Habang naghahalikan kami ay napahawak siya sa likuran ko bilang suporta. Biglang nag init ang katawan ko at napahawak ako sa braso niya. “Why? Ayaw mo ba?” nag aalalang tanong niya at umiling ako. “Umiinit kasi ang katawan ko,” nahihiyang sabi ko at ngumiti siya. “Normal lang ‘yan,” mahina niyang sagot habang hinahaplos nang marahan ang likod ko. “Baka kasi masyado kitang kinikilig.” Napairap ako kahit ramdam kong lalong uminit ang pisngi ko. Natawa siya nang mahina. “Gen,” mahina niyang tawag. “You’re so beautiful.” Diretsahan niyang sabi. “Buntis ako,” sagot ko agad, pero mas lalo lang siyang ngumiti. “I know. And you’re still the most beautiful woman I’ve ever seen.” Parang may kung anong kumabog sa dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagiging sincere ng

