"Ipagluluto mo ulit si Kairee?" tanong ni mommy nang makita niya 'kong pababa sa hagdan. Ngumiti ako habang kinukusot ang mga mata; ang bigat pa ng talukap ko't parang gusto ko pa actually bumalik sa kama. Ang lamig kasi ng air-con, parang tinatawag tuloy ako ng pahinga. "Pancake lang, mommy, pang-dessert." Tumawa ako. Pass na muna ako sa mga may talsik-talsik na mantika. Nakadagdag pa ang ointment sa skincare routine ko dahil sa dami ng talsik sa palapulsuhan ko. Dumiretso ako sa kusina saka hinanda ang mga kailangan. Kahit papaano naman ay alam ko kung paano gumawa ng pancake; iyon ang paborito kong almusal sa tuwing wala si mommy't abala sa trabaho. "Oh bakit? Ayaw mong subukang magluto ulit ng ulam?" Pinanuod ako ni mommy maghalo ng itlog at gatas sa pancake flour. "Next time na

