CHAPTER 3 - The Offer

1101 Words
※ LUCY'S P.O.V ※ Pagmulat ko ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang puting kisame . Dahan dahan akong umupo mula sa pagkakahiga . Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at hindi nga ako nagkamali , nasa hospital ako ngayon . Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding na nasa harapan ko , Pasado alas sais na pala ng gabi . Ganun ako katagal nawalan ng malay ? Pero mabuti na lang at maayos na ang pakiramdam ko . Bigla kong naalala ang nakita ko kanina . May Sakit ako kanina tapos nakita ko sina sir at leo tapos , tapos , nawalan ako ng malay . Baka naman ilusyon o nagdedeliryo ako kanina dahil sa sakit ko . Tama baka ganun nga . teka , Sila Sir Tristan ba ang nagdala sa akin dito sa hospital ? Naputol ang pag-iisip ko ng bumukas ang pinto . Pumasok si sir tristan habang may kausap siya sa cellphone niya . Pagkatapos niyang isara ang pinto , nagtagpo ang mga mata namin . Pero hindi rin nagtagal dahil binawi ko rin ang tingin ko nahiya kasi ako sa mga nangyari kanina . Kung kumatok lang sana ako . Ang awkward tuloy ngayon . " Ehemmmnn " He cleared his throat kaya tumingin ako sa kanya . " How are you feeling ? According to the doctor , you passed out because of your high fever , hindi ka na sana nag-report kanina kung masama ang pakiramdam mo . " Litanya niya sa akin . " Medyo okay naman na ako ngayon sir , nasayangan lang po kasi ako kung a-absent ako sir . " I answered him honestly . Totoo rin naman na medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon . " Okay , next time huwag mo ng pilitan pumasok kung masama ang pakiramdam mo , understand ? " " Yes sir " pagsang-ayon ko sa kanya at tumango naman siya sa akin . " Sir yung tungkol sa nangyari kanina ? I'm sorry . " Panimula ko bilang Paghingi ko ng paumanhin sa nangyari kanina . " Makakaasa po kayo hindi ko po sasabihin sa iba ang mga nakita ko kanina , wag niyo po sana akong sisantehin sa trabaho . Hindi ko po talaga sinasadya , masama lang po talaga ang pakiramdam ko kanina . Pasensya na po talaga . Hindi na po mauulit . " Pinagsaklop ko pa ang mga kamay ko habang sinasabi yon para lang maniwala siya sa akin . Bahala na , ang mahalaga ay huwag lang ako masisante sa kompanya . Hinila niya ang silya at umupo paharap sa akin . " I accept your apology but huli ka na , " Sagot niya sa akin . " p - po . Ano pong ibig nyong sabihin .? taka kong tanong sa kanya . " Alam na nilang lahat . someone already spread the news " seryoso naman niyang sagot sa akin at nagulat na man ako dahil sa sinabi niya . " Pa 'no po nila nalaman sir ? Hindi ko naman po sinabi sa iba ah .? " i asked . " Alam mo namang mabilis kumalat ang mga issue sa kompanya " sagot niya sa tanong ko . "Hmmmmnn , If i know , they are spreading it on purpose so that i would step down from being the C.E.O ." He snorted . " po ? sino pong sila ? " takang tanong ko . " Sino pa , Eh di ang board ." Sagot niya . " Pa'no na po ngayon yan .? " Pag-aalala ko . " I already have an idea . But i would need your help . " diretsahan niyang sagot . " tulong ko po .? " Tanong ko sa kanya dahil nagtataka ako kung bakit ako , Ano naman kaya ang magagawa ko .? " Yes . I had a proposition for you that would put us both in a win - win situation . " he said with conviction . " Ano naman po yun .? " Bakit kasali ako? kinakabahan tuloy ako sa proposition na sinasabi niya . " BE MY WIFE . " he said while looking at me intently . Telling me that he's really serious on this matter . " p - po .? " teka parang nabingi ata ako , tama ba ang narinig kong sinabi niyang WIFE raw ? hindi ko gets . " teka lng sir , ano po bang ibig nyong sabihin dyan ? " " What i mean is i need you to pretend as my wife , just for a one year contract maybe . Para lang mawala ang issue . Bilang kapalit , i will pay you a hefty amount ,mas malaki pa sa sahod na natatanggap mo . ayaw mo nun ,? You won't worry for money anymore . I know you badly need it para sa gamutan ng kapatid mo ." tugon niya . " P-paano niyo nalaman ang tungkol sa kapatid ko ? " " Dito siya sa ospital na'to naka-admit hindi ba ? nakita ka niya kanina nung pinapasok ka dito sa ospital habang pinapasyal siya sa garden ng nurse niya " Tiyak nag-aalala na sa akin ang batang yon pero ito munang pinagsasabi ni sir ang pagtutu-unan ko muna ng pansin . " Let me explain everything to you " tugon niya dahil makikita sa mukha ko ang pagtataka . At sinimulan niya ngang i-explain sa akin lahat mula sa simula at kung papano niya naisip ang ideyang 'to. tumagal ang pag-uusap namin ng isang oras . " Sir teka lang po ha , ang dami dami pong nagkakandarapang babae sa inyo , bakit po ako ? " Pahabol kong tanong . " Lucy , alam mo namang wala ako masyadong nae-entertain na babae dahil sa trabaho ko . hindi maniniwala ang board sa akin at least kung ikaw hindi sila magdududa dahil palagi tayong magkasama . " Ano ba tong nangyayari . Sumasakit ata ang ulo ko nang dahil dito . " Pwede bang pag-isipan ko muna ang offer niyo sir ? ayaw ko kasing pagsisihan ko 'to bandang huli " paalam ko sa kanya dahil gusto ko munang pag-isipan ko ito ng mabuti .. " okay , take your time . Aalis muna ako dahil may pupuntahan ako , Sabihin mo lng sa akin kapag nakapag-isip ka na okay ? " " sige po sir. maraming salamat po . " Hindi rin kasi basta basta ang alok niya sa akin kaya kailangan pag-isipan ko talaga ito ng husto . Sa sobrang pag-iisip ko sa offer ni sir ay hindi ko namalayan nakatulog na pala ako .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD