Mas napapadalas talaga ang lakad nila mama pero okay lng naman ako mag isa sa bahay.
“Dan pa hatid nlng ako sa bahay namin kelangan kung umuwi wala akong dalang mga gamit dito.” Pag papaalam ko kay Dan.
“Nope you’ll staying here Belle, Alexa have some staff. Pahihiramin ka niya at isa pa ka bilin bilinan ni Tita Sandra na dito ka lng daw muna.” di pagsang ayon ni Dan sa Plano ko.
“Yes ate dito ka nalng muna hindi ka ba natatakot dun? Dun ka sa room ko nood tayo movies May na save naman ako sa laptop kase wala masyadong signal dito.” dagdag pigil naman ni Alexa.
Wala naman na akong magagawa kundi ang magsang ayon sa mag kapatid.
Natapos na kme kumain ng hapunan. Nasa balkonahe ako sa likod ng bahay nila Dan. Nakita ko ang ulap na napakasarap pagmasdan.
“Like a shooting star, your eyes can give me light,
Like a moonlight, your smile can make me feel alright,
It keeps the skies brighten at night.??”
You made me feel alive.
You made me smile tonight?”
Pakanta kanta pa ako habang naka earphone. Pinapakingan ang mga records songs ko. Napaka ganda ng ambiance dito sarap kumalabit ng guitara at gumawa ng kanta.
“I always admire this place!” bulong ko sa sarili ko. “Lamig ng simoy ng hangin? Check!!! Ganda ng paligid Check!! Peace of mind Check!!!
“Ehmmm.” Muntik na ako mapatalon sa takot ng May narinig ako na boses galing sa likuran ko banda.
“You’re so annoying Dan!!! Nakalawa kana saken for this day una kaninang umaga hindi mo na talaga pinaabot pa bukas (may pahilamos effect pa ako) ngayong gabi plng ayan ka na naman.” pagalit na sabi ko sa kanya.
“Maganda at napakagaan na boses? Check na check!!!
“Hmm nang bola pa!”
“Bawi ka agad nuh? Haysss manenerbyos ako sayo tatanda ako ng limang beses.
Napahagalpak naman sa tawa si Dan na parang nang aasar pa lalo. Maya maya’t pa ay tumigil din. Siguro na nakaramdam din ng konting kilabot.
“Okay so do I need to say sorry miss it’s just a simple thing by the way?” Patawa ngunit malapit nang ma pikon I guess na sabi niya.
Yan ang Hindi ko talaga paniniwalaan sa kahit na anung mangyari yan lng ang palaging sambit ni Dan. “Do I need to say sorry!!! Is the term. Instead of saying sorry directly.
Exactly dapat lng naman sometimes kahit masyadong mababa naman ng rason para magalit ako sa kanya, ka OA-han din naman siguro kung uutusan ko pa siya na mag sorry saken.
One thing na natatandaan ko sa personality ni Dan. “He never ever said sorry, even in a simple mistakes he have done, even when he misunderstood me first and found out that he’s the one who misunderstood it all. HE NEVER SAY SORRY.!!!”
Ganyan ka taas ang pader niyang pride.
Maggaling kana ba nito.?” Tanong niya pag iiba ng usapan at napadako pa ang mga mata niya sa bitbit niyang guitara.
Tumango lamang ako bilang pag tugon sa tanong niya.
Isa si Dan sa mga tumuro saken ng guitara pero ako talaga ang nag pursue para matuto ako. Tinuru an naman ako ni Papa dahil hilig din ni papa ang mag guitara. Actually my father is a former guitarist sa band nila noon.
“Yes naalala ko yang guitara mong yan. Yan pa yung ginagamit mo noon. At ginamit naten nung tinuruan mo ako ng mga basic chords.”
Pagpapaalala ko sa kanya.
“ ohh sige na nga ikaw na ang may matalas na memorya.”
“Wehhh that was 3 yrs ago lng naman Hindi mo na naaalala?.”
“Of course I always remember those days yung, palagi ka pang umiiyak kase inaaway ka ng mga kalaro naten, yung pinupunasan ko pa nga yung sipon mo kase iyakin ka, at higit sa lahat yung inaaway mo ako dahil pangit yung tawag ko sayo. Hahahaha.” Pamimikon ni Dan saken.
“Wala ka naman plng magandang sasabihin, diyan kana nga !!! Pweee.” Akmang aalis na sana ako ngunit pinigilan niya akong umalis.
“Akala ko okay na pero ako ata ang pinipikon nito.”
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at muling ihinarap sa kanya. Seryosong tinitigan niya ako sa aking mga mata.
“Belle pero alam mo ba kung anu yung naalala ko na hinding hindi ko nakalimutan? Nung nadulas tayo pareho sa p**p* ng kalabaw dun sa taniman ng kalamansi.” At doon na kme napahagalpak ng tawa isa yun sa hindi ko nakalimutan na memories namin. “Ayaw mo pa ngang umuwi tayo kase ang baho2 na naten.” dagdag pa ni Dan.
Dan’s POV
“Siya lng ang babaeng kaya akong patawanin ng ganto. Sa tuwing magkasama kme, it feels like I’m at peace, I’m in the most comfortable place on earth. When she smiles at me I feel like I’m flying and dreaming.”
Belle’s POV
Nagtaka ako ng biglang natahimik si Dan. Pinagmamasdan niya ang kalangitan na para bang kahit anino ko ay hindi kapansin pansin sa kanya.
“Hoy!!! anu bang iniisip mo diyan? Natulala ka ba? Nasaniban ka na ba? You’re thinking about what?”
Bigla ko siyang kinalabit sa balikat kung kaya ay agad naman niyang ginalaw ang kaliwang paa para lingonin ako.
Napa atras naman ako para sana magbigay ng espasyo…ngunit…
Nasubrahan yata at bigla nlng akong na out balance.
Sa sahig na sana ang bagsak ko kaya lng dinampot niya ang magkabilang braso ko. Pilit niya akong inangat at hinawakan yung likod ko.
“This is really the moment. Pakiramdam ko nag slow mo… ang lahat. Natulala ako ng makita ko at matitigan ng malapitan ang mukha niya, sobrang gwapo niya pala na kahit minsan ay hindi ko na pansin. I realized how he got very handsome after three years. His eyes, hiss nose, anddd Lips. SO ADORABLE!!.”
Para kaming nagyayakapan sa paagkakataon na yun. At kung may makakakita man samin iisipin na may relasyon kme sa ganung set up.
Agad naman kaming bumawi, napa atras pareho at nahimasmasan.
“Tha-thank you!” tanging sambit ko lamang.
Kinaumagahan maaga akong gumising para tulongan si ate vicky maghanda ng almusal.
Paglabas ko ng room ni Alexa ay agad ko naamoy ang nilulutong paagkain. Bigla akong nagutom.
“Ate Vicky nakakagutom naman ng niluluto mo. Saraaaa——.” Natameme ako sa kinatatayuan ko ng makita si Dan sa kusina paharap na sana sa kinaroroonan ko kaso nag tago ako sa likod nga pader kumaripas nalang ako ng takbo palabas ng bahay.
“Nakita kaya niya ako?”
“Ate Vicky!!!! Tulungan na kita diyan.” Sabi ko kay ate Vicky Ng makita ko ito sa harden na naninilig ng mga bulaklak. Agad akong nagpresentang tumulong para maibsan saglit yung pagkabalisang nararamdaman ko.
“O sige ikaw na ang mag tapos niyan, sa parteng iyan ha.Yung mga yan nalang ang kailangan mong diligan iha. Ng sa gayon ay maisaayos ko na ang hapag kainan para sa umagahan.” pagbibilin ni ate Vicky sa akin.
“Opo ate, pakisabi na din po mamaya nlng po ako kakain mauna na po kayo, busog paa naman ako at tsaka taposin ko nlng muna ito.” Tumango lamang si Ate Vicky bilang pagtugon kahit na nakatalikod dahil nagmaamadali.
“ Nakita kaya niya ako, narinig niya kaya yung sinabi ko?”
Mula kagabi parang Hindi na ako makatulog sa kakaisip sa mga nangyari.
“I feel like flying and dreaming even though I’m not asleep.”
Habang napapalapit ako kay Dan nag iiba ang pagtingin ko sa kanya. Una, ayaw ko ng napapalapit siya kay Jella, gusto ko siya kasama at titigan ng mas matagal. “I feel like admiring him?. And more curiuos if he feels the same.”
Pero ang alam ko may nililigawan na siya. Siguro nga si Jella.
“Ate Belle!!! kain na tayo.”
“Ay tsanakkk!!!.” Nagulat na naman ako sa tawag ni Alex sakin. Kaka isip ko ng kung anu anu muntik na malunod ang kaisa isang tanim na huli kung diniligan. Panu puro tubig na yung paso hindi ko man lng namalayan na napasubra na pala.
Nilingon ko naman si Alex. “Sige Lex sunod ako.” alam ko naman na ayaw akong tantanan kahit na nagbilin na ako kay ate Vicky na mauna na silang kumain.
Pagdating ko sa hapag kainan ay kaagad akong umupo sa silya katabi ni Alex.
“Good morning everyone!” Tipid pa akong ngumiti ngunit hindi tumitingin kay Dan.
“Kamusta ang tulog mo ate?.” si Alex na ang sumagot.
“Okay lng naman Alex.”
“Malikot kaya ako matulog baka hindi ka nakatulog masyado ate.?” Pagtitiyak nya saken
“Hindi lng kase ako masyado sanay, siguro for a long time na din na hindi pa ako nakakatulog sa ibang bahay kaya, hindi ako masyado nakatulog. Pero okay naman na ako.” Pagpapaliwanag ko sa kanila.
Natapos ang kainan namin sa pakunti kunting usapan. Pagkatapos ay nagpasundo nlng ako kay mama para hindi na din masyadong hassle pa para kay Dan ang e hatid ako sa bahay.
“Ihatid nlng kaya kita Belle? “ pagpupumilit pa ni Dan habang naghihintay ako kay mama.
“Pero sabi ni mama daanan niya nlng daw muna ako para hindi na hassle sayo. At tsaka baka may gagawin kapa
baka pupuntahan mo pa si Jella
Hindi na nga si Dan nag pumikit pa hanggang sa nasundo na ako ni mama.
“Oh nak kamusta naaman, pasensya na hindi talaga ako naka uwi kahapon kase marami kaming inasikaso nila tita Marga mo.” Pagpapaliwanag ni mama habang nasa sasakyan kme pauwi ng bahay.
“Don’t worry Ma. IM always okay, the truth is IM getting older na Ma I can handle myself.” ngumiti pa ako sa kay mama tsaka dumugtong ng “slight!!”
Napatawa naman kme ni mama.
“Yeah my Baby girl is getting older na talaga. And speaking of getting older, what Will be your plan for your 18th birthday?” Tanong naman ni mama saken.
“Just a simple Birthday celebration nlng Ma, gusto ko yung beach party nlng at si Leila na ang bahala siya daw yung party coordinator ko. And remember Ma ayoko ko ng magastos.” sabi ko kay mama.
Napag usapan na namin yan ni Leila, she got me daw. Hindi naman talaga ako nasanay sa magarbong bagay2 lalo na sa party. Alam ko naman si papa nagpapakahirap ng trabaho para samin ni mama. Hindi naman kme mayaman na tulad sng mga Villarin. Siguro nasa middle class lng kame, wala namn akong kapatid kaya sakin lahat ng gastos ng mga magulang ko pero yan talaga yung mindset ko eh. Its a boring life sometimes being alone but I think this is really my destiny. At buong buo ko itong haharapin at tatanggapin.
Ng mga sumunod na araw ay naging abala na kme ni Leila sa pag paplano at sa mga gagawin para sa simple 18th birthday party ko. Araw ng sabado kaya naisipan namin na e finalized ang lahat.
“Dress? Check!, Souvenirs? Check!, Guest Invitations? Check!. Venue? Check!. Anu pa nga ba yung kulang?” sabi ni Leila na parang paulit ulit na kakaisip. Ayaw na ayaw niya kase na mag ka problema kme.
“Waitttt.. tumawag saken yung sa venue natin na disapproved kase wala na daw silang space na function room.” sabat naman ni Gel na tumulong na din.
Napatunganga nlng kme lahat uulit na naman sa paghahanap ng venue.
Naka set up na kase sa utak ko na yung beach party, kailangan namin maghanap ng venue almost 2 weeks nlng yung birthday ko.
“May alam ako na pweding makatulong saten.” Sabat ni Leila pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
“I’ll call Gio.” Sabi ni Leila sabay dampot ng cellphone niya.
Hinayaan ko nlng si Leila na mag decide sa mga gusto niyang gawin para sa birthday party ko. At kahit na alam kung baka may maabala pa siya na ibang Tao. I left no choice, hindi ko naman kase gustong abalahin pa si mama na siya pa ang mag-asikaso nito. Wala naman akong mga pinsan o kapatid na pwedi hingan ng tulong.