"Ah... Si Kairee po?" Bahagya akong yumuko, parang nanghuhusga iyong babae sa titig niya sa 'kin. "My brother? Kanina pa siya umalis. Why? What do you need from him?" Napatingin ako sa emerald eyes niya. Kaya pala pamilyar, kahubog niya nga ang mga mata ni Kai. Tumingin ako sa relos ko. Ang aga niya namang umalis; masyadong maaga. "Gano'n po ba, sige salamat. Pasensya na sa abala." "Why are you looking for him? What do you need?" "Ah... wala po, minsan lang sabay kaming pumasok." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Sabay? Why is that?" Tumaas ang isang kilay niya, parang nang-uusisa. "Magkaibigan po kami." "What's your name?" "Shazmin po." "Shazmin." Tumingin siya sa itaas, nag-iisip. "He never mentioned you to me." She shrugged. "Anyway, nakaalis na siya kanina pa. He should hav

