Mag aalas dose na natapos yung meeting nila mama. Bumukas ang pinto ng office at lumabas na ang mga ka meeting nila. Sa pagkaakataong yun ay nagtaka ako kase nanatili pa rin si Dan na naka upo sa katapat ng long chair na inuupo-an ko. “Hindi ata sinipot ng ka lunch date.” Napa ngiti pa ako kunti sa aking na isip.
“Oh andito kana pala Dan.” bungad ni mama kay Dan ng lumabas ito sa opisina.
“What???” Tama ba narinig ko? Ba’t parang ibig sabihin ni mama ay hinihintay niya si Dan?”
“Yes tita, by 1pm after lunch po ay pwedi na po tayong pumunta sa shop ng kaibigan ni mommy.”
Sagot naman ni Dan.
Teka lng naman tama ba? ba’t parang na o OP na ako. Tsss…
“Okay mauna na kayo ni Belle sa meeting place naten. Susunod nlng ako by 12pm.” napaikot namn yung eyeballs ko ng tumingin saken si mama alam ko na malelate na naman siya.
“Don’t worry tita I just made a reservation,already pero mas mabuti ng mauna na kme dun para makapag order na din.” Sabi namn ni Dan
Nung dumating kme sa resto na yun. Ay tamang tama naman na kakababa plng nila Leila , Gel at Gio sa sasakyan na pagmamay-Ari ni Gio.
Agad naman akong lumapit sa kanila habang si Dan naman ay hindi ko din alam na sumunod din pala sa likod.
Akala ko ba mag o-order na siya.
“Hi guys!” Tipid kong bati sa mga kaibigan ko.
“Hi——Belle!”napanganga pa si Gel ng makita ang kasunod ko.
“Ohhh magkasama pala kayo ni——. IM sorry what’s your first name Bro? I think we’re 3rd cousins right.?” bungad naman ni Gio.
Ngumiti naman ng tipid si Dan.
“Hey guys! Yes, Gio right?” Sabay tapik pa sa balikat ni Gio.
“Yes guys kasama naten ngayon si kuya Dan. Kaibigan ko din siya since bata pa kame magkaibigan din kase yung parents namin.” dagdag paliwanag ko naman sa mga kaibigan ko.
“Okay! So let’s Go inside nagpa reserve na ako ng table?..” sabat pa ni Gio.
Pumasok na kme sa loob ng resto. Its just a simple garden restaurant. Hindi naman masyadong kamahalan pero maganda ang paligid at masarap ang pagkain. Malapit lng sa lahat kaya dito siguro naisipan ni mama mag lunch kme. Gusto niya kase na ma kakwentohan din yung mga kaibigan ko regarding sa mga plano namin.
Dan’s POV
Magmula ng dumating ako dito sa Zambales ay para naiilang na ako. Hindi ko alam epekto ba ito ng after three years, parang hindi naman na ako nasisiyahan sa mga nangyayari. Si Belle , she’s busy with her friends, we’re getting older na din kase siguro we’re no longer like playmates na lang talaga. Siguro we’re just really a friends sometimes but sometimes as acquintances na lng nga, ni hindi niya na nga maisip na pumunta samin or di kaya dumalaw sa bahay ni Lola. She’s busy creating her life outside more with her friends.
Alam ko na meron akong special feelings sa kanya umpisa pagkabata namin. Pero ngayon parang lumalayo na siya saken. Parang hindi na siya yung Belle na makulit saken, palaging gustong pumunta kay Lola, samin ni Alexa. Siguro nga mas na eenjoy na niya talaga yung life without us. Kase sa three years ba naman mas comportable na siya sa mga kaibigan niya na nakasama niya sa loob ng tatlong taon na yun. This time I realized na we grew up na talaga.
I saw her yesterday sa resort na pagmamay-ari ng kapatid ni papa. Hindi nman niya siguro kilala kase mas more acquainted lng siya sa mother side ko. Sinamahan ko lng si Jella dahil may birthday lunch sila ng mga kaibigan niya at wala daw mag da-Drive for her. Magkaibigan kme ni Jella, magkapit bahay kame sa America. I treated her as my sister.
Kaya I know na mas iba yung feelings ko for Belle kahit alam kung sabi ni Lola at Mommy na I should treat her like my sister. She’s not a sister for me. I found her more special kase napaka simple niya na babae. Hindi magarbo sa katawan since we were young I knew her personality.
I ask her earlier pero hindi na ako nag tanong pa kung sino ang kasama at anu ang ginagawa nila ni Gio dun.
“Silang dalawa lng.”
Habang hinihintay ko si Jella galing CR. Nakita ko sila sa labas ng CR na hinawakan ni Gio ang noo at balikat niya. Papalapit na si Jella at paalis na din kame ng mga oras na yun. Kasama kase namin yung iba pang kaibigan ni Jella kaya nag aalangan na akong puntahan pa siya. At yun ang pinagsisihan ko.
Hindi ako makatulog kagabi kaka isip sa nakita ko.
Nililigawan ba siya ni Gio? Or sila na ba?
Alam ko naman at nababasa ko sa mga galaw ni Gio na may gusto kay Belle umpisa nung nagkita-kita kme sa bahay ni Lola Rebecca.
“Oh hi tita!” naalimpungatan naman ako sa pagbati ni Gel kay tita Sandra.
Nasa iisang table kme ngayon at hindi ko alam kung bakit nandito din yung mga kaibigan ni Belle.
Ang akala ko kase kaming tatlo lng nila tita Sandra at Belle ang magla-lunch.
Inanyayahan kase ako ni Tita Sandra na mag lunch out nlng at samahan ko sila sa kaibigna ni mommy na gagawa ng dress ni Belle. Nag text ako sa kanya kung pwedi ko bang yayain sana si Belle sa bahay. Dapat sasama din si Alex kaso lng ay umalis sila ni mom and Dad going to Pampangga.
Sa ilang linggo na pamamalagi namin dito sa Pilipinas nakahanap ng property sila Mom and Dad sa pampangga. Ewan ko at magpapatayo daw sila ng vacation house doon. I don’t know the plan yet.
Well meron pa naman 2 weeks to stay here in Ph!!! And my goal now is to let Belle know my feelings for her.
Pagkatapos naming kumain ay dun ko pala napag alaman na kaya pala nag aya mag lunch si tita Sandra sa mga kaibigan ni Belle it’s because of Belle’s 18th birthday sa darating na sabado. Kaya excited din ako deep inside kase aabot pa ako makakadalo pa ako sa special day ng special someone ko.
“I love her eyes, when she smiles and mostly when she laughs.”
Belle’s POV
Natapos na ang lunch namin. Napag usapan na din nila ni mama and Liela yung tungkol sa mga damit at make up artist ko. Kaya solve na ayaw ko rin naman ng masyadong sosyal at magarbo na party. So ayun ipinagkatiwala na ni mama samin ni Leila , Gel at Gio yung plan for my party. Ayaw niya na daw makisawsaw, kase ayaw niya naman ipagpilitan pa yung idea niya, napaliwanag naman din ni Leila yung plan namin.
Pagka tapos ng kainan ay dumeretso na kme sa shop ng kaibigan ni tita Lucy. Sinukatan lng ako at pinakita samin yung design ng simple gown ko.
“Haysss very good ka talaga girl.” Sabi ko kay Leila nung nauna na umalis si mama. Papunta pa kase sa office nila for duty kaya naiwann nlng ako sa bodyguard ko este kay Dan pala.
“Ako na po bahala Tita hatid ko nlng si Belle” naalala ko pang sabi ni Dan kay mama.
“Nope hatid nlng namin siya kuya.” Singit naman ni Gio.
“ No okay na ako, dadaan pa kme sa bahay eh.” Patawa naman pero halatang inis na Sabi ni Dan.
Anu bah!!!! Parang nalilito na ako sa dalawang mag pinsan na to!!!! Well that was kanina pa balik tayo sa usapan namin ni Liela.
“Ano ka ba Bellaaa, mas nag eenjoy kase ako na supportado kita sa Birthday like what you did on my birthday too.” Sabi naman ni Leila. Niyakap ko pa siya konti.
“Ako pa nga!!!” singit naman ni Gel.
“Nako Gelia!! Nakisali pa !!” Panunukso naman ni Gio kay Gel.
“Papa G! Dali sali ka din.” Sabi naman ni Gel.
Inismiran lng ni Gio si Gel sa tinuran nito.
Si Dan naman busy kaka cellphone pero alam ko naman na aware siya sa nangyayaring lambingan namin. Sinasadya ko talaga na ma OP siya samin ayaw ko lng kase na mas mapalapit pa ako sa kanya kase may nililigawan na siya na si Jella.
Hayyysttt!! Dun kana kay Jella mo!! Tseee!!!
Pagka tapos namin mag kwentohan kunti ay umalis na sila Leila, Gel and Gio. Hinatid ko naman sila sa sasakyan nilang kotse.
“Sigurado ka ba na ayaw mo nlng sumabay samin?” Tanong pa ni Leila
“Okay lng ako ibinilin na ako ni mama kay kuya Dan eh. Asungot kase, minsan asungit pa!.” Pagbibiro ko naman kay Leila.
Tumawa naman silang tatlo sa sinabi ko.
Pagka-tapos nilang umalis ay bumalik na agad ako sa kotse ni Dan. Sa pagkakataong iyon ay umaandar na yung makina ng kotse niya. Agad naman akong kumatok sa bintana sabay pihit yung pinto ng sasakyan.
“Ohh akala ko ba sumama kana sa kanila?” Medyo matamlay na parang napipikon na naman siya. Ngayon ko lng ulit na i-encounter yung ugali niyang ganyan. Siguro nga masyado ko talaga siyang in-OP ngayon.
“I’m sorry kuya Dan. Na OP kita.” Nakonsensya naman ako, kahit alam ko na May nililigawan na siya kailangan ko pa din e work out yung pagiging magkaibigan namin kase mabait naman talaga sila sakin ni Alexa.
“I told you not to call me Kuya, Belle.” Mahinahon pero mas lalong napikon na boses ni Dan.
“Okay.” Sabi ko na lamang.
Matagal na katahimikan ang bumalot samin sa loob ng sasakyan.
Galit ba siya saken.
Nagulat nlng ako na huminto na kami sa isang napakafamiliar na lugar.
Sa resort ng tito ni Jella.
“Dito ka lng may kukunin lng naman ako.” Sabi niya.
Naiwan naman ako sa sasakyan mag isa.
Paikot-ikot naman ang eyeballs ko kakaantay.
Alam ko naman na pupunta ka sa Jella mo!!!
Paulit-ulit ko pang sambit.
Maya-maya pa ay nakita ko na papalapit si Dan sa kotse at tama nga ang hinala ko kasama pa niya si Jella.
Haysss Buti pa nga sumama na ako kela Leila!!!! Kainis!
Si Dan ay napunta na sa driver’s seat agad naman akong kinabahan sa akmang pagbukas ni Jella sa pinto ng front seat ng kotse kung saan ako naka upo. Binuksan ko na lamang ito.
“Belle——.” Narinig ko pang tawag saken ni Dan na naka upo na sa driver’s seat. Pero di ako nagpatinag pa at bumaba naa lamang.
Kunwari pa akong bumati kay Jella.
“ Hi Jella!!” Nag smile pa ako ng kunti para hindi naman masyadong awkward yung tagpo namin.
“Dito kana, sa likod nlng ako.” Sabi ko pa. Ngumiti naman ito saken.
“Ayyy sorry Belle akala ko kase walang tao.” Sabi naman niya
“Okay lng po” ngumiti naman ako at pumasok sa likod.
Nakita ko pa na tinititigan ako ni Dan sa salamin habang nag aayos ako ng upo sa likuran.
“Okay ka lng diyan?” Tanong pa nito na di ko alam kung si Jella ba o ako ang tinatanong niya.
“Yes I’m okay” Sagot ni Jella na patawa tawa pa.
Pero ng tumingin ako ulit sa salamin nakatutok pa din saken ang mata ni Dan.
“Belle?”pagtawag pa ni Dan saken.
“Ah oo okay lng ako dito.” Nag smile pa ako kunti.
May kung anung masamang espirito kase ang umagaw ng upuan ko. Ay este Girlfriend mo pala or Girl Friend. Basta!!!
Agad naman pinaandar na ni Dan ang makina ng sasakyan. Agad naman akong kumuha ng neck pillow inaantok na kase ako. Mag aalas dos na kase ng hapon and to less the awkwardness moments na to. Gusto ko muna na umidlip kahit limang minuto lamang basta pag gising ko gusto ko nasa bahay na kami ng mga Madrigal alam ko naman na dun ang punta namin as mentioned naman earlier ni Dan.