CHAPTER 3

1995 Words
—BLAIRE'S POV— KINABUKASAN ay maaga akong pumasok. Pagkadating ko sa room ay nandito na ang halos lahat ng mga kaklase ko. Hindi rin nagtagal ay dumating din si Mrs. Grandees. "Good morning, Class!" Tumayo kami at binati rin siya. "Before we proceed for our next lesson. You will be having your permanent sitting arrangement." Pagkatapos niya sabihin 'yon, lahat kami ay tumayo sa gilid ng kwarto habang si Ma'am ay isa-isang tinatawag ang mga kaklase ko. Sabi niya by height daw, so siguradong sa likuran pa rin ako. Isa-isa niyang tinawag ang mga apelyido ng mga kaklase ko. "Mr. Sanchez." Nag hands up naman ang katabi kong lalaki. Mataas siya, parang pang basketball player na height. "Last row, third to the last column." Pagkarinig nito ay agad na umupo sa kinauupuan ko kanina. "Ms. Ilthrov!" Nag-angat ako ng tingin kay Ma'am nang marinig ang apelyido ko. "Last row, second to the last column. Sa tabi ni Mr. Sanchez." "Last. Mr. Santos!" Napatingin ako sa lalaking naiwan nakatayo. So Santos is his surname. Nerd's surname. "Are you near or far sighted, Mr. Santos?" Hindi ko na sila pinansin at pumunta na sa upuan ko at umupo na. Hindi ko na rin pinansin ang katabi kong mukhang gusto akong kausapin. Well, I don't want to talk to him. Isinubsob ko ang ulo ko sa desk ng upuan ko at natulog. Siguro naman hindi ako mapapansin ni Ma'am na nakatulog dito. "Far sighted, ma'am!" I heard him said. "Okay then sit beside Ms. Ilthrov!" Ilang sandali rin ay naramdaman kong may umupo sa kanang bahagi ko. "I will just give you your assignment for now because we have an urgent meeting. You can do it here in your free time or in your house but don't do it in other class, understand?" "Yes, ma'am!" Halos lahat ng kaklase ko ang sumagot. Pagkatapos ng oras namin sa accounting ay nag sunod-sunod na rin ang iba pa naming mga klase. HALOS 2 AM na ako nakatulog sa kakahanap ng ibang impormasyon sa letseng Venom na 'yon. Kahit anong paghahanap ko ng ibang impormasyon ay wala pa rin. I even used my connection but I failed to get more informations about him. I need to find him or else I won't be able to find who killed Silver. It's good to know that Dad's giving me mission again. Siguro sign na 'to para matigil ang sinasabi niyang lie low. Nakakaurat na, feeling ko nabaldado lang ako ng dalawang taon dahil sa ginawa niyang pagbawal sa akin. I was busy answering my assignments when I sensed someone entered my room. Palihim kong kinuha ang maliit na dagger sa ilalim ng drawer ko. Hinintay ko muna siyang makapasok sa loob. Nakatalikod ako sa pintuan kaya't hindi ko makita ang mukha niya. Nang makasiguro akong nakapasok siya ay agad akong humarap sa kaniya at mabilis na hinagis ang dagger na hawak. Mabilis din siyang nakailag pero nadali ko pa rin ang gilif mukha niya, nadaplisan sa kaniyang bandang kanang pisnge "Aray!" wika niya at pinahid pa ang dugo na dumadaloy sa kaniyang pisnge. "Miss Gold pinapatawag po kayo ni Boss," dagdag niya na hindi man lang nag atubiling magalit sa ginawa ko. He's just one of my Dad's trusted bodyguard. "Gusto mo bang mamatay nang maaga? Sa susunod kumatok ka muna bago pumasok." "Pasensya na po, bukas po kasi yung pintuan kaya pumasok na lang ako." Pagdadahilan niya habang nakayuko. Lame excuse.. "Pasalamat ka, walang lason ang inihagis ko sa iyo. Sabihin mo kay Dad papunta na ako, aayusin ko lang 'to." Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago siya lumabas. Iniayos ko muna ang mga gamit ko sa school bago lumabas ng kwarto at tumungo sa study room ni Dad. Habang naglalakad sa hallway napansin kong mas dumami ang mga nakabantay. Kumatok pa muna ako bago binuksan ang pinto ng study room niya. "Come in," wika ng aking ama na hindi man ako tinapunan ng tingin. Alam kong alam niya na ako ang tao na nandito ngayon. 'Malamang, Gold. Pinatawag ka 'di ba? duh!' saad ko na lang sa sarili ko. "I want you to find him," wika niya ulit pero ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ganoon ba ka importante mga papeles niya kaysa sa akin? Tsk! Lumapit ako sa table niya at saka umupo sa bakanteng upuan. Puno ng pagtataka ko siyang tinignan. Sino bang hindi magtataka eh wala akong idea kung sino tinutukoy niya. Kung paghahanap lang ng impormasyon ang pinag-uusapan sana kay Irill siya nagpahanap. Irill Castro is his most loyal right hand. He's very good when it comes to finding informations. He was also my former mentor, my teacher rather. Akmang tatayo na ako nang marinig ko ulit siyang magsalita. "Mukhang may kinalaman siya sa pagkamatay ng kakambal mo." Tila napanting ang tainga ko sa sinabi niya. Napaayos ulit ako ng upo at seryosong tumingin kay Dad. "If there's a need to kill him, do it. I'm giving you permission to do so." Simula kasi nang mamatay si Silver ay pinagbawalan na ako ni Dad pumatay. At pinagbawalan niya rin akong makialam sa mga transactions na nagaganap at magaganap na may koneksyon sa mafia, unless siya mismo magbibigay ng misyon sa akin. Kesyo ayaw niyang masangkot ako sa gulo at malaman ng lahat ang tungkol sa pamilya namin. Only the underground community really knows what's with the surname of Ilthrov. I'm the upper class assassin of our mafia, Ilthrov's Clan to be exact. Our Clan is still the top mafia in the Philippines for almost 2 decade. At hanggang ngayon namamayagpag pa rin ito. "Siya ang pinakabatang anak na lalaki ni Anderson Dyrelso. His name is Reizandrei Venom Dyrelso." Sabi niya sabay abot sa akin ng isang folder ng may mga papel. Tinignan ko naman ang mga papel para hanapin ang mukha ng taong tinutukoy niya pero wala akong nakita tanging pangalan lang at isang litrato ng tattoo. Maybe that was their mark. "Dyrelso Clan was vanished a long time ago but it seems that it resurfaced again." Naguguluhan man ay pinilit kong 'wag magtanong. Alam kong ayaw na ayaw niyang dinidisturbo siya kapag nagsasalita. "At ang nakakabahala ay biglang bumabalik ang Clan nila. Base kay Irill, lumalaki at lumalawak na raw ang sakop nila at patago itong nangyayari. Smuggling ng drugs at mga mamahaling armas ang pinagkakaabalahan ng Clan nila. At 'yan ang tanging impormasyon na nakuha ni Irill sa Dyrelso Clan. Imbestigahan mo muna siya. If you see Venom as a threat, then kill him." THE ONLY informations written in this paper is that, the Dyrelso Clan was vanished because Mr. Anderson Dyrelso was killed and no one knows who killed him. While their Clan was eliminated because there was no one to lead it, his two child were still young. The older child, Ravenzrie was reportedly missing. Ang kanilang ina na si Angela Dannah Faith Dyrelso was missing the day before Mr. Dyrelso was killed. Parang bula silang nagsilaho. And this Venom guy, he is actually giving me excitement, for what reason? Well, I don't specifically know. Maybe, because he's quite interesting. He is a damn mysterious. "Miss Gold, nandito na po tayo." Naputol naman ang pagmumuni-muni ko nang marinig ang boses ng driver ni Dad. Dahil sa sira pa at pinaayos pa ang bike ko ay wala akong choice kung 'di magpahatid. Ang layo kaya ng school. Tinanguan ko na lang siya at saka bumababa. Pagkababa ay binati naman agad ako ng malamig na hangin. Medyo marami na ring estudyante. Napatingin ako sa relo at napagtanto na malapit na akong ma-late. It's 7:56 am and my class will start at 8 am. Gosh! Bakit ba ang layo ng building namin sa gate, tsk! Kung p'wede lang liparin ito. Gagawin ko talaga. Lakas-takbo kong tinungo ang building ng classroom namin. Kung lalakarin ko lang ay baka ma-late talaga ako. Accounting pa naman yung first period, she's very strict when it comes to time. Ayokong magkaroon na naman ng not-so-good encounter sa kaniya. I need to at least, control my anger. Ilang hakbang na lang nang malapit