Napatulo agad ang luha ko. Hindi dahil sa sakit. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa wakas, dumating rin kami sa puntong akala ko dati imposibleng mangyari aa amin ni Anton. “Yes.” Tumango ako agad-agad. “Talaga?” Parang hindi siya makapaniwala. “Yes, oo, Anton!” natatawa kong sabi kahit umiiyak ako. “Oo!” ulit kong sagot. Mabilis siyang tumayo at isinuot sa daliri ko ang singsing. Medyo nanginginig pa ang kamay niya kaya natawa ako habang umiiyak. “Kabado ka?” pang-aasar ko. “Sobra,” pag-amin niya. Pagkasabi niya noon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Inalalayan niya agad ako, isang kamay sa likod ko at isang kamay sa tiyan ko. “Easy,” bulong niya. “Baka pagalitan ako ng baby natin.” Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak ko. “Baby, engage

