Chapter Three

2216 Words
MAAGANG nagising at naghanda si Cassandra para sa unang araw niya sa bagong paaralan. "Handa ka na ba, anak?" tanong ng ama niya ng makita siya nito. Hindi muna siya nag-uniform dahil wala pa naman siya 'non. Kaya simpleng itim na t-shirt at itim ding pantalon lang ang suot niya na pinarisan niya ng puting converse shoes. "Opo, Papa." "Tara na, at ihahatid kita. Ang mga kapatid mo ay ihahatid na lamang ng kuya mo," sabi ng ama. Napangiti na lang siya pakiramdam niya ay napaka espesyal niya dahil ihahatid pa talaga siya ng ama. Nang makapag paalam sila sa kanyang mama ay saka sila umalis. Habang sana biyahe ay binilinan siya ng papa niyang parang bata kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. Hindi na lang siya nagreklamo dahil ayaw niyang iringan siya nito, unang araw pa naman ng pasok niya. Mabilis lang nilang narating ng school, ipinarada ng kanyang ama ang motorsiklo sa parking lot sa loob ng campus. Iginala niya ang paningin sa paligid, malawak ang paaralan, at sa likod nito ay sagingan at malawak na maisan na. Mas maliit lang ito kumpara sa dati niyang pinasukang private school. May tatlong buildin na may tatlong palapag din na classrooms at malaking gymnasium. -Not bad- kumento niya. Marami nang mga studyanteng tulad niya na nagkalat sa loob ng school campus at pinagtitinginan sila lalo na siya. Sinabayan niya ng lakad ang papa niya sukbit ang maliit na itim na Jansport backpack sa kanyang balikat. Tinungo nila ang principals office kung saan naroon ang pinsan niya. Bawat madaanan nila ay napapatingin sa kanila, marahil bagong muka lang siya dito kaya nasa kanya ang atensiyon ng bawat isa. Pumasok sila ng principal office. Agad naman nilang nakita ang pinsan niya na nakaupo. Tumayo ito mula sa upuan at bumati sa kanila. "Good morning po, uncle." Nakangiti ito. "Good morning din sa'yo pinsan." "Good morning din po ate, este Ma'am Nancy po pala," aniya. Mahina itong natawa. Pinsan niya ito sa side ng kanyang papa, medyo close niya rin ang pinsan niyang ito dahil nakakasama niya na sa mga family gatherings nila. "Ano ka ba!? You can call me Ate kung tayo-tayo lang," anito. Tumingin ito sa kanyang ama. "Ikaw na ang bahala sa pinsan mo, Nancy. Kilala mo naman ang batang ito, kaya alam mo na ang gagawin kung nagpapasaway dito." Napalabi siya sa sinabi ng papa niya. "Oo naman po, uncle. 'wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala kay Cassandra," anito at nilapitan siya para akbayan. "O. Siya. Aalis na ako, susunduin ko na lang ito mamayang hapon," paalam ng papa niya. "Sige po, ingat po uncle." "Cassandra, ang bilin ko anak. Umiwas sa gulo hangga't maari. Last resort mo na ito." Hindi niya alam kung binabantaan ba siya ng papa niya? Natawa lang ang ate Nancy niya sa sinabi ng kanyang ama. Pinagmasdan nila ang papa niyang paalis, nang wala na ito ay saka naman siya binalingan ng ate Nancy niya. "Sinabi ng papa mo kung bakit ka na expelled. Hindi kita huhusgahan, kaya sana naman hindi na mangyari pa uli 'yon dito. Gusto kong makapagtapos ka pinsan sa pag-aaral mo. Kaya tulad ng sabi ng papa mo, umiwas ka sa gulo ha!?" anito. Tumango siya. "Opo, ate," tipid niyang sagot. "At kung may problema ka, ma pa school man 'yan o personal, puwede mo akong kausapin. Pagusapan natin, ha! Makikinig ako," anito. Nagagalak siyang may taong handa at gustong makinig sa kanya sa kabila ng bad records niya. "Gusto mo bang maglibot muna?" tanong nito sa kanya. Nginitian niya ang pinsan at saka umiling. "Hindi na ate, puwede po bang dito na lang muna ako sa'yo?" magalang niyang tanong. "Oo naman, syempre. Ihahatid na lang kita mamaya sa classroom mo. Ano nga pala ang section mo?" "Sampaguita po, ate," magalang niyang sagot. "Ah. Kay, Mr Alombro ka. Sige dito ka muna." Nanatili siya sa principals office hanggang sa matapos ang flag ceremony. Ihinatid siya ng pinsan sa kanyang section. "Good morning Ma'am Ballejo," chorus na bati ng mga estudyante ng makita sila sa may pintuan. "Magandang umaga rin sa inyong lahat," nakangiting bati ng kanyang pinsan. Tahimik lang siya at nakikiramdam sa paligid, habang nasa kanya naman ang mata ng lahat ng mga estudyante. "Good morning, Ma'am. Siya na po ba ang transferee student natin?" tanong ng lalaking guro sa loob. Eto na marahil ang adviser nila. "Ahm... Yes. Ihahatid ko lang. Ikaw na ang bahala sa kanya Mr. Alombro." Sabi ng pinsan niya, tinapik siya nito ng bahagya sa balikat at saka nagpaalam na rin ito sa iba pang estudyante. Pinapasok siya ng guro, tumaya siya sa harap sa tabi nito. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang sa paraan ng pagtingin ng mga bago niyang classmates sa kanya. "Magandang umaga, Ms. Tuazon. Can you please introduce yourself to us?" Nakangiti nitong sabi. Bahagya siyang yumuko at tipid na ngumiti para magbigay galang sa lahat. "Good morning everyone," masigla niyang panimula. "I'm Cassandra Paula Tuazon, but you can call me Cass or Sandra-" pakilala niya sa kanyang sarili. Isa-isa niyang tinitignan ang mga bagong ka-kalse. Ipinagpatuloy niya ang pagpapakilala sa sarili. Lahat ng mata ay nasa kanya, nang matapos siya ay ang mga ito naman ang mga nagpakilala sa kanya. "Ms. Tuazon, maari ka nang maupo. May dalawang bakanteng upuan sa likod. Ikaw na ang bahalang mamili." "Thank you, Sir." Naglakad na siya papunta sa likod. Sa gawing kanan ang napili niya, sa tabi ng dalawang lalaki. Nginitian niya ang mga ito. "Gusto mo dito sa gitna namin Cassandra?" tanong ni Patrick. Tanda niya ang pangalan nito kaninang nagpakilala. "Okay lang ba?" tanong niya. Tumayo ito. "Oo naman. Dito ka," anito at lumipat sa uupuan niya sana. Nilingon naman siya ng mga bagong ka-klase. Ngayon ay pinag-gitnaan na siya nila Patrick at Emerson. Inobserbahan niya ang mga ka-klase niya, ang ilan sa kanila ay may mapanuring pagtingin na alam niyang hindi niya makaka-vibes, ang iba naman ay likas na mga pala-kaibigan. Sigurado siyang makakasundo niya ang mga ito. Naging maayos naman ang unang araw niya, dahil may mga nakipagkaibigan sa kanya. Karamihan ay mga lalaki, mangilan-ngilan lang ang babae. Inanyayahan siya ng mga ito na mag-meryenda kasama nila kaya hindi na siya na ilang pa. Mabilis niyang nakasundo ang mga ito. Sa buong maghapon ay hindi siya nakaramdam ng pagka-bagot, kahit papaano ay nakasabay naman siya sa mga aralin. Tapos na ang klase kaya nag-handa na sila sa pa-uwi.. "Uwi ka na rin, Cassandra?" tanong ni Emerson. Habang inaayos ang backpack nito sa armrest ng upuan nito. -malamang- Nais niyang isagot, pera hindi niya gagawin iyon. Sa halip. "Oo. Kayo ba?" balik tanong niya. "Oo din, e. Medyo malayo pa uuwian ko. Gusto mong sumabay sa akin?" anito. Mabait naman si Emerson kaya agad niyang nakasundo. Sila ni Patrick at iba pang tropa nito sa classroom. "Ganon ba? Sige sabay na lang tayo palabas ng school. Baka kasi sunduin ako ng papa o kuya ko," sagot niya. "Sige.Tara. Jonas. Tara na!" aya pa sa iba pang kaibigan sa kaliwang row. Sinukbit na niya ang bag sa kanyang balikat, palabas sila ng pinto ng marinig niya ang bulungan ng mga ilang kababihan sa corridor ng classroom nila. Pawang mga ahead ang iba sa kanila, ang ilan nama ay mga ka-klase niya. "Kabago-bago, papansin na. Kay Emerson pa talaga sumasabay?" mahinang sabi ng babaeng mukang mais ang buhok. "Kaya nga. Tapos doon pa talaga nakiupo," sigunda ng isa na mukang espasol ang muka sa kapal ng pulbo. Natawa siya ng palihim, unang araw may demonyo na namang nagbabadya na guluhin ang pilit niyang inaayos na buhay? Marahil crush ng mga ito si Emerson, hindi niya masisisi ang mga ito dahil una niyang napansin kay Emerson ay guwapo ito at matangkad. Malakas ang appeal. "Tara na Cassandra, 'wag mo silang pansinin," aya ni Patrick. Pati pala ito ay narinig din. "Matagal nang nagpa-pansin mga 'yan kay Emerson. Diba Son?" anito sa kasama nila. "Oo. Hayaan mo sila," anito at saka natawa. Parang may nakakatawa naman sa sinabi niya. Nang makatapat sila sa grupo ng mga babae imbes na simangutan niya ang mga ito ay nginitian pa niya napakatamis. Nasapian na naman siya ng kasutilan niya. Bahala kayong mainggit, mga pangit. Piping sabi niya. "Tara classmates, sabay-sabay na tayong umuwi," tudyo niya sa mga ito. Inirapan lang siya ng mga ito. Hindi naman siya apektado. Naglakad sila papuntang gate ng school campus, marami nang kapwa estudyante ang palabas ding tulad nila. Pagka-labas nila ay nakita niya ang kanilang jeep, marahil ito ang ginamit ng ama para sunduin siya. Kasama ng ama niya ang dalawa niyang maliit na kapatid na si Philip at Frank. Kasama rin ang tiyuhing kapatid ng mama niya. "Ate!" sigaw ni Philip, kinawayan niya ang mga ito. "Inyo pala 'yang jeep na 'yan Cassandra? BIg time pala kayo?" ani Patrick. "Sa papa ko. Hindi ako kasali sa big time. Ang papa at mama ko lang." tanggi niya. "Sos... Pa-humble ka naman." si Patrick uli. Tahimik lang naman si Emerson sa tabi niya. "Sige, mauna na ako," aniya at saka na naglakad papunta sa kanilang sasakyan. "Sige. Bukas ulit," kaway ni Emerson. Nang makalapit siya sa kanilang sasakyan ay nag-mano muna siya sa kanyang papa at tiyuhin, ginulo naman niya ang buhok ng dalawa niyang nanahimik na kapatid. Tuwang tuwa ang mga ito sa kanya. Sa bandang harap siya naupo sa tabi ng papa nila kasama sina Philip at Frank. "Jovert, tawagin mo na yung mga estudyanteng kapit-bahay natin at sumabay na sa atin para hindi na sila maglakad," mando ng papa niya sa kanyang tiyuhin. Bumaba naman ang tiyuhin niya para tawagin ang mga sinasabi ng papa niya. Marahil nahabag ang kanyang papa dahil mangilan ngilan lang naman ang may mga sariling service katulad nila. Malayo pa naman ang paaralan nila sa kanilang mga bahay, kailangan ding sumakay kundi lalakarin mo ito ng trenta minutos. Tahimik lang siyang naghintay habang kalong ang bunsong kapatid na si Frank. Nakita niyang nagsisakayan ang mga estudyanteng tulad niya, ang iba sa mga ito ay kilala niya dahil nakikita niya ang mga ito sa kanila. Marami rin pala silang naglalakad, naisip niya napaka-swerte niya dahil hindi niya na kailanang magising ng maaga para lang maglakad papasok at pauwi ng bahay. Nang makasakay na ang mga ito ay saka lang pinaandar ng papa niya ang sasakyan. Masaya siya na nagkaroon siya ng mabutin at matulunging ama kahit napaka istrikto nito. Dumaan muna sila sa centro para mamili ng ilang bagay na pinabibili raw ng kanyang mama. "Gusto mo bang samahan ang uncle mo anak? Tulungan mo na lang, isama mo si Philip, ibili mo na rin ng chuckie." sabi ng papa niya. Tumalima naman siya, hawak ang kamay ng kanyang kapatid ay sinamahan nila ang tiyuhin. Habang binabagtas ang daan patungong talipapa ay napadaan sila sa basketball court. May mga naglalaro, tinignan niya ang mga ito wala ni isa ang kilala niya. Napahinto ang mga ito sa paglalaro, nakaramdam siya ng pagkailang ng nakuha niya ang mga atensiyon nila. -ngayon lang ba kayo nakita ng tao?- sarkastika niyang tanong sa isip. "Justine, pre! Diba siya 'yon?" sabi ng isang medyo patpating lalaki sa lalaking matangkad na feeling F4 sa style ng buhok nito. "Oo. Siya nga, Anak ni tito Sandro," sabi ng tinawag na Justine. "Type mo 'no? Ligawan mo na." sabi naman ng isa. - mga loko to, a. akala nila hindi ko naririnig?- sabi niya sa sarili. Muli niyang sinulyapan ang nag ngangalang Justine. Hindi ito gwapo, matangkad lang kaya medyo ma-appeal. In short, hindi niya type. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito at sinundan ang tiyuhin sa talipapa. Mabilis lang naman silang namili, pabalik na sila sa sasakyan ng mapadaan muli sila sa court. Wala nang mga naglalaro, nakaupo na ang mga lalaki kanina sa mahabang simentong bench. "Bye... Sandra na type ni boss Justine." Sabi ng isa. Siniko naman ito ng Justine. "Gago! Nakakahiya sa tiyuhin," anito. Nagtawanan ang mga kasama nito. Hindi niya na pinansin pa at mas binilisan pa ang paglalakad. -ganito ba ang mga tao sa baryo? mga asal ewan- irita niyang tanong. Nang makalampas sila roon ay nagsalita ang kanyang tiyuhin. "Mukang kursunada ka ng anak ni Kapitan pamangkin, a?" tudyo ng tiyuhin sa kanya. Nalukot ang muka niya sa narinig. "Uncle naman! anu-ano sinasabi mo," natatawa niyang sabi. "E, narinig ko kanina 'yung sinabi nila." "Guni-guni mo lang 'yon, uncle. Tara na bilisan na po natin baka naiinip na sila papa." "Ate, nakalimutan mo ako bilhan ng chuckie," singit ni Philip. Oo nga pala at nawala na sa isip niya. Pinang gigilan niya ang matabang pisngi nito. "Next time na lang Phil, may yakult ka pa sa bahay nakita ko sa ref," palusot niya. nungkang babalik pa siya at dadaan sa mga lalaking iyon. "Sige ate, tag dalawa kami ni Frank, ha?" pag-payag nang kapatid. Mabuti na lang may nakita pa siyang yakult kaninang umaga sa ref. "Oo, kahit 'tig tatlo pa kayo." "Sabi mo 'yan, a!" paniniguro ng kapatid. "Oo na nga. Bilis na," aniya sa kapatid. Muli niyang nilingon ang grupo ng mga lalaki sa court at laking pagkakamali niya dahil nakatingin ang iba sa kanila lalo na ang nag ngangalang Justine and worse kumaway pa ito sa kanya. Napailing na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD