"This is a jogging date." Chill akong tumatakbo since mabagal lang ang bawat hakbang ni Kairee. Sa wakas nga ay ina-adjust niya na ang bilis niya para hindi ako masyadong mahirapan sa pagsabay. "What?" Sumulyap siya sa 'kin sabay punas ng pawis sa sentido niya. Kanina pa kami paikot-ikot sa village. Hingal na ako pero 'pag siya ang kasama, ayos lang kahit takbuhin pa namin ang buong mundo. "Ang sabi mo kanina 'what ever you call it'." I chuckled. "I call this a jogging date. Ikaw ha! Talagang jogging ang gusto mong first date natin." Binunggo ko ang braso niya pero ako pa ang muntik ma-out of balance. Huminto ako sandali saka bumuga sa hangin. Pinagmasdan ko ang likod niyang hindi huminto sa pagtakbo. I smiled saka siya hinabol at sinabayan ulit. "You didn't disagree so date nga 'to?"

