“Anton?” tawag ko. “Paano ’pag hindi pumayag si Daddy na magpakasal tayo agad?” I curiously asked. “Pumayag na siya sa akin noon pa,” kampante niyang sabi. “Kailan pa?” Agad kong tanong. Umubo siya nang kaunti. “Noong kinausap ko siya.” Napakunot ang noo ko. “Kinausap mo si Daddy? Hindi mo sinabi sa akin?” gulat kong tanong. “Secret.” Ngumiti siya na akala mo proud na proud sa sarili niya. “Anong sinabi mo?” tanong ko at ngumiti siya. “Na mahal kita.” Bigla akong nanlambot sa sinabi niya. “Corny.” Komento ko. “Na pananagutan kita at ang baby. Napanguso ako nang bahagya. “Hindi naman ako burden para panagutan.”Bigla siyang naging seryoso. “I know. Hindi kita responsibility lang, Geneva. Kayo ng baby natin ang gusto ko. Choice ko kayo. Mahal ko kayo.” Natahimik ako. Parang gus

