Maghapon akong inalaagan ni Anton, siya ang kumilos sa lahat. Nagluto, pati pagligo ko kasama ko siya. Sobra na yung bawi na sinasabi niya. Nakita ko siyang nakatulog sa tabi ko, umaga na at ako ang unang bumangon. Pero tatayo na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Saan ka pupunta?” tanong niya at bumangon na ng biglaan. “ ‘Wag ka munang bumangon!” Agad kong sabi at umiling siya. “Okay lang ako,” sabi niya, kahit halatang siya ang hindi okay dahil bigla siyang bumangon. Napabuntong-hininga ako. “Ikaw nga itong mukhang puyat na puyat.”Hindi siya sumagot agad. Lumapit siya sa akin at dahan-dahang hinawakan ang braso ko, parang natatakot na baka mawala ako kapag binitawan niya. “Banyo ka ba? O may gusto ka?” tanong niya nang malumanay. “Sa banyo lang sana ako pupunta

