—IRILL'S POV—
"Mike, kailan mo ba balak sabihin ang totoo kay Gold?" tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang mga daliri ko.
Hindi ko maiwasan mag-aalala lalo na ngayon na sa tingin ko mas lumalala ang sitwasyon. Sigurado akong hindi na nakakayang kontrolin ni Mike ang sitwasyon. Masyadong nang complikado ang lahat. Masyado nang marami ang nadadamay.
"Alam nating walang sikreto ang hindi mabubunyag," dagdag ko pa.
Bumuntong hininga siya. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo sa pagkaka-upo sa swivel chair at pumunta sa kaniya side table. Kung saan doon naka display ang ilang picture frames nilang buong pamilya. Matiim na tinitigigan kung anong nakalagay roon.
Masyado nang naging kumplikado ang lahat. Dahil lang sa isang pagkakamali ay marami ang nawala, maraming buhay ang nakuha at posibleng madagdagan pa 'yon kung hahayaan niyang mabalot ng galit ang kaniyang anak.
"Hindi ko sinasadya," aniya habang nakatingin sa hawak na picture frame. "Hindi ko ginusto ang lahat. Masyadong mabilis ang pangyayari. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko."
"Alam ko, Mike. Magkasama tayo noon at naiintindihan kita. I understood why you have to do that. It's not your entire fault."
"Sana tulad mo, kaya rin nila akong intindihin. Hindi ako alam kung paano haharapin 'tong kasalanan ko."
Taimtim pa rin siyang nakatingin sa larawan kung saan kasama niya ang asawa at ang kambal niyang anak, sina Gold at Silver.
Kahit nakaupo ako ay hindi nakatakas sa aking paningin ang saglit na pagtulo ng ilang butil ng luha sa mga mata niya, na agad niya rin namang pinunasan. Kahit sabihin nating siya ang pinakamalakas na tao sa underground community at ang tinitingala ng lahat ng mga mafia ay hindi pa rin maipagkakait sa kaniya ang pangungulila sa kaniyang asawa at anak. Ang pagiging mahina niya pagdating sa kaniyang pamilya.
It's his weakness. Demon's weakness.
Masyadong nasaktan si Mike sa nangyari sa kaniya noon, saksi ako roon. Nakita ko kung paano gumuho ang mundo niya nang unti-unting mawala ang mga taong importante sa kaniya. Nakita ko rin kung paano siya nalugmok sa mga pagtataksil ng malalapit sa kaniya.
"Nabulag ako sa kapangyarihang nataglay ko bilang pinuno ng pinakamataas na mafia. Alam kong mali ang ginawa ko. Alam kong hindi ko dapat ginawa 'yon."
"At hindi pa huli ang lahat, Mike," paniniguro ko sa kaniya.
"Sa tingin mo, mapapatawad pa kaya nila ako?" kapagkuwan ay tanong niya sa akin. "Maiintindihan kaya niya ako?"
"Maiintindihan ka nila, Mike. Tao ka rin at nagkakamali. May kabutihan sa puso ni Gold. Alam kong kaya ka niyang patawarin hindi man ngayon pero sa tamang panahon. Maiintindihan ka niya kung hahayaan mo ang sarili mong maging bukas sa kaniya, Mike. She's your daughter after all."
Pilit siyang ngumiti, kahit papano ay alam kong nabawasan ang bigat na nararamdaman niya.
"Maiba nga tayo, kamusta ang pagmamatyag mo sa Dyrelao Clan? May nahanap ka na bang ibang impormasyon kay Venom?"
Natigilan naman ako sa tanong niya. Gusto ko siyang sagutin na 'Oo, marami. Pero hindi mo ito dapat malaman. Baka ikawasak lalo ng mundo mo.' Pero hindi p'wede, hindi ko pa kayang sabihin 'to sa kaibigan ko.
Tinignan ko siya saka umiling.
"Maliban sa ibinigay ko sa 'yo noong nakaraan ay wala na. Masyadong magaling siya sa pagtago ng sikreto at mukhang napaghandaan niya ito ng lubos," pagsisinungaling ko. Laking pasalamat ko ng hindi na siya nagtanong pa ulit.
"Siguro nga, tulad kay Gold at Silver, malaki rin ang kasalanan ko sa kanila. Sigurado akong may kung anong mali sa nangyayari ngayon. Ramdam kong may mali sa lahat ng 'to. Seems like it was designed to be played by us."
"Wala kang kasalanan sa pamilya nila, Mike. Kung may kasalanan man dito ay ang mga kapalaran nating pinagkaitan tayo ng kasiyahan na gusto natin. "
Pinagkatitigan niya pa ako saglit saka muling nagsalita. "Alam nating pareho ang totoo, Irill. Alam na alam nating pareho kung bakit nagkaganito ang sitwasyon... It was all my fault.... All my f-fault."
Kahit anong sabihin ko sa kaniya hindi niya pa rin maialis sa isip ang kaniyang nagawa. Alam kong hindi niya iyon ginustong mangyari at aksidente lang ang lahat. Pero hindi ko rin siya masisisi, lahat ng 'to ay nag umpisa dahil sa maling desisyon niya noon.
Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na ako para umuwi para makapagpahinga kahit papano. It's been long, tiring day. Too much informations about Venom I had found just this day.
Nang makarating ako sa parking lot ng Ilthrov's Mansion ay agad kong natanaw ang sasakyan ko.
My baby...
Mabilis kong pinuntahan 'yon. Pagkasakay ko pa lang ay pinaharurut ko na agad ito. Mas mabilis akong makauwi mas mabuti. Habang nasa biyahe, biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari noon. Kung saan at paano nagsimula ang lahat.
We were just a happy go lucky bestfriends when Sir Allen, Mike's Dad, suddenly said that Mike needs to turn over the position he has in the mafia for some reasons that Mike doesn't even know about it. At the age of 18 he became to the leader of the most dangerous mafia here in the Philippines. Bata pa lang kami ipinakita na sa amin ang totoong buhay na dapat kalakihan namin. A life where in weak people are not welcome. A life where killing is a power. Wherein the more you kill the more you are safe. Safe against the enemies, against traitor.
Sa aming lima na magkakaibigan ay kami ni Mike ang mas malapit sa isa't isa. Kaya nga kilala ko na siya mula ulo hanggang paa. Kaya noong pina-arrange marriage siya ay nakita ko kung paano mawala ang dating masiyahing Mike. Naging isa siyang seryoso at demonyong tao pag pinag-usapan ang mafia. Bumalik lang kaniyang mga ngiti no'ng dumating ang kanilang kambal. It's like a blessing in disguise. The demon became soft again.
I turned on the radio—my car has actually its radio in case I'm bored.
Malayang naglayag ulit ang isip ko habang paminsan-minsan pang sumasabay sa kanta. Pilit na inalala ang mga panahon na okay pa ang lahat. Ang buhay namin na hindi pa ganito kalala ang mga nangyayari. Kung saan masaya at kontento kami sa kung anong mayroon kami.
I just hope Gold will accept the truth, just like how he accepted him in her life. And Mike, I hope he would be able to handle this betrayal. I know he had enough of this, but I really hope this time, he could still manage to forgive his self.
Napatigil ako sa pagsabay sa kanta nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon ng hindi pa rin inaalis ang mga mata sa daan. Mahirap na at baka hindi pa ako nakauwi, may nag hihintay pa sa akin.
Isinuot ko muna ang bluetooth earphones saka pinatay ang radio bago ito sinagot.
"Yes?"
"Tito..." It took me seconds to recognized of whose the of that voice.
Raven.
"Oh Rav? Bakit napatawag ka?"
"Kasi po.. Si D-dad.. A-ano raw—" mahihimigan ang kaba sa kaniyang boses, animo ay batang natatakot.
"What is it?" I said trying to refrain my curiosity. "Anong nangyari sa Dad mo?"
"May nangyari po sa kaniya." Pakiramdam ko ay parang saglit na tumigil ang t***k ng puso ko sa narinig.
"Anong nangyari?!"
"Kasi, may nangyari p-po."
What happened? No, it can't be! Hindi pa ito ang oras para mawala siya. Hindi ko ito kaya mag isa, hindi ko sila kakayaning harapin mag isa.
"Kasi po na—"
Hindi ko na hinaayan pang matapos ang sasabihin niya at saka pinaharurot ng pagkabilis ang sasakyan.
Wala na akong pakialam kung may nalalabag akong batas total mula nang pinanganak ako ay nakatakda na akong gumawa ng kasalanan.
Rinig na rinig ko ang malalakas na busina ng mga sasakyan na nadadaanan ko pero hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Ang importante ay makarating agad ako sa kung nasaan man sila ngayon. Hindi nagtagal ay narating ko ang kanilang bahay. Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan at mabilis pa sa kidlat akong lumapit sa kanilang bahay.
Maliit lamang ito ngunit sementado at presentable rin tignan. Ni hindi nga mapapansin na isang ano pala ang nakatira rito. Nakita kong nakabukas ang pintuan nila kaya agad akong pumasok. At hindi ko inasahan ang tumambad sakin.
Parang kumulo ang lahat ng dugo ko ng madatnan si Raven na may bitbit na tupperware na may spaghetti na nakalagay. Akmang ilalagay niya ito sa lamesa ng mapansin niyang nandito ako.
What the?
Nahihiyang ngumiti siya nang magtagpo ang mga mata namin. Tila batang nahuli sa kaniyang kasalanan.
"Where's your Dad?" seryoso kong tanong.
Hindi magandang biro.
Tinuro niya ang daan kung saan ang kanilang kusina. Nagmartsa akong pumunta sa kusina nila at nakita nga ang magaling niyang ama.
Bastard..
Naabutan ko siyang naghuhugas ng kaniyang kamay. Nang matapos ay tumingin siya sa 'kin. Magsasalita pa sana siya nang dumapo na ang kamao ko sa kaniyang mukha. Sa lakas ng impact ay na napaupo siya sa sahig.
Buti nga sayo.
Alam kong hindi niya inaasahan 'yon dahil kung sakali man, alam kong maiiwasan niya 'yon.
Siya pa ba?
"WHAT WAS THAT FOR?!" sigaw niya.
"I SHOULD BE THE ONE TO ASK YOU THAT. WHAT WAS THAT FOR? YOU THINK THAT WAS A GOOD JOKE?"
"Well," sabi niya saka pinahiran ang mumunting dugo sa gilid ng labi, walang ano ano ay humagalpak sa tawa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA."
Napanganga na lang ako nang bigla siyang tumawa. Baliw na nga. Kita mo 'to! Lakas ng topak, kinabahan pa ako baka kako anong gulo pinasukan at may nangyaring masama sa kaniya. Hinayaan ko na lang siyang tumawa saka inayos ang sarili para umalis. Nakailang hakbang pa lang ay natigil naman ako nang marinig ulit siyang magsalita.
"It's actually my birthday today." I stopped.
"That's not a valid answer," I said coldly.
"Alam kong hindi ka pupunta kung 'yon lang ang sasabihin ko kaya inutusan ko si Raven na tawagan ka and I think it worked, right?"
Muli hindi ko napigilan ang kamao ko na dumapo ulit sa kaniyang mukha pero hinayaan niya lang ako. Hindi siya nanlaban o kahit sumigaw ulit. Nakatatlong sapak ako sa kaniyang mukha nang mapagdesisyunan ko ring tumigil at umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Inayos ko ang sarili—ang damit kong nayupi at taas noong sinalubung ang tingin niya. Saglit pa akong bumuntong hininga at sinambit ang pagbati ko.
"Happy birthday, Anderson."