Episode 5

2147 Words
Belle’s POV Ala syete na ako nag gising kinaumagahan at alam ko ngayon yung araw na napagkasunduan namin ni Dan na susunduin ako at pupunta sa bahay nila. Pag labas ko ng kwarto ay walang kibo akong dideretso sana sa banyo. Alam ko naman na umalis na si mama kanina ko pa kase narinig ang sasakyan palabas. I was thinking na mag isa nlng ako sa bahay. Nang mahagilap ng mga mata ko na may taong naka upo sa sofa namin. “Belle! Good mor——-.” May tinig na nag salita yun ay ang naka upo dun sa sofa kumaripas na ako ng takbo pabalik ng room ko. Obviously naman na tinig ni Dan. “Anu ba Kuya Dan ba’t di ka man lng kumatok?? .” Pasigaw kung bulya habang nasa likod pa ako ng pinto ng room ko. “HAHAHHAH mukha ba akong multo Belleyyyy?.” panunukso pa niya. Yung suot ko kasi naka white sleeveless pa at short na hanggang hita, di pa naka suklay at toothbrush. “C’mon Belle pinapasok na ako ng Mama mo before you woke up. Don’t be shy maligo kana naiinip na ako kakaantay sayo.” Sabi naman ng mokong na medyo natatawa padin. Agad naman akong lumabas, sinuklay ko pa ng konti yung buhok ko gamit mga kamay ko. “ Talikod ka muna!..” paninigurado ko naman na Hindi niya ako pagmasdan mula ulo hanggang paa kakagising ko pa naman. “Okay labas na muna ako may kukunin lng sa kotse dapat naka bihis kana pagbalik ko ha.” Sabi niya at lumabas na nga. After ko mag bihis wala parin siya sa sala. Kaya nilabas ko nlng ng bahay. Nakita ko naman ang ginamit niya na kotse ay kay kuya Jigs pero mukhang wala namang tao na sa loob. Bumalik na ako sa loob at kinuha yung phone to contact him. Bagohan pa naman ulit dito yun baka kun na kidn*pped na ng mga bakla. …calling.. Dan…!!!! Belle: Hello!!! San kana? Dan: im coming back na Baby girl wait … “Whatttt?!!!! Baby girl!!!!… Pinatay ko na at nagulat naman ako. Siguro napagkamalan niya lng ako na si Alexa. Bumukas na ang pinto at tumambad si Dan. “Gwapooo naman…!!” Pwee stop thinking like that Belle. “Saan ka galing Dan? baka mamaya makidnapped ka diyan ng mga bakla ha ako pa pagalitan at pagdudahan niyan.” Panunukso ko sakanya habang ako naka upo sa sofa na at nag ce-cellphone. “ Don’t you worry mam hindi naman nila ako kayang tiisin ehhh. Ibinalik namn po at kung ikaw naman yung dumukot sakin okay lng naman.” Patawa niyang sabi. “Nako baka ng akyat ligaw kana diyan sa kapitbahay? Marami paa naman nagkakagusto sayo dito gusto mo tulungan pa kita manligaw?.” totoo naman noon pag pumupunta siya sa bahay maraming batang babae na kasing edad din namin ang nakikipagkaibigan saken para lng mapansin din ni Dan. “Naku wag na meron na.” saad niya na seryoso ang mukha. “Ouch naman wala na pala akong pag asa kay Dan. Akala ko pa naman special ako sa kanya baka nga as sister lng talaga. Naalala ko pa nun sabi ni tita Lucy at Tita Marga palagi sa mga anak nila na treat me like their sister. Kase nung bata pa ako tanong ako ng tanong kela mama at papa kung meron din ba akong kapatid.” “Tapos kana bah?” Buntag niya saken. “Ahh oo tapos na ako.” Sagot ko naman sa kanya “ kun gayon ay umalis na tayo.” pag-aaya namn niya. “Did you ate breakfast already? “ tanong pa niya ng maka sakay na kme. “Nope!” Tipid kung sabi “Okay daan muna tayo” Sabi lng niya. Dumaan kme sa isang coffee shop at bumili siya ng pagkain sa kotse nlng daw ako kakain. Hindi na ako bumaba pa dahil yun ang gusto niya. Pagbalik niya ay May dala na siyang burger at fries with iced coffee. “ kumain kana diyan, naka pag breakfast na man ako” wika niya habang nag mamaneho. “Thank you so muchhhhh”. Napa hug pa ako bilang panunukso. “Baka ma inlove kana niyan saken.” patawang sabi niya. “Love naman talaga kita.” Tumingin pa ako sa kanya at seryosong tumingin din siya saken. “As feeling kuya ko!.” Pambawi ko sa sinabi. Napa one sided smile lang si Dan. Pagka dating sa farmhouse nila masaya kaming sinalubong ni Alexa. “Kuya saan kayo namasyal bakit hindi ako kasama?” pagsalubong ni Alex sa amin. “Ohh eto na nga lng pasalubong mo.” Inabot ni Dan sa kay Alex ang burger at fries na inorder niya din kanina kasama sa mga kinain ko. Buti kay Alex binigay akala ko sa nililigawan niya. Agad naman lumapit si Alex sa tenga niya at may binulong. Na nagpakunot ng mukha niya. Patawa tawa namn na lumapit si Alex sakin. “Hi ate Belle! Dito ka ba tambay buong araw? Tamang tama hinahanap ka ni Lola.” Sabi ni Alex. “Ayy oo nga pala punta muna ako kay Lola Delia sa mansyon.” Sabi ko naman kay Alex Nasa kabilang bakod lng naman ang mansyon ni Lola. Malawak lng ang harden kaya para na ring napakalayo pag nilakad mo. Naalala ko pa dati dito kme nag lalaro nila Dan at Alexa. Mapa habulan, taguan kahit anung laro masaya kme. Sila kuya Jigs at ate Jim naman ay medyo masersyoso talaga kaya paminsan minsan lng yan lumalabas noon sa bahay nila. Si Dan naman napaka over protective niyan samen ni Alexa noon ayaw niyang inaaway kme ng mga batang kalaro namin. Pag tinutukso o sinasaktan na kme pinapapasok niya na kme sa bahay nila at kinakausap ang mga kalaro namin. Narinig ko pa nun sabi niya sa isa. “Kun ganyan naman na pina-iyak nyo si Belle ngayon sa susunod ayaw na namin makipaglaro sa inyo.” Umiyak kase ako nung tinulak ako ng isang bata at nadapa ako nagkasugat pa sa tuhod. Siya naman ang nag gamot saken kase wala ang mommy at Daddy niya. Tanging yaya lng nila kasama namin sa bahay ngunit ayaw ko sa yaya niya ipagamot. Kaya dinahan dahan lng niya. “Hoyyy anu ba ateng kanina kapa diyan ah.” Sabi ni ate Sol taga bantay ni Lola Delia Kanina pa pala ako nakatayo sa labas sa balkonahe ng mansyon. “Ate naman ginulat mo naman ako.” Sabi ko kay ate Sol “Naku naku naku ang lalim ng iniisip mo nuh? In Love ka ba o heart broken? Andito ang Lola Delia mo nanonood ng TV tara pasok.” Wika pa ni ate Sol Pumasok naman ako at agad na nagliwanag ang mga mata ng matanda pagkakita sa aken. “Magandang umaga po Lola.” Pagbati ko sa Lola ni Dan at nagmano na rin. “Isang magandang umaga din sa napakagandang batang ito ang tangkad pa pang stewardess talaga ang dating.” pag bati ni Lola saken “Lola naman masyado nang lumalapad ang tenga ko niyan” Saad ko naman. “Asus naman Lola yan na pong si Belle ay magiging apo nyo na rin soon.” Nagulat naman ako sa sinabing yun ni ate Sol. Napamaang naman ako at ang matanda. “Eyyy akala mo Hindi kita nakita kanina sinundo ka ni Sir Dan.” kinurot pa ako sa tagiliran sabay tulak na parang kinikilig.” “Ahh eh apo ko naman talaga yang Turing ko sa kay Belle eh.” Sabi naman ni Lola Delia. “Nope Lola baka isa sa mga apo mo ang magkakagusto——————.” Sabat naman ni kuya Jigs na hindi ko naman naamalayan ang kanyang presensya. “Kuya Jigs!!!.” Naputol naman ang sasabihin ni kuya Jigs nang may tumawag sa kanya si Dan na kakapasok plng sa bahay. “Eto na yung susi mo. Hihiramin ko nalng ulit yan mamaya e hatid ko lng sa kanila si Belley.” pagpapaalam ni Dan sa pinsan. “No need na Kuya Dan magpapasundo nlng ako kay mama dito.” sabi ko naman “Ehhh talaga bah Belley.” pabulong panunukso parin ni ate Sol sa tabi ko. “Oo naman insan supportado naman kita diyan eh!.” May pa kindat pang sabi ni kuya Jigs na hindi ko naman Ma intindihan ang pinaguusapan nila ni Dan. Napa seryoso naman ang mukha ng isa. Siguro ay napipikon na din sa kung anu man ang pinagtutuksuhan nila. Hanggang tanghali naman ako kela Lola Delia kaka chika dito chika doon naming tatlo pati si ate Sol. Mahilig talaga ako sa matatanda kase nung bata pa ako sa Lola ako nag kamalay na. Namulat ako sa kaisipan na mas mabilis akong matututo sa mga matatanda. Nangyari pang napadako kme sa harden upang ayusin ang iba pa niyang mga pananim na bulaklak. Tumulong naman ako. Ngunit ilang saglit pa ay tinawag na din ako ni Alexa para mananghalian sa bahay nila. “Sige Lola Balik nlng po ako mamaya.” Pagpapa-alam ko kay Lola Delia. “Bye iha.” At isang ngiting napakatamis pa ang binitawan ng matanda saken. “Bye ate Sol.” Pagpapa alam ko din kay ate Sol “Bye ateng maganda.” Sagot naman ni ate Sol “Bakit si ate Belle lng ba ang maganda? Ako din naman ah.” Sabat naman ni Alexa. “Bakit may sumusundo na din ba sayo para epasyal ka ha mam Alexa?.” Pabulong na panunukso ni Ate Sol sa kay Alexa. “Ate Sol talaga!” Pagkukunwaring tampo ni Alex. At nagkatawanan pa kme bago umalis sa harden ng mansyon tungo sa farmhouse ng mga Madrigal. Nang dumating kme sa bahay nila Alexa ay amoy na amoy ko na ang masarap na pagkain na hindi ko alam kung niluluto pa lamang o kakaluto pa lng. Sumusunod lng naman ako sa yapak ni Alexa. Agad kaming dumeritso sa likod ng bahay sa balkonahe kung saan naka Lapag ang mga pagkain. Naabutan namin si Dan na abala sa paghahanda kasama ang katulong nila at caretaker ng bahay na si ate vicky. Mas lalo akong may naalala na naman sa balkonaheng ito. Dito ginamot ni Dan ang mga sugat ko nung nasugatan ako sa paglalaro at pang aaway ng mga bata saken. Napaka maalalahanin talaga niya, gwapooo pa. Ay este andito pala ako sa harap niya nagpapantasya. “Belley kain kana baka nagugutom na ang mga alaga mo diyan.” Pag aaya ni ate Vicky saken. Pinihit naman ni Dan ang dalawang upuan para maka upo na kme ni Alex at tsaka naman siya umupo sa harapan. “Ate Vicky sabay kana samin tayo tayo lng naman dito.” Pag aaya naman ni Dan kay ate Vicky na sumunod naman ito. Napakabait pa ! Tuloy parin ang aking pantasya. Nagsimula na ang aming kainan. “Alam mo ba Belle napakasarap na magluto ng kuya Dan mo.” Pagmamayabang ni ate Vicky saken. “Ate Vicky wag nlng akong tawagin na kuya ni Belle, hindi naman malayo agwat ng edad namin at tsaka mag De dise otso plng yan. Ako naman nag eighteen na ako last month.” Pagpapaliwanag ni Dan. “Oo nga masarap talaga magluto na si kuya.” Saad naman ni Alexa. Kare-kare ang main dish namin na merong bagoong pa at Garlic shrimp naman ang side. Tinitignan ko muna ang nasa hapag bago kumuha. “Syempre alam ko naman na hindi ka palakain ng gulay Belley meron din namang fried chicken ako na niluto” sabi ni Dan ng Makita na parang ayaw ko galawin ang mga pagkain. “But just try it, my Kare kare version Belle. Baka makalimot ka ng pangalan mo.” Patawang sabi naman ni Dan. “Nakakahiya naman nag abala kapa.” Naguiguilty kung sabi. “No worries Ate special——.” Naputol ng sasabihin ni Belle ng kindatan sya ni Dan “Specialty kase niya ang kare kare ate Belle.” dugtong ni Alexa. Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan naming manood bg movie sa bagong renovate na kwarto ni Alex. Nag umpisa na ang palabas nakikita ko naman na masaya ang mag kapatid sa presensya ko. At sobrang thankful ako sa kanila they saved another day of my vacation spending alone na subrang boring. Mayamaya pa ay may tumunog na phone. Cellphone ni Dan. Agad naman siyang lumabas upang sagutin ang tawag na yun. “Alex, Mom and Dad Will staying in Pampanga for a night. Bukas pa daw sila makakauwi. And Belle kasama din nila yung mama mo, si tita Marga and Tito larie I think its a business trip na naman siguro ng resort dun. You’ll be staying here sabi ni mommy at ni Tita Sandra Belle.” Pagbabalita ni Dan samin ng makabalik siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD