Episod 4

2069 Words
Sa buong araw na pananatili namin sa farm house ni Lola Rebecca naging masaya naman kme. Naka pamasyal kme sa napakalawak nilang harden. Nag katuwaan sa lilim ng kahoy, tumambay sa munting kubo nila at nagpapakain sa mga alagang kalapati ng tiyuhin nila Gio. Masayang masaya ako sa araw na yun. Tanghaling tapat na nang may dumating na puting van sa tapat ng bahay nila Lola tamang-tama naman at nakahanda na ang pananghalian. Siguro mga bisita ng Lola nila. Hindi ko din maaninag pa ang mga panauhin lalo na’t nasa kabilang side sila ng Van bumaba habang kme ay medyo malayo sa mismong bahay, nasa kubo kase kme at natatabunan pa ng mga sanga ng punong kahoy kung kaya’t hindi ko maaninag ang mga panauhin na dumating. “May bisita pala ang Lola kaya pala nag pa handa ng madami para sa pananghalian” pabulong ngunit dinig ko na sabi ni Trixie sa kambal niyang si tricia. “Okay luto na ang mga inihaw naten” pasigaw naman na wika ni Gel. Parang excited lng anung meron. “Bakit parang excited ka? Masarap ba Yang niluto mo e nag ihaw ka lng naman. Buti sana kung adobo o kaya ay Crispy pata yan.” Panunukso ko sa bakla bakla-an kung kaibigan. Agad namang napatawa si Tricia at Trixie. “E kase naman beshie hindi ko naman alam na bukod pala sa andito si papa Gio kabonding naten meron pang adobo a este Crispy pata na dumating, ang pogi TalagA. Bisita nila Lola Rebecca!!.” Kiliting pagpapaliwanag ng bakla. At nang ma rinig naman ni Leila agad na lumapit at napa kurot kay Gel. “Ikaw Gelay ha! Tantanan mo Yang kakalandi mo, andito tayo para mag bigay oras sa isa’t isa, time for Friends ngayon nuh! At gusto mo bang isumbong kita kela Tito ? Para nang sa gayun ay mauna ka nang ma tapos sa eskwela?” Panenermon ni Leila habang si Gel naman hipo hipo ang kinurot ng kaibigan namin. “ ikaw naman Madam or should I say Miss minchin, wag masyadong strikto baka di kana makapag asawa niyan.” “Mga mam at sir tawag na kayo ni Madam kakain na daw po ng tanghalian.” Napalingon kme lahat sa direksyon kun nasaan ang katulong na nagsalita. “Sige ate sunod na kme.” wika ko naman bilang pag tugon. Habang papalapit na kme sa bahay ay malayo palang ay nakikita ko na ang mga panauhin na bisita ni Lola Rebecca. Nagulat naman ako at isang napaka familiar na mga anyo ang aking naaninag. “Dan??.Alex??.Tito Miguel at Tita Lucy..” OMG hindi ko inexpect na makikita ko ang pamilya Madrigal dito.” Hindi ko man lng namalayan na malapit na kme sa balkonahe kun saan nakahanda ang mga pagkain para sa pananghalian. Humarap samin ang pamilya Madrigal nagulat pa ang mga ito ng makita ako. Nagulat din ang mga kaibigan ko sa pagbati ng mga bisita ni Lola Rebecca saken. “Belle? You’re here too?.” Nagulat na tanong ni Dan ngumingiti pa ito. Ngumiti naman ako saglit at nag salita “Oo , hi Tito Miguel and tita Lucy IM here with my friends po.” tipid kung pag bati “Ayyy bongga ka dzaii kilala mo pala yung Crispy pata.” pabulong at kinikilig na wika ni Gel sa tabi ko with matching kurot pa. Kinurot ko naman ang tagiliran niya tanda para huminahon ang bakla. “Ate nice to see you here.!!” pagbati ni Alex na Lumapit pa saken at nag biso pa. “Ako din Lex.” “Alam mo bang———-.” Natigilan ang pagbulong ni Alex saken nang magsalita naman si Tito Miguel “Nice to see you here iha.” “Belle alam ba nang mama mo na andito ka??” Tanong naman ni tita Lucy “Opo tita hinatid naman po niya kme ng mga kaibigan ko dito.” Sagot ko naman “ ahhh ehhh kaibigan kase sila ni Gio, nakababatang anak ni Marcus. At kambal na anak ni Talia. Mga apo ko ang kaibigan niya.” Dagdag pa na paliwanag ni Lola Rebecca sa mga Madrigal “What a small world naman she’s the only daughter of our close family friend na si Sandra Tita.” Paliwanag naman ni tita lucy “Oh sya sige na at umpisahan na naten ang pananghalian.” pag aawat na ni Lola Rebecca sa usapan. “ Oo nga Tita at napakarami pa tayong dapat pag usapan.” pagsang-ayon naman ni Tito Miguel. Huling dumating sa hapag kainan ay si Gio sakto naman na naka pwesto na ang lahat at ang tanging natitirang bakanteng upuan ay nasa kaliwa ko. “Oh Miguel ito na yung nakababatang anak ni Marcus, ang pinakamatalik mong pinsan. Wala dto ngayon dahil abala din sa negosyo at di naman kayo nag pasabi na darating kayo, kung alam nun ay nandito na sana ngayon yun.”pag uumpisa sa usapan ni Lola Rebecca. “Gio, Tricia and Trixie sya ang Tito Miguel at tita Lucy nyo. Pinsan ko ang ina ng Tito Miguel nyo kasama nila ay ang anak nilang si Dan at Alexa mga pinsan nyo din.”pagpapakilala ng matanda. Agad naman nag kamayan ang lahat. Nagpatuloy ang kwentuhan habang kaming magkakaibigan ay sumisingit namn pag tinatanong tungkol sa bawat isa. “Kain kapa Belle, wag ka na mahiya damihan mo lng. Pwedi kana ring mag take out” panunuksong bulong ni Gio saken. Kaya naman napatawa ako konti. “Bakit? May unli rice ba kayo dito? Hndi naman kase masarap luto ni Gel.” patawa ko ring biro na pina rinig ko pa sa kanan ko kung saan naroroon si Gel. Pag angat ko ng aking mukha ay nakita ko si Dan na nakatingin samin ni Gio. Nagkasalubong ang mga kilay. Kaya agad ako nahimasmasan, hindi ko naa pinansin pa ang kakulitan ni Gio dahil baka akalain ng kuya kuyahan ko sa nga Villarin ay nakikipagkantyawan ako habang nasa hapag kainan, nakakahiya namn kela Tito at Tita. Pagkatapos ng pananghalian namin ay bumalik na ako sa kubo nag bihis ako ng damit in preparation for our activities. Meron kase kaming activities na hinanda ng kambal. May magawa lng sa Farmhouse ng Lola nila. At nung isara ko na ang pinto ng kubo. Ay nakita ko si Dan na naghihintay sa labas. “ its good for you na nakaka paglibang ka sa vacation mo Belle.” Pag bati ni Dan saken. Napangiti naman ako sa kanya. “Oo nga boring kase kaya naisipan namin gawin to. Ikaw kamusta yung pananatili nyo dito sa Pinas?” “Medyo busy kase kme ngayon for the past few days si Mom and dad kase panay pang bisita ng mga kamag anak nila.” sabi n’ya na parang napabuntong hininga pa. “Naku eh nag eenjoy naman kayo ni Alex dba? pasyal dito pasyal doon” sagot ko naman nang patawa “Off course I did! And IM glad that you’re here too. Tomorrow Free ka ba sunduin kita by 8 doon ka naman sa bahay alam mo naman na walla signal dun. Hindi ako masyado nakakapag communicate kung nasa bahay ako. Nabobored na kase si Alex and IM sure tomorrow wala naman sched ng pagdalaw sila Mom and dad.”pag aaya ni Dan. “Off course I Will, mas masaya yun.” Sabi ko naman “Basta may meryenda ha.!! “ dagdag ko pa “Ikaw talaga Belleyyy. Matakaw ka pa din di kanamn tumataba.” At ginulo pa ang buhok ko. Natapos ang araw na yun na puno ng excitement at kasiyahan. Excited dahil bukas sa bahay na namn ako ng mga Madrigal. Tapos kasiyahan dahil naging masaya naman ang pamamasyal naming magkakaibigan. Mag-aala sinko na ng hapon kame nasundo ni mama. Gusto nga kanina nila tita Lucy na sa kanila na ako sumabay ngunit kinausap naman sila ni Dan. And I guess kinonsente na naman ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Minsan kase napaka over protective naman nila tita Lucy at Tito Miguel at kahit angkan ng mga Villarin. Itinuring na kase kme na pamilya kaya ganun siguro ang concerns nila samin. Dan’s POV I was very happy to see Belle again. Busy kase kme kakasama sa mga lakad nila Mom at Daddy kaya after two days namin nag kita hindi ko pa siya nakita muli o naka usap man lng thru text or chat. Pauwi na kme ngayon at sigurado ako sila Belle din. Mas nauna lng kunti kme ng alis dahil papunta pa lng si tita Sandra ng tawagan ni Mommy upang ikumpirma kung susunduin ba sila Belle. Pero sabi ni mommy ay pwedi naman sumabay samen malaki din naman kase yung Van. Ngunit inawat ko na si mommy na hayaan nlng muna si Belle sa mga kaibigan at isa pa susunduin naman sila ni Tita Sandra. Ayaw ko lng na nakikita si Belle na mas napapatawa ng ibang lalaki but I knew my boundaries. Kaya gusto ko muna siya makasama bukas sa bahay. Ginawa ko pang idahilan si Alexa. I admiring her since we’re just 10 yrs old at hindi ko namalayan na mas lalo akong attracted sa kanya everytime nakikita ko siya tuwing bakasyon namin dito sa Pinas. Hindi ko pa naranasan ang ganito katagal na paghanga sa isang babae. Yes, meron naman minsan nagagandahan ako sa mga nakakasalamuha ko dun sa states pero iba yung fe elings ko for Belle at palagi ko talaga siyang naaalala pag na mention nila Mom and Dad ang Pinas. “Mom, nga pala pupunta si Belle tomorrow sa bahay. Gusto rin kase namin ni Alex na sa bahay lng muna, kaya pinasama ko na si Belle.” we’re on our way home kaya naisipan kung sabihin kay mommy. “Weeeh? Si kuya pati ako dinadahilan pa talaga. Sabihin mo naiinggit ka lng kase mas may time na si ate Belle mag bond sa mga kaibigan niya. At siguro selos ka nuh?. Mas close kase sila ni kuya Gio.” walang prenong tukso ni Alex sakin. Kinurot at kindatan ko pa siya pero tuloy tuloy pa rin ang bunganga niya. “ oyyy tumigil na kayo ha.” pananaway ni mommy “Alex panu mo nasabi yan e parang kapatid nyo na nga Yang si Belle eh. At isa pa ikaw Dan ha, act like a Brother to her. At—— isa pa bawal pa kayo sa mga ganyan masyado pa kayong bata…” pagpapa alala ni mommy sakin. “Eh kase mommy parang nakakahalata na ako kay kuya kahit nasa America tayo palaging mention si ate Belle. Pag pinag usapan ang Pinas.” pagpapaliwanag naman ni Alex. “Anu ba kayu mommy, Alex puro kayo malisya eh..nag aaral pa ako Mom you know my priority.” saad ko naman na parang naiinis. “Buti naman kung gayon.” pag sang ayon naman ni mommy. “Eh si ate Jella? Gustong gusto ka nun kuya.” dagdag tukso pa na pabulong ni Alex “Tumigil kana Lex.!” Just to stop Alex. Alam ko naman na gusto ako ni Jella kaya nga nung nalaman niya na mag baabakasyon kme sa Pinas one month ago ay nauna na siyang umuwi. Matagal na siyang umamin saken kaso lang sabi ko hindi pa pwedi ako na mag ka girlfriend dahil ayaw nila Mommy habang hindi pa tapos sa pag-aaral ng kolehiyo. Pero alam ko na parang umasa siya na magiging kami after namin mag aral. By time siguro makakausap ko din siya tungkol diyan at di naamn ako sigurado na seryoso siya sa feelings niya saken. “Okay Dan. Sa bahay na muna kayo tomorrow May pupuntahan lng kme ng Mommy mo. Andiyan naman ikaw na ang bahala magpahanda nlng kayo ng pagkain kay Manang.” walang anu anong, wika ni Daddy. “Okay Dad ako na po ang bahala bukas Dad.” Sagot ko naman. Gabi na Hindi pa ako makatulog na veranda ako at nag papahangin. I’m growing older, naiisip ko parin kanina nung tumawa sa joke ni Gio si Belle, nakikita ko randomly kanina na parang May gusto kay Belle yung kaibigan niyang yun na pinsan ko din. “Ito ba yung sinasabi nila na lihim na paghanga?. yung ayaw mo na makita siyang tumawa na Hindi ikaw ang dahilan. Siguro over protective lng talaga ako. Special lng saken si Belle and she’s like a sister to me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD