bc

Memories of a Murderer

book_age18+
221
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
powerful
independent
confident
bxb
gxg
heavy
kicking
city
like
intro-logo
Blurb

Maganda siya.

Anak ng prominententeng tao sa bansa.

Mapagmahal na kaibigan.

Maalalahaning anak.

Pero paano kung ang kanyang magandang imahe ay may natatagong nakaraan?

May pag-asa pa bang naghihintay sa kanya?

Siya si Coreen at may alaala siyang hinding-hindi niya matatakasan…

chap-preview
Free preview
Kabanata 1- 1995, Coreen Trinidad
Cavite: June 19, 1995 Abalang-abala ang angkan ng Trinidad sa kanilang ancestral house sa Kawit, Cavite. Ipinagdiriwang ang ikapitong kaarawan ng unica hija ng mag-asawang Elrick at Angela. Ang patriyarka ng pamilya ang kasalukuyang gobernador ng lalawigan kaya’t maraming kilalang personalidad ang dumalo. Mula sa kanyang silid ay tanaw ni Coreen ang mga bisitang nagkakasiyahan sa may harden. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi siya masaya kahit kaarawan niya. “`Nak, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo,” tawag ng kanyang mama. “Halika na sa garden.” Tumalima naman siya. Napapakamot siya sa likod dahil nangangati siya sa gown na suot niya. “`Ma, angkati naman ng suot ko,”reklamo nito. “Magpapalit ako agad pagka-blow ko ng candle ha?” Natawa ang kanyang mama. Hindi mahilig magsuot ng gown ang bata. Sa mga espesyal na okasyong gaya nito lang siya napagsusuot ng mga ganoong damit. Nalulungkot rin siya dahil wala ang kanyang lola. Nasa bakasyon kasi ito kasama ang bunsong kapatid. Naglalakad na si Coreen sa red carpet kasama ang kanyang mga magulang. Nakahilera ang mga bata habang pumapalakpak. Nang matanaw niya ang kanyang lola, si Regina Trinidad, tumakbo na siya palapit dito. “Lola! Na-miss kita!” Isang mahigpit na yakap ang binigay sa kanya ng nakatatandang Trinidad. “Angtagal mong umuwi Lola ko.” Kumalas sa yakap si Regina. Pinisil niya ang pisngi ng apo. “Ang apo ko talaga. Angtagal ba ng dalawang buwan?” Tumango-tango ang bata. “Sixty days `yon, Lola! Angdaming tulog at gising n`on!” Hinalikan niya ito sa noo. “Sorry Apo sa paghihintay mo ng sixty tulog at gising.” Napangiti ito nang makitang naniningkit sa tuwa ang bata. “Napatawad mo na ba ang Lola?” Sunod-sunod na pagtango ang tugon ni Coreen. “Lika na po kay Lolo.” Inilapit niya ang bibig sa tainga ng lola. “Baka naha-highblood na siya sa kakahintay sa atin.” Saka ito bumungisngis. Nakatayo si Coreen sa may entablado. Katabi niya ang kanyang mga magulang sa kanan at ang kanyang lolo at lola naman sa kaliwa. Natutuwa ang bata sa atensyong natatanggap niya mula sa mga bisita. Matapos kantahan ng Happy birthday si Coreen ay pinahilera na ang mga bata para sa pagtatanghal ng payaso. Nasasabik ang mga ito dahil maraming papremyo ang ipamimigay! Pero mas nasasabik si Coreen sa mga magic! Sa pinakaharap siya nakaupo. Panay ang kanyang palakpak. Aliw na aliw sa mga rosas na nagiging kalapati. Sa barya na nawawala sa palad ng payaso. Tinawag ng payaso ang isang bata. Pinatayo niya ito sa upuan upang mas makita siya. “Anong pangalan mo?” tanong ng palayo. “Jasmine! Jasmine!” tatalon-talon nitong sagot. “Ako po si Jasmine!” nawalan siya ng balanse kaya napakapit siya sa wig ng payaso. Naagapan naman siya nito kaya hindi siya nahulog pero natanggal ang wig ng payaso! Napahalakhak ang lahat. Namutla naman ang bata dahil ang akala niya ay totoong buhok ang natanggal. Mangiyak-ngiyak niya itong binabalik. Umaarte ang payaso na nasaktan kaya lalong nagtawanan ang mga bisita. Aligaga naman ang bata. Tumayo si Coreen saka lumapit kay Jasmine. Kinuha niya ang wig saka nag-angat ng tingin sa payaso. Naupo ang payaso para maabot siya. Tuloy pa rin siya sa kunwaring pag-iyak. “Stop crying na clown. Ibabalik ko na ang hair mo. Count ka ng hanggang three po.” Game na game din ang payaso sa pag-arte. Pinahawakan niya naman kay Jasmine ang pulang tela na magtatakip sa ulo niya. “Abrah kadrabah magkakabuhok ka na!” kumpas ni Coreen sa mga kamay niya. Sa pagbilang ng tatlo ng mga bisita ay tinaas ni Jasmine ang pulang tela. Umakting naman ang payaso na gulat na gulat na may buhok na siya. Ang mga nakatatandang bisita ang nanguna sa pagpalakpak. “Tadah!!!” Tinaas ni Coreen ang dalawang kamay niya. Tuwang-tuwa siya sa palakpak ng mga bisita. Nag-okay sign siya sa kanyang mga magulang. Tapos na ang pagtatanghal. Kakain na ulit sila. Nagnanakaw ng tingin si Coreen sa katapat na bata, si Jasmine. “Parang nakita ko na siya…” sabi nito sa isip. Hindi niya maalala kung saan pero sigurado siyang nakita na niya ito. Nagitla siya nang may biglang kumalabit sa kanya. “Bakit mo siya tinititigan? May problema ba?” Kumunot ang noo ni Coreen. Nakapameywang kasi ang batang babae na parang galit sa kanya. Hindi niya gusto na mayroon mas maldita sa kanya kaya tumayo rin siya at nameywang. “Bakit ka galit e hindi mo birthday?” Nag-abot lalo ang kilay ng batang sinungitan niya. Maging ito ay nagpipigil ng inis. Mabilis na lumapit si Jasmine. Hinila na niya ito papatungo sa Daddy niya. Hinatid niya ng tingin ang dalawa. Nilingon pa siya ng batang masungit saka siya binilatan. Hahabulin sana niya para gantihan pero tinawag siya ng kanyang lola. Wala na siya sa mood. Ayaw na niyang ituloy ang parte. Nakasimangot siyang lumapit sa matanda. “Oh bakit ka nakasimangot Apo ko?” “Inaway ako nung bata,” sumbong nito. “Gagalit siya Lola, e hindi niya birthday. Bakit siya ganun?” Natawa ang matanda. Pinisil nito ang pisngi ng apo. “Ikaw talagang bata ka. Puntahan natin ang lolo mo.” Hawak-hawak siya sa kamay ng lola niya habang patungo sila sa mesa kung saan nakikipagkwentuhan ang kanyang lolo. Hindi pa sila nakakalapit ay naiinis na siya dahil nandoon din iyong batang masungit. Tuluyan na silang nakalapit. “Lola, siya yung masungit.” Tinuro ni Coreen ang batang nasa tabi ni Jasmine. “She belat me kanina!” “Masama kasi tingin niya kay Jasmine, Tito. At angsungit niya,” sagot ng bata. Natawa ang mga nakatatanda sa inaasta ng dalawa. Marahan siyang iginiya papalapit ng kanyang lolo. “Remember yung hero na kinukwento ko sayo noon?” Tumango ang bata. “`Yung mga pulis po?” “Oo. Isa si PO3 Zandro sa kanila.” Napaangat ang tingin niya sa pulis na tinuro ng kanyang lolo. Nag-abot ang kanyang mga kilay. Biglang kumirot ang ulo niya. “Kapag naging pulis ako huhuliin ko lahat ng kriminal!” Napatakip siya sa mga tenga niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang boses na narinig niya. “Tulad ni Boss Kuya. Gagalingan ko sa pagbaril!” “Lola!” sigaw ni Coreen. “Lola may multo!” Onti-onting dumilim ang paligid niya. --- “Mga kuya, kung uubusin niyo `tong tinda ko uuwi na ako,” sabi ng batang lalaki. “Sige na mga kuya. Tatlo naman kayo. Bilhin niyo na tong mga balut.” “Sige. Bibilhin na namin. Pero umuwi ka na ha? Baka abutan ka ba ng curfew.” “Opo. Uuwi na talaga.” Nang iaabot na ng batang lalaki ang supot na naglalaman ng mga balut at nagtaka si Coreen dahil sa kanya ito humarap. Iniaabot nito sa kanya ang balut. Ngumiti ito sa kanya na lalong pinagtaka niya. Biglang may umalingawngaw na putok ng baril! Bumulakta sa harapan niya ang bata. Nabalikwat si Coreen. “Lola!” Hinihingal itong ginigising ang lola niyang nakatulog na rin sa tabi niya. “Lola, may nabaril! La! Yung bata! Patay yung bata!” “Apo, dahan-dahan. Huwag kang magkikilos agad.” Hindi magkamayaw ang kanyang lola sa pagpapakalma sa apo. “Panaginip lang `yon Apo ko. Sshhh…” Makailang beses na umiling si Coreen. “Hindi po. Binaril yung bata, Lola ko.” Humagulgol na siya. “Binaril yong bata. Angdaming dugo!” Niyakap ni Regina ang apo. “Tahan na…” Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. “It’s just a dream. Hindi ‘yon totoo.” “`La, huwag kang aalis ha? Dito ka lang ha?” “Uh uhm. Dito lang ang lola.” --- Sa mahabang mesa sa harden nag-almusal ang pamilya. Tila may namumuong tension sa presensya ng mga anak ni Leandro sa iba’t-ibang babae. Walo ang anak ni Leandro. Sina Leon, Rio, ang kambal na Solly at Sally, Edwin, Elrick, Evelyn at ang bunsong si Samie. Hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito. “Matatanda na kayo, hindi pa rin ba kayo nagkakasundo?” Maotoridad na sabi ni Leandro. “Bakit parang hindi kayo magkakakilala?” “Kaya ba ayaw mong kasabay ang mga apo mo sa almusal ay para pagalitan na naman kami? Matatanda na kami `Pa. Chioce na naman kung hindi kami mag-usap,” pagrarason ni Leon. “Ganyan din ba ang ituturo niyo sa mga anak niyo?” tiim-bagang na sabi ni Patriarka. “Evelyn bakit wala ka sa kahapon?” “May inayos ako sa negosyo ko `Pa. Mag-celebrate na lang kami ni Coreen next time.” “Sino ‘yung kasama mo sa mall?” nang-uuyam na tanong ni Leon sa kapatid. “Bakit hindi mo pa ipakilala sa amin?” “Oh akala ko ba choice natin na hindi magpansinan? Bakit nakikialam ka sa buhay ko, Kuya?” sinadya niyang maging sarkastiko sa tawag dito. “Ipakilala mo siya sa akin,” sabi ni Leandro. “Ayokong nakikipag-date ka kung kani-kanino.” “It’s not even a date.” Iiling-iling na sabi ni Evelyn saka muling kumain. “He’s just her colleague,” pagtatanggol ni Elrick dito. “`Pa, don’t worry she’s not ditching the wedding. Right, Eve?” “Whatever. May choice ba ako?” inis na sagot nito. Bumaling siya kay Samie, ang bunso nilang kapatid. 16 years old pa lang siya. Anak siya ni Leandro sa isang artista. “Kumain ka lang Neng, ganito talaga ang pamilya natin. Walang amor sa isa’t-isa.” Hindi nga naman ordinaryo ang pamilya nila dahil iba-iba ang kanilang magulang. Bukod pa dito ay si Leandro ang masusunod kung sino ang karapat-dapat mapangasawa nila. Ganito sila pinalaki ng matandang Trinidad. Siya ang batas. “Nga pala Elrick, kinunsulta mo na ba sa specialista si Coreen?” Makahulugang tanong ni Leon. “Hindi niya kailangan `yan.” Otomatikong sagot ni Elrick. “Ang pagtuunan mo ng pansin ang ang anak mo. Huwag mong pakialaman ang anak ko.” “Concern lang ako sa image ni Papa. Hindi makakaganda sa imahe ni Papa kung mayroon siyang apo na nababaliw. Kaya habang bata pa lang agapan na. Hindi ba `Pa?” Napalo ni Elrick ang mesa. “Hindi baliw ang anak ko!” --- Ayaw makihalubilo ni Coreen sa mga pinsan niya. Mas pinili niyang manatili sa kwarto. Katatapos lang niyang kumain nang pumasok ang kanyang daddy. “Bakit hindi ka nakisabay sa mga pinsan mo?” Nakaramdam ng takot ang bata dahil sa tono ng pananalita ni Elrick. “Natatakot akong lumabas po.” “Bakit? Ano na naman ba `to Coreen? May multo na naman? May pinatay na naman?” Hindi unang beses na nagkukwento ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari si Coreen. Mula nang natuto itong magsalita ay madalas siyang magsabi sa mga magulang na nakakakita siya ng mga pinapatay. Wala sa loob na tumango ang bata. “Daddy, maniwala ka may nakita akong pinatay…” Naiiyak na naman nitong sabi. Gigil na hinawakan ni Elrick sa mukha ang anak. “Huwag na huwag mo nang babanggitin ang mga bagay na yan. Naintindihan mo?!” Iyak ang naging tugon ng bata. Dumausdos ang luha sa mga mata niya. “Daddy…” “Sagot!” Nagitla ang bata sa sigaw ng ama. Siya ring pagpasok ng mommy niya. Agad niyang tinulak si Elrick saka niyakap ang anak. “Ano ka ba Elrick?! Bakit mo sinasaktan ang anak mo?!” “Wala akong anak na baliw!” Akmang aalis ang lalaki ngunit napigilan siya ng asawa. “Ano? Pupuntahan mo na naman ang kabit mo?!” Tiim-bagang na winaksin ni Elrick ang kamay ng asawa. Dinuro niya ito. “Huwag mo akong papakialaman.” Nagtakip ng tainga si Coreen. Hindi niya alam kung bakit nag-aaway ang mga magulang niya pero pakiramdam niya ay siya ang dahilan. Tumakbo siya palabas ng kwarto. “Lola! Lola ko!” Hindi niya alam kung saan niya hahanpin ang lola niya sa laki ng ancentral house. Mabilis ang kanyang takbo sa pababa ng hagdan. “Lola ko!” Naisip niyang baka nasa mini office ang kanyang lola kaya doon siya tumungo. Bago pa man din siya kumatok ay narinig na niyang nagtatalo ang lolo at lola niya. “Hindi nababaliw ang apo ko!” Ang lola niya ‘yon. “Bata pa siya. Marami siyang napapanaginipang hindi niya maintindihan.” “Ikonsulta na ntin siya sa espisyalista.” Rinig niyang sabi ng lolo niya. “Nakakahiya Regina kung malaman ng mga kaalyado ako na may apo akong baliw.” “Baliw ba ako?” sabi nito sa kanyang isip. Kakatok na sana siya pero nahawakan siya sa kamay ng kanyang mommy. Hinaplos siya sa pisngi ni Angela. “Gutom ang mommy. Sabayan mo akong kumain? Piggy back ride sa mommy? You like?” Pinahid ni Coreen ang mga luha niya. Tumalikod ang kanyang mommy saka siya sumampa sa likuran nito. “Angbigat na ng prinsesa ko.” Sumandig si Coreen sa balikat ng mommy niya. “Mommy, baliw ba ako?” “Hindi `Nak. Huwag mong pansinin ang daddy mo. Pagod lang `yon sa trabaho.” Nasa kusina na sila. Pinagluto ni Angela ang anak ng paborito nitong chicken noodles. Ito kasi ang palagi niyang request. Lalagyan lang niya ng itlog. Natutuwa na ang bata. Sa ganoong tagpo sila naratnan ni Regina. “Lola ko…” Bumaba ng upuan si Coreen at yumakap sa lola. “Bakit mugto ang mata ng apo ko? Sinong nagpaiyak sa’yo?” “Daddy and Mommy.” Napatingin si Regina sa kanyang manugang. “Nag-away kayo sa harap ng bata?” “It’s unavoidable, `Ma. Sinasaktan niya si Coreen. Kailangan kong pumagitna. And the rest. Same old reasons.” Matagal nang alam ni Regina na walang pinagkaiba si Elrick sa kanyang ama. Kaya ganun na lang ang awang nararamdaman niya sa manugang dahil pinagdaanan na niya ang pinagdadaanan nito ngayon. Gustuhin mang makipaghiwalay ni Angela kay Elrick ay hindi niya magawa dahil masisira ang imahe ng pamilya sa publiko. Parehong-parehong rason kung bakit hindi iniwan ni Regina si Leandro kahit paulit-ulit ang pambababae nito. Sinaluhan niya ang mag-ina. “Lola ko, naniniwala ka sa akin po? Totoo yung mga nakita ko.” “Oo naman. Naniniwala ang lola sa’yo. Kapag malaki-laki ka na ikokonsulta natin yan sa expert para maliwanagan ka.” “Expert? Ano ‘yon, Lola ko?” Nagkatinginan sina Regina at Angela. “Expert sa mga panaginip. Itatanong natin kung ano ang ibig sabihin ng mga napapanaginipan mo,” paliwanag ni Regina. “Lola ko pwede rin itanong sa expert kung sino ang magulang ko?” “Princess, kami ang magulang mo. Kami ng Daddy Elrick mo.” Sandaling natahimik si Coreen. Umiling ito. “Sinasabi ko sa inyo. May iba akong magulang. Lola ko, masasagot ng expert ‘yon?” “Huh? Oo naman. Masasagot niya lahat.” Bumalik ang sigla sa mga mata ni Coreen. “Yes! Gusto ko makakita ng expert! Mommy, gusto ko maging friend si Jasmine. Remember the kid sa birthday ko?” “Oo naman. Gusto mo sila makilala ni Nicole?” Sandaling nag-isip si Coreen. “Nope! Jasmine lang. That Nicole is masungit. She made belat. I hate her.” “It’s bad to hate someone, Apo. Nicole is mabait. Remember the police hero who died? `Diba idol mo siya? Daddy niya ‘yon.” “Dead na ang daddy niya?” “Oo apo. Dapat i-friend mo siya kasi idol mo ang daddy niya diba?” Bumuntong-hininga siya. “Kawawa naman siya. Hmm. Sige… ifi-friend ko na lang,” bulong ulit ng kanyang isip. “Mommy, Ifi-friend ko na sina Jasmine and Nicole. Mabait na akong bata pag gano’n mommy?” Natawa sina Regina at Angela. Niyakap ni Angela ang anak mula sa likuran. “Ikaw talagang bata ka. Mabait ka naman e. Angbait-bait ng Prinsesa namin.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.4K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

Stubborn Love

read
98.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook