"If that's what you think." "Nagpaalam naman ako kay mommy na hindi ako uuwi, so pwede akong mag-stay sa 'yo." Ngiti-ngiti ako. Tumango siya. "Diretso na ba tayo ro'n o may gusto ka pang daanan?" "Daanan? Ano bang pwedeng daanan? Sinong dadaanan?" "I don't know. We can eat." "Kakakain lang natin pero hindi kita tatanggihan." I chuckled. "Busog ka pa ba?" "Hindi." Umiling ako. "Nabitin nga 'ko sa pagkain doon kila Rimuel. Tara kain tayo." "Where?" "Parang gusto kong mag-Korean food." "Samgyupsal?" "Pwede ba? I mean gusto mo ba?" Tumango siya, niliko ang steering wheel papasok sa kaliwang kanto. Banat na banat na iyong pisnge ko sa pagngiti hanggang sa pinarada niya iyong sasakyan sa tapat ng isang sikat na Korean restaurant. Buti na lang ay may malapit, hindi na malayo iy

