Episode 7

2051 Words
Belle’s POV Mag aalauna na nang nang dumating si Gio sa bahay, nakita namin na huminto yung kotseng sinasakyan niya sa tapat ng gate namin. Nag busina pa ito upang magpahiwatig ng kanyang presensya. “Ay ang bongga talaga ni Papa Gio, to the rescue ang pig, night and shinning armor, Prince Charming!!” bulaslas ni Gell “ Hoy Gelay tumigil ka kapapantasya mo diyan masasapak talaga kita.” pagsasaway naman ni Leila kay Gell. Agad naman akong lumabas upang pagbuksan si Gio. “Ohh Belle para sa inyo. Pinadala ni mama yan meryenda daw sabi ko kase May group work tayo.” Sabay abot sakin ang mga supot na may lamang pagkain. “ pasensya kana Gio pati ikaw na abala pa namin.” “ okay lng naman para ka namang iba sakin.” Uminit naman yung tenga ko sa sinabi ni Gio. Well, inaamin ko naman na minsan na din ako nagkagusto kay Gio, siguro paghanga lng naman dahil minsan makulit, minsan naman gentleman din siya pero hindi ko naisip na gusto ko siyang makarelasyon bilang boyfriend. At tsaka I do believe in first and last rule. Na kung sino yung una kung maging boyfriend someday siya na din gusto ko yung last and forever ko for a lifetime. “Asan na pala si Leila at Gel? -akala ko ba maghahanap tayo ng venue mo.” Tanong ni Gio saken. “ nasa loob pa, pero what if mag meryenda na muna tayo bago umalis.” “Okay..” pagsasang ayon naman ni Gio. Pagkatapos namin mag meryenda ay umalis na kme papunta sa isang beach resort na alam ni Gio. Medyo malayo din ang byahe umabot ng isang oras at kalahati yung byahe namin. “ Leila ! Hindi kaya hassle to sa mga bisita ? Ikaw talaga ang makakapag decide nito kase ikaw yung coordinator ko.” Pagtitiyak ko sa napagkasunduan namin. “ oo naman Belle , at isa pa beach party yung theme mo, mas maganda sana eh kung paglabas mo nang bahay nyo eh May beach agad para nang sa gayo’y malapit anu!??” Patawa pang sagot ni Leila . “ don’t worry Belle kami ang bahala.” Sabat naman ni Gio. “Yes papa G. As in game tayo diyan.” Kinurot ko naman si Gel sa kalandian niya. “Arayyyy naamaan!!.” Pagrereklamo pa ni Gel. Mga past 3pm na kme nakarating sa sinasabing resort na pagmamay Ari naman daw ng tiyohin ni Gio. Hindi na din ako nag abala pa sa pagtatanong lalo na at alam ko na magkakapamilya din sila nila Dan. I was standing in front of the reception area at kitang kita ko na ang napakagandang ambiance nito sa loob. Habang si Leila naman ay kausap ang manager ng resort. Lumapit naman kme ni Gio ng kaunti, si Gel naman ay abala na sa paniniyasat sa lugar. Pagkatapos ng makausap ni Leila anng manager ng resort ay tsaka sa humarap saken at ipknaliwanag lahat ng naapagkasunduan nila. Okay naman ako kase magaling sa negosasyon itong Leila. Hula ko nga business course yung kukunin sa college eh. “Okay na ya Leila thank you so much.” Beach front talaga yung nkuha naming pwesto para sa 18th birthday ko nakamura pa dahil kilala ng manager si Gio na pamangkin ng may ari. Kasalukuyan kaming naghihintay ng tauhan sa resort upang ma ipakita samin ang venue. Nang napalingon ako sa kabilang banda at nahagip ng mata ko ang isang napakafamiliar na taong nakatalikod sa direksyon kung saan kme nakatayo. Si Dan!!! Omg anu na naman ang ginagawa niya dito?? Napatalikod naman ako bigla sa direksyon kun saan siya nakatayo. Kalma self hindi ka niya makikita. At siguro naman ay Hindi naman niya agad matatandaan ang mga mukha ng kaibigan ko. Nilingon ko pa siya ulit. At nakita kung May kaasama siya babae. Hindi ko naman makita ang itsura ng babae dahil natatabunan niya ito. “Hoy!! Belle halika na.” Pagtatawag sakin ni Leila. Hindi ko pala namalayan na andiyan na ang tao ng resort na sasama samin papunta sa function room na e rereserve samin. Buti na nga at medyo may kalayuan pa yung pinuntahan naming function room kaya mabuti na’t hindi na kme mag kakasalubong pa ni Dan. Teka sino kaya yung babaeng kasama niya?Nililigawan ba niya Hmmm siguro. Eh anu namang sayo? Well wala nga. Para na naman akong loka loka na nagtatalo ang aking pag iisip. “Hoy Belle!!! Anu ba? Antok ka ba? Kanina pa ako tanong ng tanong sa’yo!” pabulong at mukhang galit na bungad sakin ni Leila. “Ahh ehhh anu nga pala tanong mo hindi ko narinig.” “Okay na ba sayo to? Ano bang iniisip mo at parang hindi ka makapag concentrate. Buti nlg talaga andito si Gio.” Tumingin naman ako kay Gio na abala kausap ang tao ng resort. “Oo nga bakit ba hindi ako makapag focus dito umpisa ng makita ko naa naman si Dan.” “Pasensya kana Leila ha.! Siguro pagod na talaga ako. At tsaka medyo masama ang pakiramdam ko eh.” Kinapkap naman ni Leila ang noo ko. “Wala ka namang lagnat.” “Pero medyo nahihilo lng ako siguro sa byahe.” Sa totoo lng naghahanap lng naman ako ng excuse eh para maibsan ang kalutangan ko. “CR muna ako Leila kayo na ang bahala ni Gio okay!” Pagpapaalam ko kay Leila “Samahan na kita.” Sabi naman ni Leila “Hindi na kaya ko na to at tsaka babalik agad ako.” Pagkukumbinsi ko naman sa kanya. Nang nasa CR na ako pumasok ako sa isang cubicle at umupo. Siguro nga pagod lng ako at kinailangan ko lng ng five minutes recharging at syempre kunwari lng kay Leila nagdududa kase akala niya may problema ako o may nangyari pero wala naman. Sadyang affected lng siguro dahil nakita ko si Dan na May kasamang babae at siguro yun nga yung nililigawan niya. Hayyysss!!! Enough thinking about Dan. Pagka tapos ng limang minuto ay nagpasya na akong lumabas. Binuksan ko ang pinto ng cubicle ngunit agad akong napa atras ng mabilis, Buti nlng at hindi naman masyadong napalakas ang pasirado ko na baka maging dahilan pa upang makagawa ng ingay at makakuha ng atensyon ng babaeng sa harap ng salamin. Si Jella? Anung ginagawa niya dito? Saglit akong napa-isip naman at saka ko naalala ang kulay ng damit ng babaeng kausap ni Dan kanina. Siya nga confirm! Si Jella ang kasama ni Dan. Maari na tama ang hinala ko siya din ang nililigawan ni Dan. Saglit pa akong tumagal at paglabas ko ay wala na si Jella. “Belle! Belle!.” narinig kung si Gio ay nasa labas na ng CR at tinatawag ako. “Palabas na ako.” Sagot ko naman kay Gio “Okay ka lng ba?.” Bungad sakin ni Gio pagkalabas ko ng CR. “I’m okay don’t worry. Panu mo nalamang nandito ako?” “Tinanong ko kase Kay Leila kung San ka nagpunta sabi niya saken mas mabuting puntahan na daw kita sa CR kase medyo masama daw yung pakiramdam mo.” Inangat pa niya ang kamay at dinampi ang likod sa noo ko. “Wala naman to okay lng ako medyo nahilo lng siguro sa byahe.” Bumalik na kme ni Gio sa function room kun saan naghihintay na si Leila at Gel. “Hoy ateng okay ka lng ba?” Bungad naman ni Gel sakin. “Oo okay lng ako.” Tipid ko namang sagot parang sumasama na nang tuluyan itong pakiramdam ko kaka explain ng Hindi naman totoo. Mag aalas sais na nung naka alis kme sa resort. I think na settle na naman Nina Leila ang lahat ng concerns namin para sa venue. Ang likot kase ng mga mata ko para yan tuloy may nakita pa ako na Hindi dapat nakita. “Thank you Gio, Leila and Gelay. Hayaan nyo makakabawi din ako sa mga tulong nyo saken for today.” Pagpapasalamat ko sa tatlo bago ako bumaba ng kotse. Dahil nauna akong inihatid mas nauna kasi nadaanan yung bahay namin. “But are you sure okay kana ba?” Tanong naman ulit ni Gio. Tumango naman ako sa kanya. “Bye gurl you’re welcome as always got your back.” Sabi naman ni Leila “Yeah me too.” singit naman ni Gel. Bumaba na ako sa kotse at hinintay ko muna na makaalis ang mga kaibigan ko bago pumasok sa gate. Alas syete na ng gabi at alam kong andiyan na si mama sa loob ng bahay. “Good evening ma.” Pagbati ko kay mama na nasa sala namin. Nakaharap sa laptop at May ginagawa. “Ohhh swetieee you’re home. San kayo galing I knew you’re with Leila kaya lng di kita ma contact eh.” “I’m sorry ma. Na lowbat kase yung phone ko. Galing kme sa beach na magiging venue ng birthday ko ma. Soon ma e pa plot ko na din sayo yung plan namin nila Leila.” Pagpapaliwanag ko naman kay mama. “ okay baby. You can rest now” Tuluyan na akong dinalaw ng antok dala ng pagod sa byahe. Kinaumagahan ay maaga akong nag gising. Iniisip ko na mag ayos muna bago lumabas ng kwarto ko. Kaya naligo na ako ng maaga. “I need to act like Young lady from now on.” Sabi ko sa isip ko. “Weeeh baka gusto mo lng makipag kompetensya dahil may nililigawan na ang childhood friend mong si Dan.” Pagtatalo ng isip ko. “Oh anak gising kna?” Bungad sakin ni mama. “Mabuti naman at naka ligo kana. Sumabay ka nlng sakin. Pagkatapos mong kumain magbihis kana agad.” dagdag pa ni mama. “Bakit Ma? Dito nlng muna ako siguro kase baka pumunta dito sila Leila.” sagot ko namn kay mama. “Hindi na Belle, sabihin mo nlng sa kanila na sabay tayo mag lunch. Kase magpapa sukat ka ng damit mo for your birthday.” paliwanag pa ni mama. “Maaa. Hindi ko naman kailangan pa na pagawan ng damit. Pwedi naman na sa ukay nlng tayo bumili eh. At tsaka beach party naman yun.” paliwanag ko din kay mama. “Wag kanang magpumilit pa Belle, alam naman niya yun siya ang bahala sayo.” pagtatapos ni mama ng usapan namin. Wala na akong magawa, ayaw ko lng kase ng bonggang party gusto ko lng yung simple lng naman. Pero mapilit talaga si mama kaya nag message nlng ako kela Leila para sumabay kumain samin. Para naa din maka pag plan pa kme ng iba pang kakailanganin sa party. Alas onse na at naghihintay parin ako na matapos ang meeting nila mama sa client nila. Nasa labas ako ng opisina ng law firm nila tita Marga. Nabobored na ako kakahintay. Si Leila naman 12 noon pa daw sila nakikipagkita. Kasalukuyan akong nakamasid sa phone ko ng maramdaman kong may umupo sa kabilang dulo ng upo-an pagka tingala ko naman ay agad kumabog yung dibdib ko ng makita ko si Dan nakatingin siya saken. “Ohh!!!”medyo napalakas pa ang naging reaksyon ko. Wala lng siyang reaksyon o imik man lng. “You’re here din? May pupuntahan ka?.” “Oo Dan may kailangan ka kay Tita Marga? Nasa loob pa sila may ka meeting.” Tanong ko naman na parang casual lng ang dating. “Wala akong kailangan sakanya, I’m here for lunch may hinihintay lng ako na kasama.” Paliwanag naaman ni Dan. Nagtaka naman ako. Siguro si Jella na naman kasama niya. Nagpalipas oras lng dito sa opisina kase hinihintay pa niya. Wala naman akong imik at bumalik nlng ang atensyon ko sa cellphone ko. “Kahapon ba may pinuntahan ka?” Tanong pa niya. “Hmm oo.” Sagot ko namn sa kanya. “Hindi kna ata nag te text sakin ah. Kapag bored ka sabihan mo lng ako susunduin kita.” Sagot namn ni Dan Anu namn kaya plano nito? Busy nga sa panliligaw kay Jella tapos may naisip pa na sundo sundo. Pwee!!! I don’t need you for a boring time nuh.! May mga kaibigan naman ako. And okay naman na dumistansya na ako kase baka maka abala pa ako sa panliligaw niya kay Jella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD