"Si Kai na lang tanungin mo about diyan." Nag-alangan akong tumawa. "Damot! Kai wouldn't open up to me. Ikaw na lang mag-share, what really happened? Bakit nag-ala boksingero iyong tahimik na lalakeng iyon?" "Si Kai na lang talaga tanungin mo. Hindi na 'ko komportableng pag-usapan iyon eh." She pouted. "Ow okay pero may something na ba sa inyo ni Kai?" "Wala." Napangiti ako, mukha bang may something sa amin? Pang-ilan na siyang nagtanong sa 'kin. May iba pang lumapit sa 'kin noong minsan, hindi ko kilala, tinanong kung boyfriend ko ba si Kairee. "Weh? Iyong totoo?" Nang-iintriga ang mga mata niya. "Wala nga talaga. Ewan ko. Wala naman kaming napag-uusapan na gano'n." "Pero nag-s*x na kayo?" Lumuwa ang mga mata ko sa kanya. "No. Hindi." Nagtunog defensive ako. "Aminin." Ngumisi s

