bc

Cassandra's Love

book_age18+
89
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
self-improved
bxg
lighthearted
small town
first love
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal at nasaktan, iyan si Casandra. Tinatanong niya ang tadhana kung bakit kailangan pa niyang maranasan ang magmahal at masaktan sa dalawang lalaki na nagdaan sa buhay niya, at siyang magtutulak sa kanya na mawalan nang pag-asa na mag mahal muli.

Pero paano kung kailan masaya at nakalimot na siya sa pait ng mga nakaraan, ay saka naman muling babalik ang dalawang lalaki na nanakit sa kanya. Handa ba siyang tangapin ang mga ito sa kabila ng mga sakit na pinaramdam nila sa kanya?

Kung ikaw si Candra, sino ang pipiliin mo?

Ang unang lalaki na minahal mo noon, at nanakit sa'yo ng labis, O 'di kaya naman ang lalaki na nagmahal sayo at ama ng anak mo na hindi ka nagawang ipaglaban noon sa mga magulang nito. O ang kaisa-isang lalaki na handa kang tanggapin ano man ang nakaraan mo at kaya kang mahalin ng buong puso kasama ng iyong anak?

Handa ka bang sumugal at mag-tiwala muli sa ngalan ng pag-ibig? O hahayaan mo na lang na lamunin ng takot ang puso mo na dulot ng mapait na kahapon?

Tunghayan ang kwento ng pag-ibig ni Casandra, kung paano siya babangon at lalaban sa malupit na hamon ng buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Nag-mistulang maamong tupa si Cassandra habang sinesermunan ng kanyang ama. Nakatungo at upo lamang siya sa isang sofa sa sala ng bahay ng kanyang lola. Kagagaling lang nila sa school para kausapin ang guidance counsellor dahil matapos ang sampung araw niyang pagka suspinde sa klase ay nasangkot na naman ulit siya sa awayan ng dalawang grupo. They give her so many chances but still, she can't help herself to get away into trouble. Exclusion ang hatol sa kanya, wala na silang magagawa dahil sa dami ng nakasangkutan niyang gulo sa iskwelahan. Masuwerte na at umabot pa siya ng tatlong buwan. "Cassandra. Naririnig mo ba ako?" Kalmado pang tanong ng papa niya. "Opo papa." "Hindi ka ba nahihiya, anak? Third year ka pa lang at tatlong buwang pumapasok, pero dalawang beses ka nang na suspinde, hindi ka naman ganyan noong first year at second year ka. Ano bang nangyayari sayo?" Kalmado ngunit may diin sa bawat salitang binibitiwan ng kanyang ama. "Ilang beses kaming ipinatawag sa school dahil diyan sa kasutilan mo? Hindi na mabilang, Cassandra!" Napaiktad pa siya sa biglaang pagtaas ng boses ng kanyang ama. "Kailangan pa ba talaga na umabot sa ganito na ma-kicked out ka, ha?" Napalunok siya, pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya. Pero hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil aminado siya sa mga kamalian niya at wala man lang siya maramdaman ni katiting na pagsisisi, mas nangingibabaw ang takot sa kanyang ama. Sino ba naman ang hindi matatakot sa taas nitong six footer at malaki pa ang katawan, baka isang sampal lang nito sa kanya ay ma-comatose na siya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa ama na nakapamewang sa harap niya at halata sa muka nito na nagpi-pigil lamang ng galit. "N-nakiawat lang n-naman po ako, p-papa," pautal niyang dipensa sa sarili. Nakita niya ang pag-kunot ng noo nang ama, tanda ng hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Nag igting ang panga ng kanyang ama. "Nakiawat pero nakisapak ka rin? 'Yon ba ang awat sa'yo Cassandra?!" Tuluyan na itong nagalit. Hindi pa naman siya pinagbubuhatan ng kamay nito kaya medyo nabahala siya dahil baka ito na ang una. "Bakit ba, hindi mo kayang umiwas sa gulo, Cassandra? Kababae mong tao! Hindi ko man lang naranasan sa mga kapatid mo ang sumakit ang ulo noong na sa high school pa sila, pero sayo! Dinaig mo pa ang mga kuya mo!" "E-eh, pah... Nakita ko kasi hinampas ng bag sa muka si Alice at Joan, kaya 'ayon pa-" "Kaya sumali ka na rin? Ganoon ba Paula? Hindi porket nakita mong nakikipag-away ang nga kaibigan mo, makikisali ka na rin. Tinuruan ba kita na manakit ng kapwa at makipag basag-ulo!?" Agad siyang umiling. Sadiyang lapitin lang siya ng gulo. Bukod tangi kasi ako pa, aniya sa sarili na lang. Galit na talaga ang papa niya dahil dalawang pangalan na niya ang tawag nito sa kanya. Cassadra at Paula na ito kaya tinutubuan na siya ng takot. Sigurado siya kapag buong pangalan niya na ay baka jombagin na siya nito. "Self defence lang po 'yon, pa." Dipensa niya. "Self depence pa ba 'yon? Sa grupo niyo bangas lang ang inabot niyo. Pero halos may mapilayan at na ospital sa mga naka-away niyo? Paano kung magreklamo ang mga magulang nila at ipadampot kayo ng mga kaibigan mo sa DSWD? Sabihin mo nga Paula, may magagawa ba 'yang rason mo?" "S-sorry po, papa." hingi niya ng paumanhin. "Hindi ko na ito mapapalampas ngayon, Paula." "Tama na 'yan Sandro. Pagpahingahin mo na muna ang apo ko... kita mo na nga may bangas pa sa muka, pinagagalitan mo pa. Saka na kayo mag-usap kung hindi na mainit ang ulo mo," to the rescue naman ang lola niya at nilapitan pa siya. Sinuri nito ang muka niya at mga kamay. May pag-aalala siya nitong tinignan. "May masakit pa ba sa'yo apo, maliban diyan sa muka mo?" Napalabi na lamang siya at umiling. Nasulyapan niya ang ina na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Kita sa muka nito ang pagka-disgusto sa pagtatanggol ng kanyang lola. "Kaya ganyan 'yan ma, eh! Lalong lumalaki ang ulo dahil lagi niyong tino-tolerate ang mga kalokohan niya. Hindi 'yan nagtitino dahil lagi kayong nandiyan para ipagtanggol siya. At saka, Ma. Sino ang hindi magagalit sa ginawa niya? Hindi ba ako dapat magalit dahil siya ang dahilan kung bakit nag-dropped out ang isa niyang classmate? Dahil sa trauma na idinulot nila ng mga kaibigan niya?" Pinuno niya ng hangin ang bibig, guilty naman siya doon, malay ba niyang ma-trauma ang classmate niya dahil sa simpleng pambu-bully nila. "Siya rin ang nagdala ng oujia board at utak sa paglalaro nito. Dahil 'don maraming nabulabog na nanahimik na kaluluwa, napakalaking pinsala ang ginawa niya, ma." Hindi siya makatingin ng diretsiyo sa mga mata ng kanyang ama. "Naisip mo ba Cassandra na sa Catholic school ka nag-aaral!?" Patuloy at madiin ang bawat salitang binibigkas ng kanyang ama. Napakagat labi na lamang siya. Dahil hindi nagustuhan ng lola niya ang sinabi ng kanyang papa. . "A-at ano naman ang gusto mong gawin ko, ha, Sandro? Pagalitan ko rin ang apo ko dahil galit kayo sa ginawa niya?! Hindi ba puwedeng kausapin ng maayos at maalumanay ang bata? Hindi tama na pagalitan mo ang anak mo ng hindi naririnig ang paliwanag niya, lahat na lang isinisisi niyo sa apo ko." Napahilot na lang sa sintido ang papa niya. "Ma, alam natin pareho na hindi na nadadaan sa mabuting usapan ang anak ko dahil diyan sa pangungunsinti niyo." Kahit galit na ang ama ay magalang parin ang pag-sagot sa lola niya. "At ano ang gusto mong palabasin? Na kunsintidor ako? Tumigil ka na, Sandro. Sumasakit ang dibdib ko!" Agad naman lumapit ang mama niya para aluhin ang lola niya. Sumisenyan din ito sa asawa na tumigil na pero hindi nakinig ang papa niya. "Hindi naman sa ganon, ma. Ang sinasabi ko lang kaya ganyan ang anak ko dahil wala kayong nakikitang mali sa mga ginagawa niya, lahat sainyo tama!" Pakikipag-talo ng kanyang ama. Gusto na niyang maiyak dahil nagi-guilty siya na siya ang dahilan kung bakit nagbabangayan ang papa at lola niya ngayon. "Hindi totoo 'yan, tumahimik ka. Mabait ang apo ko, hindi totoo ang mga pinaparatang niyo sa kanya," pagtatanggol ng lola niya sa kanya. "Ma, tama na po. Baka ano pa po ang mangyari sainyo. Pag pasensyahan niyo na po si Sandro," paumanhin naman ng mama niya. Ilang sandali silang natahimik pero hindi niya inaasahan ang sumunod na sasabihin ng kanyang papa. "Tumayo ka na diyan, Paula. Pinal na ang disisyon ko. Pumasok ka sa kwarto mo at mag-empake ka na. Uuwi tayo sa baryo at duon kana titira." Napahigpit ang yakap niya sa kanyang lola. Hindi niya ata kayang malayo sa kanyang lola dahil halos ito na ang nakasama at nag-alaga sakanya mula pa ng walong taong gulang siya. "Lola-" paghingi niya ng saklolo dito. "Hindi sasama ang apo ko. Kung gusto niyo ang umalis, maluwang ang pintuan. Umalis na kayo pero maiiwan ang apo ko dito sa pamamahay ko!" maawtoridad na pahayag ng lola niya habang nakayakap din ito sa kanya. Napabuntong hininga ang kanyang ama at dahan dahan itong lumapit sa harap ng kanyang lola at lumuhod ito para pumantay. Humawak ang ama niya sa kamay ng kanyang lola. "M-ma. Utang na loob. Kahit ngayon lang, hayaan niyo naman na ako at ang asawa ko ang magdisiplina sa anak ko. Hayaan niyo naman kami na mag disisyon para sa kanya," pakiusap ng kanyang ama. Pinagmasdan niya ang muka ng kanyang lola, naninimbang ito. Nakita niya rin ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. "Please, ma." Baghari ang katahimikan ilang sandali pa ang nakalipas bago nagsalita ang kanyang lola. Huminga muna ito ng malalim bago tumingin sa kanya. Hinalos nito ang buhok niya at saka tipid na ngumiti. "Sige, pumapayag ako. Basta maipapangako niyo na kahit ano man ang mangyari hinding-hindi niyo siya pagbubuhatan ng kamay. Sa oras na malaman ko na sinasaktan niyo siya. Hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sa inyo ulit." "M-ma, naman. Anak ko 'yan hindi nam-" "Nagkakaintindihan ba tayo, Sandro?!" Putol at madiing pahayag ng kanyang lola sa sasabihin dapat ng ama. "Opo ma,"sagot ng kanyang papa. "Lalo ka na Carlota, alam mo ang dahilan kung bakit ayoko ibigay si Cassandra sa inyo." Nakita niya ang hiya sa muka ng ina. Na gu-guilty parin ang mama niya sa nagawa nito noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Marahil na rin siguro sa likas na rin ang pagkasutil niya ay nakatuwaan niyang gamitin ang tsinelas ng ate niya para pamato sa bunga ng santol sa harap ng bahay nila. Sa halip na mahulog ito kasama ng santol ay nasabit ito sa mga sanga at na-stocked doon. Umiyak ng umiyak ang ate niya at nagsumbong sa noon ay nagsasampay nilang mama. Dala na rin siguro ng pagod sa gawaing bahay ay nagalit ito at hindi na napigilang paluin siya ng hanger ng ilang beses. Hindi ito tumigil hanggang hindi nagkaputol-putol ang plastik na hanger. Mabuti na lang at nakita sila ng kanyang tiyahin at lola. Pinagsabihan nila ang mama niya, magmula noon ay hindi na siya hinayaan ng lola niya na tumira pa siya sa puder ng kanyang mga magulang. "O-opo, mama," mahinang sagot ng mama niya. "Apo ko- ,sumama ka na kila papa mo muna. Tulungan mo na ang mama mong maghanda ng mga gamit mo," mabigat sa loob nito ang mga sinasabi. "Lola...ayaw ko po doon. Dito na lang ako lola. Promise po magpapakabait na ako," pakiusap niya, ngumiti ang lola niya pero hindi iyon umabot sa tenga. Ramdam niya na ang mabigat na nararamdaman ng lola niya. Hindi sa ayaw niyang makasama ang mga magulang at mga kapatid niya dahil kahit nakatira siya sa lola niya ay papa's girl pa rin siya. "Huwag na matigas ang ulo, apo. Dadalawin naman kita doon, o 'di kaya, kayo ng papa mo ang dadalaw dito," pagpapagaan nito ng loob niya. "Pumasok ka na sa loob at tulungan mo na ang mama mo." Utos nito. "Opo. 'La," tipid niyang sagot. . Mabilis lang sila nakapag-impake ng mga gamit niya, halos maiyak siya ng makita na halos wala ng natirang gamit sa mga aparador niyang pinasadya pa ng kanyang lola para sa kanya. Wala talagang makakapigil pa sa pag-alis niya. Palabas na siya sa balkunahe ng bahay ng maabutan niyang masinsinang nag-uusap ang papa at lola niya. "Saan mag-aaral ang apo ko, Sandro?" tanong ng kanyang lola. "Doon na lang po sa Public High School sa baryo, ma. Makiki-usap na lang ako kay Nancy kung puwede pa bang makahabol si Cassandra." "Eh, iyong madaliin, nang sa ganon makapasok pa ang apo ko," "Opo, ma. Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala. Mamaya ay sasadyain namin ni Carlota si Nancy para maayos ang mga papel ni Cassandra." "Mabuti naman. Ang mga bilin ko, Sandro." Nakita siya ng lola niya kaya agad siya nitong nilapitan. "Magpapaka-bait ka roon apo ko, ha! Wala ako doon para maipagtanggol ka," bilin nito sa kanya. Mahal na mahal talaga siya nito. Umiling na lang ang mama at papa niya sa sinabi ng lola. Para kasing mga kaaway ang turin nito sa lagay ng pagbibilin sa apo. Nang naisakay na lahat ng ama niya ang mga gamit niya sa likod ng sasakyan nila ay nag paalam na sila para hindi gabihin sa daan. Tahimik lang siya sa buong biyahe, sasagot lamang siya kung may itinatanong ang ama at ina. Iniisip kasi niya ang mga kaibigan niyang naiwan at kung papaano siya mag pa-punction gayong wala ang lola niya para gabayan siya. Napakatamad pa naman niya sa gawaing bahay. Nasanay na kasi siya na ang lola ang laging gumagawa noon. Good luck self sa bago mong invironment. Sana magbago na ako. Parang tanga niyang sabi sa sarili. Alam niya kasing malabo pa sa milo na mangyayari iyon. Ano na lang ang mangyayari sa kanya ngayon at ang parents niya ang makakasama sa araw-araw? Ayaw pa naman ng papa niya ang tatamad-tamad at walang alam sa gawaing bahay. Wala naman siyang talent sa paglilinis. Bahala na Self, kaya natin 'to, daanin na lang natin sa lambing sila papa at mama . . kausap niya sa sarili. Tipikal na Cassandra.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.7K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
75.2K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
43.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.1K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
30.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook