"O'saan ka na naman pupunta?" tanong ni mommy nang makita niya 'kong palabas ng bahay. "Mommy, sisilipin ko lang si Kai." Kaninang umaga pa 'ko kating-kating puntahan si Kairee. Nakapagpigil ako hanggang tanghali; pagdating ng hapon talagang nilamon na 'ko ng curiosity kung kamusta na ba siya. "Iyan ka na naman, ta's gabing-gabi ka na naman uuwi ha. Sunday na Sunday, Shazmin." "Hindi, mom. Sisilip lang talaga 'ko. Mangangamusta lang, promise." "Edi kamustahin mo siya sa chat, hindi ba pwede iyon?" Bumuga ako sa hangin. Kanina pa 'ko nag-text kung kamusta na siya; bawat tunog ng phone ko, sinisilip ko, panay tuloy ang bagsak ng balikat ko kanina dahil hindi naman galing kay Kai ang notifications; wala akong natanggap kahit isang reply mula sa kanya. "Mas maganda sa personal, mom pa

