CHAPTER 4 - ACCEPTING THE DEAL

1567 Words
※ LUCY'S P O V ※ Sa sobrang pag-iisip ko sa offer ni sir kanina ay nakatulog ako , nang magising aako ay wala na si sir . Siya naman ang pagdating ng kapatid kong si Lianne habang tulak tulak siya sa wheel chair ni nurse jane , ang nurse na nag-aalaga sa kanya palagi dito sa ospital . Lumapit sila sa pwesto ko at agad naman akong niyakap ni lianne , niyakap ko naman siya pabalik dahil na miss ko siya kahit kakadalaw ko lang sa kanya nung isang araw . Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang kapatid ko . Naka-bonnet na siya ngayon dahil nalagas ang mga buhok niya epekto ng chemo niya . " Lucy , maiwan ko na muna kayo dito ha , naku , 'tong bata to nagpumilit na pumunta dito , sobrang nag-alala sa'yo " sabi ni nurse jane , . " maraming salamat po nurse jane , lalo na sa pag-aalaga sa kanya " nakangiting sabi ko sa kanya . " walang anuman , babalik na lang ako para kunin siya mamaya " tugon niya . " Sige po . Salamat po ulet " Pagka-alis ni nurse jane , " Kamusta ng pakiramdam mo ate ? " tanong ni lianne sa akin ,sa edad na 10 years old ay napaka-mature niya nang mag-isip . Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin . " okay na si ate . masama kasi ang pakiramdam ko kanina kaya nawalan ako ng malay , ikaw ? kamusta ka naman dito ? " nakangiting tugon ko sa kanya para hindi na siya mag-alala sa akin . " ok lang din po ako dito ate . Nag-alala po ako kanina kasi nakita kita nilalagay sa stretcher nung pinasyal ako sa garden ni nurse jane . Sino po yung lalaki nagdala sa inyo dito ate ? " tanong niya . " ah yun ba ? Boss ko yun . Sa kanya ako nagtatrabaho bilang secretary " " ganun ba ? " Nagkamustahan at nagkwentuhan pa kami ng matagal-tagal dahil na miss talaga namin ang isa't isa . At hindi namin namalayan na gabi na pala . Dumating si nurse jane para kunin siya at kahit bitin kami sa aming bonding ay kailangan na niyang bumalik sa kwarto niya para magpahinga kaya nagpaalam muna kami sa isa't isa sa ngayon . " Punta na kami ate " Paalam niya sa akin . "Sige ingat kayo ha , wag maging pasaway kay nurse jane " paalala ko sa kanya . " Opo ate . ikaw rin po ingat " Yumakap muna siya sa akin at lumapit na kay nurse jane. Tinanguan at Nginitian ko naman silang dalawa . Nang maka-alis na sila pinag-isipan ko ulet ang offer ni sir . Tinimbang ko ang advantage at disadvantage kapag tinanggap ko ito . ※ LUCY'S P.O.V ※ Nagising ako na masama ang pakiramdam ko . Magkakasakit pa 'ata ako ngayon . Bumangon ako para uminom ng gamot para naman gumaan - gaan ang pakiramdam ko dahil kahit masama ang pakiramdam ko ay kailangan ko pa rin pumasok sa trabaho . Sayang naman ang ilang araw na absent Makakatulong na 'yon ng malaki sa gamutan at hospital bills ng kapatid kong si Lianne . Ilang buwan na siya ngayon doon sa ospital dahil sa sakit niyang Leukemia . Panatag naman akong nagtatrabaho dahil alam kong inaalagaan siya doon ng doktor at nurse niya at ina-update naman nila ako habang nasa trabaho ako . Kung sa bahay kasi siya , palagi siyang maiiwan dito mag-isa at walang magbabantay sa kanya . Gusto ko sanang bantayan at alagaan siya kaso kailangan ko rin magtrabaho para sa pangangailangan niya ngayon . Kami na lang kasi dalawa ni Lianne . Namatay ang mga magulang namin five years ago . Kaya simula non , ako na ang tumayo bilang nanay at tatay ni Lianne . Kinailangan kong magtrabaho para sa aming dalawa ng kapatid ko . Sa simula ay mahirap pero kinaya ko naman . Pero talagang sinusubukan yata ako ng kapalaran , nung nakaraang taon ay nalaman kong may sakit si Lianne ng ipa-check up ko siya dahil sa pabalik - balik na lagnat niya at mga napapansin kong mga pasa pasa sa katawan niya , at ayon sa doktor , senyales na pala yun na may leukemia siya . Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ko yun sa doktor . Hindi ko kakayanin kung pati kapatid ko ay mawawala sa akin . Napakabata pa niya para magkaroon ng malalang sakit kung pwede nga kunin ang sakit niya at ilipat sa akin ay gagawin ko . Naaawa ako sa kanya dahil hindi pa niya masyadong na e -enjoy ang kabataan niya ng dahil lamang sa sakit niya kaya pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ,gumaling lang siya , bahala nang ang mahirapan ako , pero para sa kanya kakayanin ko , titiisin ko ang lahat ng hirap . Ganun ko siya kamahal . ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ Pagkatapos ko asikasuhin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto para magluto ng almusal . Nakakaramdam ako ng hilo pero hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko . Nang maluto na ay nag-almusal na ako . Pagkatapos kong mag-almusal ay inayos ko ang pinagkainan at ang mga kalat ko sa bahay at naghanda na para sa pagpunta ko sa trabaho . Pumara ako ng taxi at sumakay dahil kung maghihintay pa ako ng jeep ay baka ma-late pa ako . Nang may humintong taxi ay sinabi ko kung saan ako ihahatid ng driver .Ramdam ko kaagad ang lamig ng aircon pagkapasok ko sa loob ng taxi . Nakita naman ako ng driver na giniginaw kaya pinatay niya muna ang aircon . Ilang minuto rin ang tinagal ng byahe dahil medyo traffic . " Dito na tayo iha " Paalam niya sa akin . " Salamat po manong ha ,? " sabay abot ko sa bayad . Agad akong bumaba at pumasok sa building namin para mahabol ko ang time-in ko . Mabuti na lng sakto lng ako ang pagdating ko kaya nakahinga ako ng maluwag . Pumasok ako ng elevator at pinindot ang top floor . Dahil nasa top floor ang opisina ng boss ay normal lang na doon din ang opisina ko sa labas para mabilis lang ako makakapunta sa kanya kung sakaling may kailangan siya . Maliit lang ang espasyo ng opisina ko pero komportable pa rin akong nakakapagtrabaho doon . Nang makarating na ang elevator sa top floor ay lumabas na ako at tinungo ang opisina ko . Nakita ko kaagad ang sticky note na dinikit ko kahapon sa computer . Oo nga pala may pinapahanap siya na file sa storage room . Kaya yun muna ang una kong gagawin ngayon . Dinala ko ang sticky note at pumunta ng storage room . Tiningnan ko ang nakasulat doon at hinanap ang cabinet kung saan nakalagay ang series ng file na yon . Mabuti na lng ay naka-organize ang mga file . Naka-ugalian ko na kasi dati na i-organize lahat ng mga file sa tuwing ilalagay ko ito sa mga designated cabinet nila . Para mabilis na lng ang paghahanap kung sakali kaya heto nga't nakita ko kaagad ang hinahanap ko . Nahihilo ulit ako kaya tumigil muna ako saglit . Nang mawala ay lumabas na ako sa storage room at ilalagay ko na ito sa table niya . Para pagdating niya ay nandon na . Habang naglalakad ako ay bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo . " Ilalapag ko lang to sa mesa ni sir pagkatapos ay makakaupo na ako " Pampalubag ko sa sarili . Hindi na ako kumatok pa sa pinto dahil alam ko wala pa si Sir Tristan ng ganitong oras . Pero pagbukas na pagbukas ko ng pinto . Napagtanto kong nagkamali ako . Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang 'to dahil sa may sakit ako pero . . . Nasa harapan ko ngayon ang boss ko at ang personal assistant niya . Si Sir Tristan ay nakatuwad sa couch , nakababa ang pants habang si Leo naman ay nasa likuran niya . Ang kakaiba lang dahil ang mga kamay ni Leo ay nakahawak sa mga puwetan ni sir . " Diyos ko . Natuklasan ko pa ata ang sekreto ng boss ko " Bigla akong nanghina sa mga nakita ko dinagdagan pa na sobrang sama ng pakiramdam ko . Nabitawan ko ang dala kong file kaya napatingin sila sa pwesto ko . " Goodness Lucy , Can't you knock ? bakit ka pumasok kaagad ? " dali-dali niyang itinaas ang nakababa niyang pants habang si Leo naman ay natuod sa likuran niya . Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nahihilo na talaga ako . " Lucy , ? " pagalit na tanong ni sir dahil hindi ko siya masagot . " LUCY . . . . ." Rinig kong sigaw ulet sa akin ni sir bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa sahig .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD