"Kiko, napatawag ka?" Binagsak ko ang katawan sa kama ng guest room nina Kairee. Mula ng madulas ako about sa pag-aasam kong mahalikan siya ay nanatili na akong nakakulong sa guest room. Umurong bigla ang dila ko't nawala ang kapal sa pagmumukha ko. Para iyong nasunog at tanging init na lang sa pisnge ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ang nangyari kanina. "Na sa Cebu iyong mommy mo?" tanong ni Kiko sa kabilang linya. Lately, napapadalas ang pag-call niya sa 'kin; wala namang kabuluhan ang mga sinasabi niya. Tinitigan ko ang mala-ulap na kisame; sumulyap ako sa bintanang hinahangin ang kurtina, tirik pa ang araw samantalang mag a-alas-kwatro na. "Oo bakit?" Tinuro ko ang kisame, in-imagine na may mga bitwin doon at binibilang ko kunwari. "Nasaan ka?" tanong ni Ki. Umupo ako't su

