Kabanata 2 - 1995, Inosenteng Saksi

1650 Words
Naglalaro si Coreen sa hardin. Naghuhukay siya ng lupa. Tinignan niya ang manika na itinabi niya. Tinantiya niya kung kasya na ito sa hukay na kanyang ginagawa. Humukay pa siya nang kaunti. Kinuha niya ang manika saka ito inihimlay sa ginawang hukay. Pinatungan niya ito ng maliit na bulaklak. Bumuntong hininga siya habang pinagmamasdan ito. Muli niyang binalik ang mga lupang hinukay niya hanggang hindi na makita ang manika. Nauulinigan niya ang pagsigaw ng kanyang lolo. Napatingin siya sa kinaroroonan nito. May kausap siya sa telepono at galit pang ikinukumpas ang mga kamay sa hangin na animong kaharap ang kanyang kausap. Nang makita siya ng kanyang lolo ay kinawayan siya nito. Tumayo na siya at pinagpagan ang kanyang bestida. Binalik niya ang maliit na pala sa pagitan ng mga santan. Pinadaanan niya ng kanyang palad ang mga halaman habang pakanta-kanta ng alphabet song. Nilapitan niya ang Gobernador. “Bakit po?” “Papasyal tayo. Sabihan mo ang yaya mo na paliguan ka.” Mabilis na gumayak si Coreen. Kasunod niya si Manay Gemma pagkalabas ng mansion. Nagsuot ito ng itim na jacket. Natawa ang matanda ng makita siya. “Ano ba naman `yan Hija. Bakit `yan ang napili mong isuot?” “Para pareho po tayo naka-black `Lo.” Nakangiting sagot nito. “Tara na po.” Tahimik ang dalawa sa sasakyan. Nakamasid lang sa labas si Coreen. “Gov., nasundo na po ng bodyguard si Maam Samie.” Napatingin si Coreen sa driver. “Pupuntahan ba natin si Tita Samie?” “Hindi. May kakausapin lang tayo. Tapos mamamasyal na tayo.” Napasuntok sa hangin ang bata sa tuwa. “Yes! Bili tayo ng maraming manika `Lo, ha? Tapos po bili rin tayo ng baril-barilan. Okay lang ba maglaro ako ng baril-barilan?” Natawa ang gobernadora sa kanya. “Oo naman. Hayaan mo at `pag laki-laki mo tuturuan na kitang humawak ng totoong baril.” Nakadama ng excitement si Coreen pero bumalik sa isip niya ang mga madalas niyang mapanaginipan. “`Lo, kapag lahat ba ng nababaril na mamatay?” “Ha? Ikaw talagang bata ka. Ano bang naiisip mo?” Bumuntonghininga siya. “Naisip ko lang. Hindi bale na nga po.” Binaling na lang niya ang pansin siya sa labas. Iiling-iling naman ang kanyang lolo na hindi makapaniwala sa tanong ng apo. Narating nila ang isang bahay sa Bacoor, Cavite. Isa itong barong-barong na pinagtagpi-tagpi. Sinalubong sila ng isang binata na hindi magkandauga-ugaga nang makita si Gobernador. Kunot ang noo ni Coreen na nakatingin dito. “Gob, magandang umaga po. Pasok po kayo.” Tinaas ng gobernador ang kanang kamay bilang pagtanggi sa alok ng bata. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo na siguro kung bakit ako nagpunta dito.” Bakas sa mga mat ani Coreen ang pagtataka sa tinuran ng kanyang lolo. Napunta naman ang pansin niya sa binatang namumuo ang pawis at hindi mapinta ang ekspresyon ng mukha. “Layuan mo ang anak ko. Hindi ka nababagay sa kanya.” “Pero Gob…” nauutal na bigkas ng binata. “Nagmamahalan po kami ni Samie.” “Nagmamahalan?” sarkastikong ulit ng Gobernador. “Tingnan mo nga naman kung gaano kataas ang pangarap mo. Ano bang nakukuha mo sa anak ko? Pera? Kulang pa ba ang pera? Kapag pinaayos ko ba `tong bahay niyo lalayuan mo ang anak ko?” “Pasensya na po kayo Gov. Sa tingin ko po ay wala po kayong karapatang isultuhin ako.” Tiim-bagang na sagot ng binata. “At hindi ko po pineperahan ang anak ninyo.” Hindi sumagot ang gobernador bagkus ay tinawag niya ang kanyang bodyguard. May kung ano itong binulong sa bodyguard. Nanlaki ang mga mata ni Coreen nang dali-dali nitong binugbog ang binata. Humigpit ang kapit niya sa kanyang lolo at itinakip niya ang kanang kamay sa kanyang mga mata. Rinig niya ang pagmamakaawa ng binata. “Tama na po `Lo! Pigilan niyo si Manong!” pagmamakaawa rin ni Coreen habang hinila-hila ang laylayan ng damit ng kanyang lolo ngunit hindi siya nito pinapansin. “Parang awa niyo na po. Tama na po.” Hirap na hirap na bigkas ng binata. Diguan na ang mukga nito at namimilipit na sa mga inabot na pambubugbog. “Tama na po…” Tumingin ang bodyguard sa Gobernador. Tumango ito kaya tinigilan na niya ang pambubugbog sa binata. Dinuruan pa niya ito. Hinigot ng gobernador ang isang sobre na naglalaman ng pera. Inihagid niya ito sa namimilipit na binata. “Una at huling paalala ko na ito sa`yo. Layuan mo ang anak ko o ikaw ang ilalayo ko sa pamilya mo nang tuluyan.” Hinigit na siya ng kanyang lolo palabas ng bakuran. Lingon-likod si Coreen sa binata. Hindi ito makatayo at wari parang patay na sa inabot na pambubugbog. Inabutan ng bodyguard ang mangilan-ngilang kataong nakasaksi sa pangyayari ng mga sobreng naglalaman din ng pera. Nakasakay na sila sa kotse. Pinagmamasdan pa rin ni Coreen ang mga taong binibigyan ng sobre ng pera. “`Lo, bakit hindi mo tinulugan `yong lalaki? Masamang tao ba `yon?” “Oo. Masamang tao `yon. Ang masamang tao pinaparusahan hindi ba?” “Bakit binigyan mo ng pera kung masamang tao?” “Para gamitin niya sa pagbabagong buhay.” “Pati sila? Masamang tao?” turo niya sa mga taong binigyan ng pera ng bodyguard. “Pera `yon `di ba?” Tumango ang kanyang lolo. “Gobernador ang lolo mo. Kailangang tumulong. Hindi lahat masamang tao. `Yang mga `yan kailangan lang nila ng tulong.” Tumango-tango lang si Coreen. --- “Saan mo na naman dinala si Coreen?” salubong sa kanila ng kanyang Lola. “Namasyal kami po. Tapos tumulong sa mga tao.” Sagot ng bata. “Angdaming natulungan ni Lolo.” Hindi naniniwala si Regina dahil nakarating na sa kanya ang ginawa ng kanyang asawa. “Leandro, angbata-bata pa ni Coreen.” “Apo, maglaro ka na muna.” Utos sa kanya ng kanyang lolo. “May pag-uusapan lang kami ng lola mo.” Tinungo niya ang hardin. Tanaw niya ang isang batang nakaupo sa bandang pinagbaunan niya ng mga manika niya. Patakbo itong lumapit sa kanya. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” “Naku! Ellen! Andiyan ka lang palang bata ka.” Humangos na sabi ni Manay Gemma sa anak. “Halika ka nga at ipapakilala kita kay Gobernador.” Bumaling sa kanya ang kanilang kasambahay. “Pasensya na Hija sa anak ko.” Sinundan niya ang dalawa hanggang sa sala. Nagtago siya sa hindi kalayuan upang makinig sa usapan nila. --- “Dito na rin titira si Ellen?” tanong ni Coreen kay Manay Gemma. Nakangiting tumango ang kasambahay. “Buti nga pumayag si Gov.” Gusto lang ikumpirama ni Coreen ang mga narinig niya pag-uusap nila kanila. Ellen Ignacio ang pangalan ng bata. Siyam na taong gulang na ito. Nakiusap ito na pansamantalang makasama ang anak walang mag-aalaga dito. Hiniwalayan niya na kasi ang kanyang asawa dahil sa pambababae nito. “Manay Gemma, pwede kong maging kaibigan si Ellen?” “Oo naman.” “Saan po siya ngayon?” “Nasa kwarto. Kapag ganitong oras ay nag-aaral kasi siya.” Pinuntahan ni Coreen si Ellen sa kwarto ng mga kasambahay. Hindi ito nag-aaral. Nagdo-drawing ito sa kanyang notebook. “Anong ginagawa mo?” “Hindi ka ba marunong kumatok?” masungit ng tanong ni Ellen. Nakakalokong bumalik sa pinto si Coreen at kumatok nang tatlong beses saka ito ngumiti. “Okay na? Ano yang ginagawa mo?” Hindi na niya hinintay ang sagot ni Ellen. Naupo ito sa tabi niya. Napatitig siya sa iginuhit ni Ellen. Pamilyar ang mga ito. Hinablot niya ang sketchpad at tiningnan ang mga drawing sa bawat pahina. Mga babaeng nakahiga na may hawak na bulaklak. Tulad ito ng mga napapanaginipan niya. “Saan mo ito nakita? Anggaling mo naman.” “Sa isip.” Sagot ni Ellen. “Bakit?” “May ipapakita ako sa`yo. Tara.” Hinigit niya si Ellen sa kaliwang kamay papunta sa kanyang kwarto. “Maupo ka muna.” Naupo si Ellen sa kama habang abala si Coreen sa paghahalungkat sa kanyang drawer. Dito niya itinatago ang mga drawing niya na ayaw niyang makita ng iba. Isang folder ang nilabas niya. “Look…” Inisa-isa niyang nilapag ang mga drawing niya. Hawig na hawig ito sa mga drawings ni Ellen. “Anggaling `no? magkamukha ang drawings natin.” Namangha rin si Ellen kahit ang mga drawing ni Coreen ay hindi pa pulido kitang-kitang sa detalye nito ang pagkakapareho sa mga drawings niya. “Imagination mo rin ito?” Umiling si Coreen. “Panaginip ko ang mga `yan.” “Coreen. Apo.” Hindi magkandaugaga si Coreen na ligpitin at takpan ng unan ang mga drawings niya nang marinig niya ang boses ng kanyang Lola Regina. Patakbo niyang binuksan ang pinto. “Lola.” Nakangiti nitong bungad kay Regina. “Bakit po?” “Oh, nagkakilala na pala kayo ni Ellen. Buti at magkasundo kayo. Halina kayo at magdidinner na tayo.” “Tutulong po ako sa paghahanda ng lamesa.” Sabi ni Ellen saka ito dali-daling lumabas ng kwarto patungong kusina. “Sunod na lang po ako Lola.” Sabi ni Coreen. “Bilisan mo ha?” Sinara na ulit ni Coreen ang pinto. Binalikan niya ang mga drawings upang itago muli sa kanyang drawer. Nakasama dito ang sketchpad ni Ellen. Nalimot niya itong dalhin. Natuwa si Coreen dahil mayroon siyang bagong kaibigan. Araw-araw na siyang may makakalaro. Ni-lock niya ang drawer at nilagay sa ilalim ng lampshade ang susi. Napansin niya ang isang pahina ng sketchpad ni Ellen sa sahig. May drawing din ito ng babae na may bulaklak sa dibdib habang nakapikit. “One, nine, eight, five?” Basa niya sa mga numerong nakasulat sa ibaba ng drawing. Kinuha niya muli ang susi saka binuksan ang drawer. Nilagay na niya ang pahina ng sketchpad saka muli itong kinandado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD