Episode 10

2111 Words
Belle’s POV Araw ng aking kaarawan. Mag aala sinko na ng hapon nang makarating kme sa resort kung saan gaganapin ang birthday party ko. Kasama ko sila Leila , Gio, Tricia at Trixie. Pina una na kme ni mama kase may dadaanan pa daw sa office nila. Malungkot ako ng kunti dahil wala ang papa ko sa okasyong ito. Pero ang kinalulungkot ko pa ay dahil sa buong araw na pamamalagi ko sa bahay wala akong natanggap na mensahe kay Dan o hindi man lng ako nasundo. Siguro susunduin niya talaga si Jella kaya wala akong choice kundi sumabay nlng sa mga kaibigan ko. Hindi ko lng alam pero na e-expect na lng siguro ako sa kanya. Syempre uunahin niya talaga ang nililigawan o nagugustuhan niya. “Oh birthday mo bakit parang petsa de pilegro yang mukha mo ateng?” Daldal ni Gel habang nilalagyan ako ng make up. “Wala lng medyo excited lng ako.” ngumiti pa ako ng bongga para hindi mahalata ng bakla. “Wehhh ?? Excited ? San banda? Baka nakatago pa sa bulsa mo. Isuot mo muna yung excitement na sinasabi mo teh.” pangkokontra pa ni Gel. “Belleee—- ang ganda mo anak.!!” Bulaslas naman ni mama nang makarating sabay abot saken ang box of roses and gift nila ni papa. Naka suốt ako ng plain long gown, off-shoulder na kulay rosas. “Thank you ma. Syempre mana po sa inyo.” at saka kme nagyakapan. “O cmon my baby, don’t be so sad. May message naman yung papa mo sayo.” sabi saken ni mama ng makitang parang iiyak ako. Namimiss ko din naman kase si Papa. . . . Nang tumugtog na ang dance music para sa eighteen roses agad na akong napatayo sa kinauupo-an ko. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa gitna. Hindi ko masyado maaninag kanina pa ang mga bisita ang alam ko lng na andiyan ay Ang mga kaibigan ko at iba pa naming kaklase, Ang Villarin Family na kompleto silang lahat pati si Lola Delia. Hindi ko man lang makita si Dan pero sigurado ako na andiyan sya. Siguro ay nasa likod siya banda. Napakasilaw kase ng ilaw na parang lahat ay naka focus sa harap kun saan ako naroroon. Maya-maya pa ay nag umpisa ng tumugtog ang instrumental para sa awitin ng unang sayaw ko. Nong una’y akala ko ay isang played music lamang ito. Ngunit nagbago ang t***k ng dibdib ko ng paglingon ko at makita ko na may taong nakatayo at may hawak na gitara sa likoran ko. Sigurado ako na hindi na played music ang naririnig ko kundi isang live song. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng maaninag ang taong nakatayo at may hawak na gitara. Yeahhh it’s Dan singing for my eighteen roses. Tumama ang aming paningin nang naka focus na lahat ng ilaw sa kanya at naging maliwanag na ang mukha niya. Napakagwapo niya ngayon at biglang bumibilis pa ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya sa pagbigkas ng mga katagga ng kanta at bawat pagkalabit niya sa hawak na gitara. His angelic voice captured my heart at pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang tao na nandoon sa mga oras na yun. Nabigla nlng ako ng nagsi-palakpakan na ang lahat at nakita ko si Gio na nakaluhod at may hawak na rosas sa harap ko. Asking my hand to dance with him. Agad naman akong napatawa kay Gio. Tumayo siya at nag umpisa na kaming sumayaw. Pero Hindi nawala sa isip ko si Dan, ang ganda ng boses niya. “Happy Birthday beautiful lady!!” Sabi ni Gio habang titig na titig sa mukha ko. “Thank you for all your help kayong lahat. I really appreciate it Gio.” Sabi ko naman. Nag pasalin-salin pa ako ng naka sayaw pati na si kuya Jim, Tito Larie at Tito Miguel. Pati na ibang mga kaklase ko at kaibigan, si Gel kasali din. Mas lalong lumakas pa ang t***k ng puso ko ng naririnig ko na parang iba na ata ang boses ng kumakanta. Alam ko na si Dan na ang susunod na kasayaw ko kaya kabadong-kabado ako makita siya at mahawakan ng malapitan. This night I confirmed my feelings for Dan. I really admire him more. Kaya pala wala siya paramdam siguro buong araw pinaghandaan ang mga kanta niya sa birthday ko. Kinalma ko pa ng konti ang sarili ko ng makita ko siya na papalapit na saken upang maging last dance ko. Napaka gwapo niya tingnan sa white polo shirts niya na with bottons at khaki pants na light brown, beach boy talaga ang dating. Ngumiti pa ako ng malapad na ngiti sa kanya. I think that’s my way of saying na sobrang na appreciate ko lng talaga yung efforts niya na kumanta sa birthday ko. Pero nanatiling seryoso ang mukha niya habang titig na titig sa mga mata ko. Parang nag slow motion ang paligid ng biglang hinawakan niya ang isang kamay at beywang ko. “Happy Birthday my Belley, you’re such a pretty girl since then but now a beautiful lady.” Tumaas pa ang kabilang bahagi ng labi niya na parang one sided smile na sobrang nakaka-akit. “Thank you Dan. Hindi ko akalain na sobrang ganda ng boses mo. ” pagbati ko naman sa kanya. Gusto ko pa sanang idagdag na ang gwapo niya ngayon pero baka makahalata na siya. Hindi ko gusto na masira lng yung kung anu man Ang meron kme bilang kaibigan at bilang tinuturing nila na kapamilya. “Well hindi mo naman ako pinagbigyan na iparinig sayo simula ng dumating kme dito.” sabi naman niya. Bakit parang kinikilig ako!!! Mas lalo pa siyang nag seryoso ng mukha habang magkasayaw na kme. Yung mga titig niya na parang tagos hanggang kaluluwa ko. Naiinis ako sa mukha niyang kay hirap e waglit sa paningin ko sa mga oras na to. Natapos na ang party at kainan. Halos lahat naman na mga bisita ko ay nanatili nlng muna may kinuha naman na rooms si mama for visitors na mag papalipas ng gabi kasama na dun ang mga Villarin, kaibigan ko at kaibigan ni mama. Kasalukuyan kaming nasa balkonahe ng function room nang nagpa-alam na ang mga kaibigan ko papunta sa rooms nila. Maliban kay Gio na nanatili pa din. “You know this place, it’s really perfect!.” Sabi ni Gio ng walang anu-ano. Natahimik pa ako ng ilang segundo bago sumagot. “Yeah and thanks to you! This is all because you helped us with the venue.” Sagot ko naman Kay Gio. Napahagalpak naman siya ng tawa. “Yeah you’re welcome, but I meant this place is really perfect for us tonight, not just for your party. But for me to do something.” Pagpapaliwanag ni Gio na Hindi ko naman maintindihan kun anu ba talaga Ang ibig niyang sabihin. “Look Belle—- I don’t want to confuse you for so long.” Bumuntong hininga pa siya bago dugtongan ang sasabihin niya. “You know I like you!” “Since grade 7 tayo ikaw na ang gusto ko!!” Dagdag pa niya habang hindi naman ako makapaniwala. Hindi ko talaga nakita yung mga signs na nagkakagusto na sakin si Gio. “And—- gusto kitang ligawan from now on. If okay lng sayo? ” MAs lalong namilog ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Nanahimik pa ako ng ilang segundo bago nakasagot sa kanya. “Buttt——-Gio—-No!” “Okay wait I’m sorry. I mean we’re friends. Hindi naman sa ayaw ko pero for now I think we’re better be friends na lng muna? Is that okay with you? I mean you can ask me maybe someday, or sometimes but for now yun lng. I’m sorry I’m not yet ready for that.” Parang Hindi ko na alam kung anu pa yung mga lalabas sa bunganga ko. I don’t know crush ko din naman siya nung grade 7 kme pero iba ngayon. May iba akong gusto. Hindi ko na nakikita yung sarili ko na magugustohan ko pa siya pero ayaw ko lng na masira lng yung pagkakaibigan namin ngayon mismo. Natahimik at napayuko si Gio for a seconds and faced me again smiling. “Okay don’t mind it hindi naman ako nagmamadale. We’re better to be friends more, closed friends or best friends will do to me.” “Okay!!!” Sa kaba ko iyon lang Ang tanging nasabi ko. Nagulat na lng ako sa biglang pagyakap ni Gio sakin. At pagkatapos ay hinalikan pa ako sa noo. Wala talaga akong maramdaman na kahit kunting kilig man lamang. “I’ll go to my room na.!” Sabi ko naman para matigil na Ang pagyakap niya saken. Wala na masyadong tao sa labas. “Hatid na kita Belle.” Presenta pa niya. “Nope I can manage na Gio anu ka ba, 18 na ako.” Tumawa pa ako para kunwari walang epik yung confession niya sa pagkakaibigan namin. Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay parang may sumusunod saken na tao. Agad ko namang binilisan ang lakad ko. Kinakabahan din ako baka sinundan ako ni Gio ayokong may makakita baka yakapin niya ako ulit. Mas lalo akong kinabahan ng nakasunod pa din ito dahil sa na aninag ko na anino niya. “Belle sandali lng!!” “Ayy butiki!!!” Nabigla ako ng may tumawag saken. Si Dan. Siya pala ang naka buntot saken. “ Bakit Hindi kapa pumapasok sa room mo?” Tanong niya na parang irita na naman. “I was with my friends kakatapos lng namin mag-usap. Pero papasok na din ako. Ikaw?” Sasagot na sana siya. Ng biglang may nag salita din sa likod ko. “Dan!! Kanina pa kita hinahanap.” Si Jella “Ohhh Belle btw, happy birthday.” Lumapit pa saken at nag beso. Tsss parang plastic naman. Nakita ko din siya sa party kanina pero hindi ko naman natandaan na lumapit at bumati. Nakabuntot lng eto kay Dan. “Thank you for coming.” “Actually hinahanap din kita eh.” Sagot naman ni Dan Nakikiramdam lng ako sa dalawa. Edi kayo na Ang naghahanapan!!!! My eyes was about to roll. Pero buti nlng napigilan ko na lumabas pa ang reaksyon ko na iyon. “And wait Belle. Sumama kana.” Hindi tanong kundi mando na sabi ni Dan. Tinitigan niya ako sa mata na parang tulad kananina nung magkasayaw kaming dalawa. Namamalikmata lng ata ako pero may ibig sabihin lahat ng mga titig niya ngayon. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kakabahan “Saan naman tayo pupunta?” Pagtatanong ko naman sa dalawa “Jella’s friend is here. Makikisabay lng ako nasa tabing dagat lng naman nag iinuman.” “Dan ? Are you sure with her? I mean isasama naten?” Pabulong ngunit rinig na rinig ko naman na sabi ni Jella Kay Dan. “Okay lng ako Da——.” “I said go with us!!!” Wika naman ni Dan na parang naiiinis na. Wala na rin akong nagawa pa kundi ang sumama na lang. Pagdating namin sa beach ay nag sipag palakpakan ang tatlo na sa palagay ko ay iyon Ang tinutukoy nila na mga kaibigan. Umiinom sila at nagtatawanan pa. Isang babae at dalawang lalaki ang nandun. “AndIto na pala ang love birds eh.” Sabi pa ng isang babae na hula ko ay kaedad din ni Jella. “And may kasama pa na isa.” Dagdag pa niya. “Hey guys. This is Belle. Siya yung Birthday girl. She’s Dan’s friend.” Pagpapakilala naman ni Jella saken. “Hello Belle I’m Angela” pagpapakilala ng babae na kaibigan ni Jella. “Roy my boyfriend and Cris single and reaaa——.” “Nope she’s not ready for courting.” Naputol na ang huling sasabihin ni Angela ng sinalo na Ito ni Dan. Na shock silang lahat sa sinabi ni Dân. Medyo gulat din naman ako, pero alam ko na ugali ni Dan. Nagpapaka kuya na naman saken. “Napaka-over protective mo naman Dan.” Sabat pa ni Angela. “ she’s a family friend and treated like sister for Dan. That’s why. That’s enough Ange.” Sabat naman ni Jella na pangiti -ngiti pa. Agad na umupo na si Jella sa tabi ng kaibigan na si Cris. Kinabig naman ako ni Dan at pinaupo din sa tabin ni angela at umupo naman siya sa tabi ko sa gitna namin ni Jella. “Relax ka lng. I’m here, gusto ko lng na andito ka.” Bulong pa niya saken bago kme umupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD