleeping?' Like duhh common sense bakit nga ba natutulog ang isang tao. Ayoko sa lahat, sinisigawan ako at tinatanong ang obvious namang sagot. Nako! Kahit papano ay may respeto pa rin ako sa kanila kasi kung wala mapapadali talaga buhay nila.
Napatingin ako sa kanang bahagi ko at bumungad sa akin ang ngayo'y natutulog na si Nerd. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari kanina. Kalmado at tila parang walang epekto sa kaniya ang nangyari.
"Who are you, nerd?"
Agad kong inalis ang pagkatitig ko sa kaniya nang marinig ang boses ng aming guro. Ang matinis na boses niya ay mabilis na umagawa sa lahat ng atensyon ng mga nandirito.
"So, for your project, I want all of you to make a poem. The subject or the theme of your poem will depends on you. Kayo ang bahala, free verse man o hindi. Be artistic and creative with your words. The deadline of this will be next week."
Narinig ko ang mga halatang hindi sang-ayon sa sinabi ni Ma'am. Nasa pinakalikod ako ngayon nakaupo kaya 'di ko makita kung ano man ang reaction niya. As if I care? As if it matters to me tho'.
"But don't worry, it's by three. Kayo na pumili kung sino ang gusto niyong ka-grupo. I will dismissed you early so you can have your plans with your project. And by the way it will be perform infront of our class so better prepare. Just choose one or your representative to perform it. Dismiss class!"
"Thank you and goodbye, teacher!" wika ng lahat maliban sa aming dalawa.
Nakayuko pa rin si Nerd na tila natutulog talaga. Napansin ko namang naghanap na ang halos lahat ng kani-kanilang partners. Iba ay nagsilipatan na ng upo para lang makapag-uspa sa ka-grupo nila. Iba naman ay palakad-lakad pa rito sa loob ng room namin.
"May partner ka na ba?" rinig kong wika ng kaklase kong lalaki.
"By the way, I'm Ashton Sanchez, you can call me Ash." Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay, animo ay makikipag-hand shake.
Tinignan ko lang ito, walang emosyon sa mukha kong pinagkatitigan ang kamay niya ng ilang segundo. Kapagkuwan ay muling ibinaling ang tingin sa kaniyang mukha. He has this innocent, handsome face. Maputi, matangos ang ilong, may pagkabilugan ang mga mata, curly ang manipis na buhok at matangkad. Sa pagkakaalam ko siya ang escort ng klase namin. Sa lahat kasi, parang ang appeal niya ang nagstastand out, parang walang kahirap-hirap ang pagiging gwapo niya. No need maging trying hard tulad ng iba.
Na-realized niya sigurong wala akong balak na makipag-shake hands sa kanya kaya binawi niya ang kamay at pasimpleng ipinasok sa bulsa ng pants. Naramdaman ko naman na tumayo ang isa ko pang katabi at umalis. Inilibot ko ang paningin sa mga kaklase ko na mukhang lahat ay may groupmates na. Tinignan ko ulit siya. Alam kong naghihintay siya sa sagot ko kaya tinanguan ko siya bago ayusin ang mga gamit at lumabas na sa room namin.
"Wait!" paggpigil niyang sabi. Nasa pinto na ako at isang hakbang na lang ay makakalabas na ako ng room.
"What?" mataray kong tanong.
Mabuti nang maging mataray kaysa makilala nila ako sa pagiging mabait. Which is not going to happen. Hindi ako mabait at hindi na magiging mabait. The day I and Silver was born it was like I'm destined to be a demon while Silver to be an angel. She was the angel that can make the demon calm, even me but she's gone now so no one can calm me down.
"Kailan tayo gagawa?"
Still, nakangiti pa rin siya. Hindi ba ito napapagod ngumiti?
Just mind your own business, Gold. Yeah right.
"I'll check my schedule. Besides we're classmates so I'll tell you when and where."
"Okay, thanks... Ingat."
Is it my imagination or he did just wink at me? Hindi ko na lang pinansin at lumabas na ng tuluyan sa room. But not that long, someone stopped me by holding my wrist. How dare he touch me?
"What do you want?" I said calmly.
"Can I group with you?" Tumaas kanang kilay ko sa narinig.
Naghintay pa talaga siya rito sa labas para lang magtanong kung p'wede siya sumali sa grupo, eh kung kanina naghanap na siya, 'di ba?
"It's by three, right. Alam kong dalawa pa lang kayo, so can I group with you?"
"Let go of my w—"
"Say yes first."
"Who give you permission to touch me? You better withdraw your hold now or you might regret it," I warned him but he didn't make a move.
He didn't even seems scared with my warning. Patience, Gold.
"Ask my partner if it's okay with him." Ako na ang kumuha ng wrist ko sa pagkakahawak niya. Mukhang wala siyang plano na bitawan ako eh.Tsk!
Tsk, he's really getting into my nerves!
—SOMEONE'S POV—
Madilim na ang palagid pero nakatayo pa rin ako rito sa gilid ng puno. Halos isang oras na rin akong nandito, nakatayo at nagmamatyag. Hindi ko na inalintana ang ginaw at ang iilang lamok na dumadapo sa balat ko.
Pinagmasdan ko ulit ang bahay sa harap ko, pati na rin ang tatlong taong nandoon sa loob. Ngayon ko lang sila ulit makikita nang malapitan pagkatapos ng ilang taong pagtitiis kong mapalayo sa kanila. I must stick with the plan. Hindi rin naman magtatagal at matatapos na 'tong plano namin.
"Dad...Ven," I silently called their name.
*BEEP BEEP*
Lumipas ang ilan pang minuto at natanaw ko na ring umalis ang bisita nila. Hindi ko masyado maaninag ang mukha ng lalaking 'yon. Kaya hindi ako sigurado kung sino iyon.
"Matutulog na siguro sila," wika ko aking sarili nang nakitang namatay ang ilaw sa bahay na kanina ko lang pinagmamasdan.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang bahay at nagpasyang umalis. May kalayuan din kasi ang pinarkingan ko ng sasakyan ko. Para makaiwas sa hinala at baka may makakita pa sa akin. Habang naglalakad napadako ang tingin sa wrist watch at nakitang quarter to 11 na rin.
"Gabi na rin pala," pagkausap ko sa sarili.
Ilang metro na lang at tanaw ko na ang sasakyan ko nang dalawang payat at mukhang adik na lalaki ang humarang sa dinadaraanan ko. Parang siga pa silang lumapit sa akin.
"Boy! Holdal 'to. Amin na pera mo... Pati iyang selpon."
"Pati 'yang relos din," sabat naman ng isa.
Pareho silang may dalang kutsilyo. Kahit madilim ay kitang-kita ko pa rin mga mukha nila. Pati ang ayos ng pananamit, na hindi ko alam kung napaglumaan o sadyang pangit ng taste sa mga damit. Maluwag na gusot-gusot na jeans at kupas na itim na damit.
"Then get it." Panghahamon ko sa kanila, umakto pang inilabas ang cellphone at bahagyang iwinagayway pa.
"Aba may pa ingles ingles pang nalalaman si tol oh, bigay mo lang ang hinihingi namin kung ayaw mo masaktan," parang sigang utos sa akin ng isa.
Ngumisi pa silang dalawa, kapagkuwan ay nagkatinginan at lalong ngumisi ulit. Halatang galing pa sa langit ang dalawang 'to. Baka tumira pa ng shabu bago pumunta rito. Ang isa ay mahaba-haba ang magulo niyang buhok habang isa ay may pagka-semi kalbo.
"Ano na tol! Ibigay mo na kung ayaw mong datnang nakahandusay ka lang dito. Kita mo 'to?" Ibinalandara niya ang maliit na kutsilyong hawak. "Isasaksak namin ang mga 'to kung ayaw mo pa ring ibigay pera, selpon at iyang mamahalin mong relo. Walang susubok na tutulong sa iyo rito, Tol. Kaya dali na bigay mo na!"
Akmang lalapitan na ako ng isa sa kanila nang mabilis kong binunot ko ang nakatagong baril sa coat na suot. Hindi agad sila nakakilos ng walang sabi kong pinaputukan sa kaliwang binti ang lalaking lumapit sa akin.
"ARGHHHHHH!" namimilipit niyang sigaw.
I actually used a silencer, so if I kill them both right now, no one could hear a gunshots. No one would know who killed them once they found these two dead tomorrow morning. Sila na nga nagsabi, 'di ba, walang tutulong sa akin kung ano sasaksakin man ako, ganoon din naman sila. No one would dare help them out in this scary night under the deafening silence of this place.
"In the count of three.... I want you two out of my sight," I said, emphasizing a bored tone.
Awtomatiko namang gumalaw ang isa sa kanila para tulungan ang kasamang naputukan sa binti.
"ONE!" I counted.
Kahit hirap ay pinilit nilang maglakad nang mabilis. Pilit tiatakasan ang gulong ginawa. Ika nga, mabilis nga ang karma. 'Yon nga lang dahil ako ang pinatripan nila, pagpasensyahan na pera wala akong awa sa mga taong tulad nila.
"TWO!" Again, I counted.
Lakad..
Takbo...
Lakad..
"THREE!"
Bago pa man makaliko sa kanto ang dalawa ay naputukan ko ang isang pang lalaking umaakay sa may sugatan na kasama niya. Tulad ng isa ay sa kaliwang binti rin nito pinutukan. Medyo malayo na rin ang distansya nila pero nasapol ko pa rin ang nais patamaan.
Not bad..
"Weak," saad ko saka tinago ulit ang baril sa coat ko at nagpatuloy na naglakad papumunta sa sasakyan ko, naka-park lang sa hindi kalayuan. Pagkarating sa sasakyan ay agad ko itong binuksan. Pagkaupo na pagkaupo ay nabaling ang tingin ko sa isang maliit na kulay pulang kahon na nakalagay sa tabi ng driver's seat.
Nakapaloob sa kahon ang regalo ko sana kay Dad.
"Should I give it or not?" I asked out of nowhere.
Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ito sa kaniya o hindi. Baka hindi pa ito ang oras para magtagpo ulit kaming tatlo. Baka magalit lang siya kung magpakita ako ngayon pa lang. Konting maling galaw lang baka masira ang matagal nang plano ni Dad.
In the end, I found myself coming back to my Dad's house. This time, there's no hindrance or some stupid addict guys who will get on my way. It didn't took me too long to get back to his house and put my gift right infront of his apartment.
"Happy birthday, Dad." Bulong na pagbati ko sa hangin.