na sana ako sa building namin nang biglang may isang malakas ng tunog ang bumulabog sa paligid. Sandaling katahimikan ang namayani bago marinig ang samu't saring sigaw ng mga estudyante. Alerto akong nagmasid sa paligid, habang inililibot ang mata sa bawat sulok. I tried to search anything suspicious but I can't, I didn't found something. Nagsitakbuhan ang mga studyante, ang iba ay nag pa-panic pa. Anong pakulo 'to? Ang aga aga ito bubungad sa 'kin? Maglalakad na ulit sana ako nang mahagip ng paningin ang anino ng dalawang tao. This time I saw where it is. Dali-dali akong tumakbo sa parang storage building, 'di kalayuan sa building namin. I'm sure I saw someone there. I ran as fast as I could, not even minding who would notice my speed. Nakakapagtakang may ganitong mangyari sa school na' to. That loud noise was a gunshot. I'm pretty sure it was a gunshot from a revolver. Hindi maipagkakaila ang security na mayroon ang school na ito. Kaya pa'nong may nakapasok dito? Paanong may ganitong nangyari? Unless tama ang kutob ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nasa pintuan na ako ng storage building. Hindi naman ito kalayuan sa building namin kaya di ako nahirapan. May dalawang palapag ito. I tried to search for the doorknob and seconds passed, I saw one. Pinilit kong pihitin para buksan ito pero wala. I can't open it. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Halatang matagal na itong storage building na hindi ginagamit dahil sa lumang itsura nito. Then, I saw it. Binggo... Tinakbo ko ang nakauwang na bintana. May kataasan ito ngunit maingat kong pumasok rito. Seriously? Nakapalda pa ako ngayon. Nagtagumpay naman akong pasukin ang isang kwarto sa pamamagitan ng bintanang 'yon. Thanks to it. Pinagpagpagan ko muna ang sarili para maalis ang mga alikabok sa palda ko nang maramdamang may tao sa likod ko. I was caught off guard when he puts his hand to cover my mouth "Shhhssss!" Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at marahas siyang pinaikot para magpalit kami ng posisyon. Agad kong pinuntirya ang kaniyang kaliwang paa para mapatumba siya at hindi nga ako nahirapan. Nakadapa siya ngayon sa sahig habang hawak ko ang dalawang kamay sa likod nito. Magsasalita na sana ako nang may marinig kaming yabag na nanggagaling sa labas ng kwarto na 'to. "Sigurado ka bang walang nakakita sa atin?" "Oo, tinignan ko ang paligid bago gawin 'yon." Sandali lang ay wala na kaming narinig na nag-usap o yabag na papaalis. We stayed silent for minutes already. Naramdaman kong pilit siyang kumawala sa hawak ko, kaya binitawan ko na siya. Hindi siya kasama nila. Agad siyang tumayo at humarap sa 'kin. Gulat at pagtataka ang gumuhit sa mga mukha namin nang magtagpo ang mga mata namin. Siya? Handa na akong magtanong pero naunahan niya naman ako. "What are you doing here?" puno ng pagtatakang tanong niya. "Ikaw ang dapat kong tanungin, ano ang ginagawa ng isang nerd dito?" Natawa siya sa narinig. What? Anong nakakatawa roon? "None of your business, Binibining Ilthrov. "Why are you here?" I firmly asked and he just stared at me blankly. "Who exactly are you?" Bakit pakiramdam ko ay kilalang-kilala niya ako? The way he look at me. "And stop calling me Binibining Ilthrov!" I just hate it when someone calls me by my surname. "Your nightmare," nakangisi niyang sambit Kahit medyo madilim ang kwartong ito ay maaninag ko pa rin ang mukha niya dahil sa sinag ng araw. Alam kong biro lang 'yon pero may kung anong iba akong naramdaman sa nga salita niya. Ano raw? Nightmare? Nagpapatawa ba siya? Sa akin pa talaga niya sinabi 'yan. "I'm the worst nightmare you'll ever experience, if you only know the real me," saad ko sa aking isip habang nakatingin sa kanyang likod. Maingat siyang lumabas sa bintanang pinasukan ko at walang pasabing umalis. You're weird, Nerd.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD