Nang luminaw sa pandinig ko ang sariling ungol ay tsaka pa lang ako nahimasmasan at mabilis na hinamig ang sarili. Hindi ako dapat padadala kay Drioz kahit gaano pa siya kasarap—este kagwapo! Kalma lang dapat, iyong tipong 'di masyadong atat magpatikim—este magpatsansing. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Makukurot ako ni Nanay sa singit nito! Wala ako sa escort agency para pairalin ang pagiging malandi ko! Bago ko pa mabuo ang desisyong gagawin ay biglang may isang matipunong katawan ng lalaki ang umahon mula sa couch kasama ang walang saplot na babaeng nagmamay-ari ng mga halinghing at ungol na patuloy na bumabalot sa paligid. Para akong tinulos sa kinatatayuan at saglit na nawaglit sa isip ang kung anumang naisip at maging ang presensiya ni Drioz ay nabura sa utak ko dahi

