“Ohhh ate Belle matagal tayong hindi nagkita ah.” salubong ni Alexa saken nung nakapasok na kme sa bahay nila Dan. Nakatambay si Alex sa sala kaya naramdaman agad ang presensya naming tatlo.
“Hayyy para namang na wala talaga ako ng napakatagal Lex Siguro bored kna dito sa Pinas.” Sagot ko naman kay Alex.
“Hmmm. busy kase yang ate Belle mo sa paghahanda para sa Birthday niya Alex.” singit pa ng nakakainis na Dan.
Ewan ko talaga, parang napaka pake-alamero niya na talaga naiiinis ako na parang gusto ko siya sabunotan.. hayyyysss
“Oo nga pala Alex invited ka dun hah! Nasa eighteen treasure ka. Wag kanang magtampo na miss mo lng ako eh.” Pag-lilibang ko naman sa dalaga dahil alam ko magtatampo na naman yan kase hindi ko pa nasabihan at sadyang naiinis talaga ako dahil naunahan naman ako ng pakialamero niyang kapatid.
"ooohhhh sus ako nga hindi pa din na e-invite." dagdag pa papansin ni Dan.
umikot naman yung eyeballs ko at tsaka ko siya hinarap.
"ikaw ba hindi ka talaga titigil kaka spoil mo?" Sa bigla ko parang hindi ko na naitago ang pagka inis ko sa kanya.
“Oo nga kuya sabat ka ng sabat. Nagpapapansin ka talaga kay ate Belle.” Sabat naman ni Alex
“ OKAY chill!!! Hindi naman talaga ako pupunta.!” boses pikon na Sabi ni Dan.
Alam ko napipikon talaga pag ganyan na yung set up namin mag usap mula pa noon.
Akmang sasabat pa sana ako ng nakita ko na si Dan na umalis ng hindi man lng lumingon sa Jella niya.
Walk out!!!!
“Ehhh ako bah hindi na rin invited, mag wo-walk out na din ako.” wika naman ng papansin na si Jella.
But I need to be nice to her at some point kase wala naman siyang ginagawa saken. Siguro naiinis lng naman ako sa kanya kase May kahati na ako sa atensyon ni Dan. Which not really valid kase wala naman ako karapatan solohin ang atensyon ng lalaking yun kase hindi ko naman siya boyfriend.
“Syempre invited ka din Jella.” Tipid kung sagot at ngumiti pa ako kunti.
“Really!!! Okay, don’t worry ako na bahala kay Dan. Sigurado ako na pupunta yun kahit nagtatampo pa sayo.”
.
.
.
Dan’s POV
“Naiinis na ako Kay Belle!! Hindi ko na sila binalikan sa sala kanina matapos uminit ang ulo ko. Buong araw akong na out of place kasama siya at sa harap ng mga kaibigan niya. Tapos after all gusto ko lng naman na mapansin niya ako at e-invite sana ng pormal sa birthday niya pero wala, mas mahalaga ngayon sa kanya ang mga tropa niya.”
Nag kulong ako sa kwarto ko ng dalwang oras. Nag libang nlng ako ng paglalaro sa cellphone ko. Alam ko naman si Jela naka uwi na rin nagpasundo siya sa Tito niya. Naiwan kase niya yung make-up pouch niya sa kotse ko nung nag pa drive siya saken last day. Nagpumilit siyang sumama saken kanina para madalaw naman daw si Alex at makapag-libang naman sa bahay.
Iniisip pa rin niya siguro na magugustohan ko siya. Alam ko naman na gumagawa lng siya ng dahilan para makasama ako palagi. But Jella is just a sister to me, isang malapit na kaibgan.
Maya-maya pa ay napabalikwas na ako ng bangon nakapa ko yung kumakalam kong tiyan sa gutom. Sigurado na ako na tapos na silang kumain sa baba. Pababa pa lng ako nang ma aninag ko na may tao pa pala sa sala at Hindi ako nag kamali si Belle.
Akala ko ba sinundo na siya ni tita Sandra.
Lalampas na sana ako ng sala ng walang imik.
“Dannnn..” dahan-dahan naman akong napalingon sa gawi niya.
“Akala ko ba sinundo kana ni tita Sandra?.”
“Hmmm Hindi pa.!” Tipid naman itong sumagot
“Okay ihahatid nalng kita.”
“No need na! Hindi ko pa kase matawagan si mama. Pero for sure Maya-maya tatawag din saken yun.”
Tatalikod na sana ako
“Pwedi ka bang maging last dance ko?”
Napalingon naman ako ng bigla sa galak. Pero hindi ako naka imik ng ilang segundo.
Subrang saya ko ng marinig ang sinabi ni Belle. Hindi ko mawari kung anu yung ekspresyon ng mukha ko sa puntong iyon.
“Belle, kung iniisip mo yung kanina, forget about it. Pupunta ako, pero di mo kailangan ipilit na lagyan ako ng position sa party mo.”
Ayaw ng pride ko na magpahalata ng damdamin ko sa oras na to. Negative pa rin yung feedback ko. Pero iniisip ko rin naman na babawiin niya yung mga sinabi ko at papatunayan na mali ako ng iniisip.
“Grave k naman saken kuya Dan. Sa tingin mo ba makakalimutan kita sa pinaka importanteng araw ng buhay ko? Peace na tayo plsss.”
Sa isip ko napakasaya ko sa narinig ko Kay Belle. Napayuko pa ako bigla para maitago ang mga munti Kong ngiti at kislap ng mata. Tsaka humarap ulit sa kanya na seryoso ang mukha.
“O sige na nga. Baka umiyak ka pa niyan Belle.”sagot ko naman bilang pag tugon sa pakiusap niya.
.
.
.
.
.
Belle’s POV
Naalimpungatan ako ng gising kinaumagahan ng narinig ko Ang mumunting katok sa bintana ng kwarto ko. Pagkatapos ng ilang araw na pananatili ko sa bahay lamang.
Mag-aala syete na ng umaga. Kaya nagpapasalamat naman ako sa kung sino man yung gumising saken dahil maraming aasikasohin ngayong araw na to.
Lumapit ako sa bintana at agad hinawi Ang kurtina.
“Shocks!! Anu ginagawa niya dito?.”
Si Dan, nakatalikod siya sa gawi ng bintana ko nakalagay Ang cellphone sa tenga na parang may kinakausap.
Agad ko naman sinara ang kurtina. Pero Hindi naman siguro ako nakita kase naka tented naman yung salamin ng bintana namin.
Agad ko naman nilapitan yung cellphone ko para tawagan si Dan. At nakita ko yung five missed calls niya three minutes ago.
“Ay butiki!!!”
Muntik ko na ma bitawan ang cellphone ko ng marinig ulit Ang katok sa bintana ng kwarto ko. Sabay nag ring naman Ang cellphone ko.
Si Dan….
“..he.hello??!!”
“Belle kanina pa ako kumakatok sa bintana mo. Hindi mo ba talaga naririnig?, tulog mantika ka talaga.”
Agad naman akong napahagalpak sa tawa.
“Relax, napaka over-reacting mo naman Dan. Hello, good morning anu ba Ang mabuting balita at napasugod ka sa bahay namin?”
“Bubuksan mo ba Ang pinto o Hindi?” Naiinis na boses ni Dan.
Agad naman akong napanguso, napikon na ata yung mokong na to.
Pag bukas ko ay nakita ko agad ang mukha ni Dan na parang alalang-alala saken. Well ayoko mag assume pero, bigla rin akong kinabahan sa itsura niya.
“Hey!!! What??.”
“Belle, are you okay?”
“Yeah. Bakit?? Anung nangyari?”
Agad naman siyang napasinghap ng hangin sabay hinga ng malalim.
“Okay magbihis kana, Tita Sandra ask me to fetch you here, para samahan ka sa lakad mo today.”
“Okay Dan, pero anu ba talaga yung expression mo na yun? Para tuloy akong kinabahan.”
“Don’t mind it. I’m here okay, you’ll be safe.”
Hindi ko o rin ma gets kung bakit ganon Ang mukha ni Dan parang alalang-alala siya saken.
Pagkatapos kung magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.
“Mag drivethru nlng ta——-.”
Biglang naputol Ang sasabihin ko ng makita ko si Dan nasa kusina at tila nagluluto.
Agad naman siyang lumingon sa direksyon ng kinatatayuan ko.
“Hotdog lng at itlog yung laman ng ref nyo Belle. Kaya obviously yun lng almusal naten. Tamang tama hindi rin ako nakapag-almusal sa bahay. Kain na tayo.”
Agad pa siyang napangiti ng kunti.
“Ggwwaaapooo.”
“Hmmm sarap…”
“What??”
Hindi ko pala namalayan na natulala na ako sa kanya.
“Nope yung amoy ng almusal naten, hihi mukhang masarap.” pangbabawi ko naman sa aking tinuran.
.
.
.
.
.
.
.
Dan’s POV
Nagmamaneho ako ngayon papunta kme ni Belle sa shop ng pinagawan nila ng gown niya para sa debut niya.
I still can’t believe she’s turning into a lady soon.
Iniisip ko na sana bata na lng kme ulit,
I still remember the day na una kaming nagkakilala. Siguro mga seven years old lng ako maliit pa siya noon. She’s really cute, tinanong ko pa si mommy nun if pwedi bang sister ko na rin siya. Ang gaan kase ng loob ko sa kanya. Nasanay kase ako sa mga sinasabi ni mommy saken na “you’re a big bro. for Alex when you grow up, you must protect her all the time.”
Tumatak sa isip ko yung mga katagang yun ni mommy. Kaya nung sinabi Nila Lola and mommy saken na I should treat Belle as sister too yun na rin yung sa isip. Not until I turned to fifteen yrs old at nag bisita kme ng pinas. Humanga na ako sa kanya, Hindi ko alam kung panu, naiisip ko noon puppy love lng naman yun. And now that we’re both turning to adulthood. Mas napahanga pa ako sa ganda niya, she’s a simple girl na hindi tulad ng mga nakilala ko sa America.
Nang dumating kme sa shop ng pinagawan niya ng gown nakita ko na mahimbing pa ang pagkakatulog ni Belle. She’s really cute even when she sleep. Matagal ko pa siyang pinagmasdan balak ko na sana siyang gisingin ng makita kung gumalaw ang kamay na sinapo Ang ulo niya.
“Okay ka lng?. Tanong ko bigla sa kanya.
“Sorry naka tulog ba ako ng matagal? Kanina ba tayo nandito sa harap ng shop?.”
“It’s okay.” Wala na naman akong masabi pa sa kanya. Nagulat ako sa biglang pag gising niya habang maigi ko siyang pinagmamasdan.
Natapos na namin halos lahat ng transaksyon ni Belle ngayon para sa party niya. To get the gown, souvenirs and some things for decorations.
Ang totoo ako naman talaga Ang unang tumawag kay Tita Sandra para itanong kun nasaan si Belle. Gusto ko kase siyang makasama pa sa mga nalalabi kong araw dito sa Pilipinas. A day after ng birthday niya aalis na kme ulit pauwi ng America.
Siguro baka medyo matagalan pa para makauwi kme ulit dito sa Pilipinas. Kaya before I go I will let her know that she’s special to me not just a friend or just like a sister as what my family wanted us to treat her.
Pag katapos namin ay kumain na muna kme sa isang fast food restaurant.
“Tara nagutom ako, kain tayo treat ko naman Dan.”sabi ni Belle na parang excited pa.
“Dapat lng naman kase sa gwapo kong to ginawa mo na akong driver, tagaluto at taga gising for a day. Dapat nga may service fee yun.” Sabi ko naman na parang nakanguso pa.
“Oh eto.!” Sabay abot saken ang one peso coin at pagkatapos ay tumawa pa siya ng malakas.
Nag order na ako ng pagkain sa counter ng makasalubong ko ang napaka familiar na tao. Hindi ko naman namukhaan dahil marami akong nakasabayan at nakasalubong papunta ng counter. Ng lingonin ko ay napagtanto ko na tama naman pala ang hinala ko. Si Giờ nga at papunta sa table kung saan naroon si Belle.
“Anung ginagawa niya dito?”
Ng makabalik ako ng table ay tsaka lng siya tumayo agad sa pagkatapos-upo niya at pinansin ako.
“Hey bro!.” Pagbati niya saken
“No napadaan lng naman ako dito. I thought Belle is alone, yayain ko sana siya sa family dinner namin. Birthday kase ni mommy.”
“ well, hindi pwedi si Belle. Binilin siya saken ni tita Sandra ” Sabi ko naman para kase akong naiinis palagi lng sumisingit Ang mga kaibigan niya lalong lalo na tong lalaking to.
“I’m sorry Giờ. See you nlng tomorrow sa party ko.” sabi naman ni Belle na biglang kumonot ang noo.
“Okay just text me when you’re home already.” Sabi naman ni Giờ
“Bye bro.” Paalam pa niya saken.
Tumango naman ako bilang pag tugon