Chapter Four

1548 Words
Hindi namamalayan ni Cassandra na naka-tatlong buwan na siya at ni kahit minsan ay hindi pa naipatawag ang parents niya dahil may nagawang kalokohan tulad ng dati. Para sa kaniya ay achievement na ito. Naging maayos at masaya ang mga araw niya sa tulong ng mga bago niyang kaibigan. Pero isang bagay na bumabagabag sa kanya ay ang mga kaklase at kamag-aral niyang inggit sa kanya. Hinidi niya maintindihan ang mga ito kung bakit na lang ganon ang inggit sa kaniya gayong sa tingin niya sa sarili niya ay hindi siya ganon kaganda at katalino. Kung hindi lang siya nagtitimpi ay napatulan niya na ang mga ito dahil kung pasaring ang mga ito sa kanya ay akala mo hindi niya naririnig. Mabuti na lang at laging to the rescue ang grupo ni Emerson para ma-divert ang atensiyon niya. Sa nagdaang araw ay nakasanayan na nila ang maglaga ng kung anu-ano para makatipid sa baon ang mga kaibigan niya. Lagi man siyang pinababaunan ng sapat na pera ng kanyang mama ay mas gusto niyang kasalo ang mga kaibigan sa likod ng paaralan at malaking tipid niya pa dahil 1/4 kilong asukal lang ang bibilhin niya para sa sawsawan ng nilagang kamote. Kasalukuyan silang kumakain ng nilagang kamote at mais na nilaga nila sa likod ng amphitheatre nang sitahin sila ng isa nilang kaklase. Isa ito sa mga babaeng naiinis sa kanya. Hindi rin lingid sa kaalaman nilang magkakaibigan na nagpapa-cute lang ito sa mga lalaki na kaibigan niya at kunwari ay naninita. "Lagot kayo!" sabi ni Liza. Ang kaklase nilang may gusto sa isa nilang kaibigan na si Rain. "Bakit naman?" Tanong ni Patrick habang ngumunguya ng mais. "Saan niyo na naman kinuha 'yang mais na nilaga niyo?" "Saan pa? Di, diyan sa maisan. Alangan naman sa pharmacia..." pamimilosopo ni Ronnie. "At saka bakit? Naiinggit ka? Rain, bigyan mo nga 'yang may crush sa'yo para hindi mag-ingay," tudyo pa nito. Namula at napasimangot naman si Liza bago tumungin sa kaniya. "Salamat na lang dahil hindi ako kumakain ng nakaw," maarteng sabi nito. Natatawa siya dito dahil hindi naman kagandahan ito pero akala yata ay napakaganda sa tuwing nag pa-pout ito at nagpli-flip ng buhok. "Anong nakaw naman ang pinagsasabi mo?" inis na tanong ni Patrick. Tahimik lang silang nakikinig ni Emerson habang pinagbabalat siya nito ng kamote at isinasawsaw iyon sa asukal na nakalagay sa dahon ng saging. "Bakit, hindi ba nakaw 'yan?" "Hindi, a! Nagpaalam kaya kami," ani Rain. "At kanino naman kayo nagpaalam, aber?" "Syempre, saan pa di sa puno ng mais! Sumagot pa nga, sabi sige lang kuha lang kayo damihan niyo pa," sagot ni Rain. Nagtawanan sila sa kalokohan nito. Malakas din itong mang-asar minsan. "Isusumbong ko kayo," inis na sabi ni Liza. "Sumbong ka lang, samahan ka pa namin kung gusto mo." mayabang na sagot ni Patrick. "Tama na 'yan," atipa naman ni Emerson. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kahit magsumbong pa ito, tutal ay na-miss niya na rin mapa-guidance. Padabog naman silang iniwan ni Liza, hinayaan nila ito at ipininagpatuloy nilang kainin ang mga nilaga nilang merienda. Ang hindi nila alam ay nagsumbong nga talaga si Liza sa principal nila kaya kinabukasan ay ipinatawag ang mga magulang nila. Hindi makaimik si Cassandra dahil medyo nahihiya siya, tanging siya lang ang nag-iisang babae sa grupo nila ang ipinitawag. Hindi nakasali si Dion dahil wala ito ng basta na lang sila nanguha ng bunga ng mais sa likod ng paaralan nila. Tahimik lang silang anim habang nakikinig at nakatayo sa isang sulok ng principals office. Ang mga magulang naman nila ay naroon din na mukang disappointed na naman sa mga anak. Pati ang may-ari ng maisan na kinuhanan nila ay naroon din kasama ang anak nitong hindi niya inaasahang makita. Natatandaan niya ito dahil ito ang lalaki sa talipapa. Kanina pa ito tingin ng tingin sa kaniya hindi niya alam kung bakit, marahil may dumi siya sa muka. "Ano po ang nais niyong mangyari Kapitan sa nagawa ng mga bata?" tanong ng principal nila. "Ang nais ko sana ay hindi na ito maulit pa dahil sa pagkakatanda ko ay hindi lang isang beses ko napansin na walang bunga ang iba kong pananim. Sa pagkakatanda ko ay tatlong beses nang nakuhanan ang mga maisan ko," anito. Napangiwi naman si Cassandra at napasulyap sa mga kasamahan niya na nakatungo rin. Ang galing naman tantiyado kung ilang beses? Nais niyang isatinig ngunit pinigilan niya. Natatawa pa siya sa mga itsura ng mga katabi niya dahil ang tatapang ng mga ito kahapon na maghamon kay Liza pero ngayon ay animoy para ng mga mababait na tupa. "Sinisiguro namin kumpadre na hindi na ito mauulit. Kaming mga magulang ay nag-usap-usap na kapag naulit pa ang mga ganitong gawain ay kami na mismo ang magsusuplong sa kinauukulan upang sa ganon ay hindi na ito maulit." Napalunok siya sa sinabi ng papa niya, hindi naglakas loob na tignan ito dahil alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan nito. Panigurado ay may award ceremony na naman sa bahay nila mamaya. Kung bakit ba naman kasi ang papa niya ang pumunta gayong ang mama niya ang ipinatawag. Mas madaling kausap ang mama niya kaysa sa papa niya. "Asahan niyo po Kapitan," anang mga magulang nila Patrick. "Kung ako lang ang tatanungin ay pumapayag ako. Pero ang maisang iyon ay pagaari ng aking binata. Kaya kung inyong mamarapatin ay hihingin ko ang kaniyang opinyon." "Sige ho, Kapitan." "Justine anong masasabi mo, iho?" tanong ng principal sa anak ng punong barangay nila. Nakatungo pa rin siya habang nakikinig. Wala ni kahit isa sakanil ang magkakaibigan ang gustong magsalita at mag-angat ng tingin sa mga matatanda sa loob ng kwarto. Narinig niyang tumikhim muna ang lalaki. "Sa palagay ko po ay dapat silang mabigyan ng karampatang parusa." Sa sinabi nito ay halos sabay-sabay silang magkakaibigan na nag-angat ng tingin sa binata ni kapitan. Hinawakan siya sa siko ni Emerson. Hindi niya maaring mapalampas ito. "Ma'am mga sir. Pasensiya na po kung magsasalita ako. Ako po si Emerson ang tumatayong leader nila at nagsabing manguha ng mais sa mais ninyo. Kung paparusahan niyo po kami 'wag niyo na po sanang idamay si Cassandra dahil inaya lang po namin siya," dipensa ni Emerson sa kaniya. Napatingin siya sa kaibigan na napaka-sincere sa sinasabi. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. "Oo nga po ma'am. Sa katunayan po niyan ayaw po ni Cassandra pero mapilit po kami. Wala pong kinalaman si Cassandra sa mga ginawa namin," sigunda pa ni Patrick. Gusto niyang magsalita at pabulaanan ang mga sinasabi ng mga kaibigan pero kapag ginawa niya iyon ay baka mas lumala pa ang sitwasyon. "Totoo ba 'yon Rain at Ronie?" tanong ng principal sa dalawa niya pang kaibigan. Mabilis namang tumango ang dalawa, bakit ba siya pinagtatakpan ng mga ito? "Anong masasabi mo Justine?" Tumingin ang lalaki sa kaniya ngunit iniwasan niya ang mga mata nito. "Kung ganoon po ay kailangang nilang maintindihan na mali ang nagawa nila kaya dapat lang na maparusan sila," anito. Naiinis siya dahil mukang matalino ito pero nasobrahan na yata, hindi ba ito aware na mga minor de edad lang sila? Hindi niya na napigilan ang sarili at nagsalita. "Actually, I am the one who should be blame here," aniya. Napatingin ang lahat sa kaniya. Tumingin naman siya sa papa niya na may hiya sa mata. "Kung ganon ay lahat kayo ay mapaparusahan," pinal na sabi ni Justine. Nagpupuyod siya sa inis, gusto niyang kalmutin ito mabuti na lang at nahawakan siya sa kamay ni Emerason. Wala silang nagawang magkakaibigan ng matapos ang usapan. Lahat sila ay kasama sa community service. Mag lilinis sila sa daan at sa Brgy Hall kada Lingo sa loob ng isang buwan. Pagkauwi ng bahay ay tahimik ang lahat, ang ate niya ay nakairap na naman sa kaniya na para siyang outsider. "Cassandra sumunod ka sa akin mamaya. Mag-uusap tayo pagkatapos mong kumain," mariing sinabi ng kanilang ama bago ito tumayo sa kinauupuan. Napatingin siya rito at amagalang na sumagot. Napansin niya na hindi man lang nito inubos ang pagkain na nasa plato nito. "Tapusin mo na anak ang pagkain mo, kamj na ng bahala dito ang ate mo na ang bahalang mag-urong ng pinagkainan," anang mama niya. "Ako na naman?!" Agad na reklamo ng ate niya. Masama ang tingin nito sa kaniya. Hindi man lang ito natakot na magpakita ng kagaspangan ng ugali sa harap ng kanilang mama. Hindi umimik ang kanyang ina. "Sige, kung ayaw mo ikaw mag-alaga sa mga kapatid mo at ako ang gagawa," sagot ng kanilang ina na nakapag-pasimangot sa ate niya. "Ako na lang po, ma." Singit naman ng kuya niya dahil alam nitong pag-iinitan na naman siya ng ate niya kapag ito ang gumawa. "Salamat anak." Lumapit ang mama niya at bumulong sa kaniya. "Huwag kang sumagot ng hindi maganda sa papa mo anak, ha! Ayusin mo ang pagsagot, lambingin mo na lang at mangako kang hindi na uulit," anito Napangiti siya sa sinabi ng mama niya at saka ito niyakap. Medyo kinakabahan lang siya dahil baka mapaalis na naman siya sa poder ng ama hindi na niya alam kung saan siya ipapatapon kaya gagawin niya nag best niya para hindi ito lalo magalit. saan siya ipapatapon kaya gagawin niya nag best niya para hindi ito lalo magalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD