Chapter Five

1690 Words
Inis na inis si Cassandra habang naglilinis sa loob ng Brgy. Hall dahil ang tanging kasama niya sa loob ng tanggapan ng Kapitan ay walang iba kundi ang hambog na si Justine. Ang iba niya namang mga kaibigan ay sa likod ng amphitheatre pinag-linis dahil mga lalaki raw ang mga ito. Gustuhin man niyang sama-sama sila upang gawin ang community service ay wala siyang nagawa. Ang sabi nga ng papa niya kailangan nilang pagdusahan ang kasalanan nila, pasalamat pa raw siya at hindi na naman siya nasuspinde tulad noong nasa private school pa siya. Napairap siya kay Justine dahil panay ang tingin nito sa kaniya. "Problema mo?" mataray niyang tanong. Napangiti ito at lumapit sa kaniya. "Wala naman. Natutuwa lang akong makita ka at makasama ka," anito ng hindi man lang kinilabutan sa sinabi nito. Tinaasan niya ito ng kilay at saka sinamaan ng tingin. "Pwes. Ako hindi natutuwa. At puwede ba lumayo ka! Masyado kang malapit, 'di tayo close." "Ang sungit mo nga pala talaga..." nakangisi nitong pahayag. "Huli ka na sa balita." Ngumisi ito sa kaniya. "'Wag ka ngang ngumisi, nagmumuka kang aso," inis niyang sabi. Sukat sa sinabi niya ay humalakhak ito ang nakakainis pa ay dumagundong iyon sa buong silid ng Brgy. Hall. Nagtiim bagang siya para pigilan ang inis na gustong kumawala sa kaniya. Nag inhale exhale siya para pakalmahin ang sarili at saka pinagpatuloy ang paglilinis. Binilisan niya ang pagwawalis. Gusto niya nang matapos na iyon dahil kating-kati na siyang makaalis sa lugar at iwan si Justine. "Puwede ba tayong maging magkaibigan Cassandra?" out of nowhere Justine asked. Nilingon niya ito at nag-isip. "Okay!" Bigalang nagliwanag ang muka ni Justine sa sinabi niya. "Talaga?" tanong nito. "Hindi! Joke lang..." "Seryoso nga kasi, Cassandra. Can we be friends?" tanong nito. Tinignan niya ito sa mata na mukang tinitimbang ang sasabihin. "Sige. Pero... libre ka mamaya after dito ha!?" aniya. Para namang nagliwanag ang mga mata ni Justine sa sinabi niya pati ang ngiti nito ay pagkatamis-tamis. "Sure! 'yun lang naman pala. Thank you, Cass." anito. Tinanguan niya lang ito. "Linis na tayo ng matapos na, nagugutom na ako," kunwari niyang sabi pero ang totoo ay gusto niya lang makaiwas sa mga tingin nito. Mabilis lang natapos ang paglilinis nila kaya pagsapit ng alas-onse ay tapos na sila. Nauna na siyang lumabas para puntahan ang mga kaibigan niya sa likod ng amphitheatre. "Cassandra! Wait!" tawag ni Justine sa kaniya. Hindi niya ito nilingon baggus deretso lang siya ng lakad. Humabol ito sa kaniya at sumabay sa paglalakad. Natanaw niya ang abala pa ring mga kaibigan sa pagsasako ng damo. "Akala ko ba gutom ka na? Tara na libre na kita," anito. Hindi niya ito pinansin hanggang sa nasa harap na sila nila Emerson. "Son. 'Di pa kayo tapos?" tanong niya sa kaibigan. Tumayo ito at umiling bakas na sa muka nito na pagod na ito. Inilabas niya ang towel sa kaniyang backpack at iniabot 'yon kay Emerson. Inalis nito ang cap at kinuha ang towel sa kaniya sabay nagpunas ng pawis. "Son, Rick, Rain! Daliaan niyo at ililibre daw tayo ni kuya Justine," aniya at dininan pa ang salitang kuya para mang-asar. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman ang pagpapalipad hangin nito sa kaniya. Kaya bakit hindi niya na lang ito sakyan. Agad na napalingon ang iba niyang mga kaibigan at nakita ang mga muka nitong nagliwanag, marahil gutom na rin ang mga ito. "Talaga?" Natutuwang tanong ni Patrick habang hawak ang bolo na panglinis. "Oo raw, 'di ba, kuya?" tanong niya sa nakaseryosong si Justine. Natatawa siya dito, akala siguro ay siya lang ang ililibre nito. Hindi naman siya makakapayag na hindi kasama ang mga kaibigan, hindi niya maatim na kumakain siya habang gutom ang mga ito. Nagsalita si Patrick. "Wow! Sige bibilisan na namin, nakakagutom maglinis. Para namang sampong taon 'to hindi nali--" natigilan ito ng sikuhin ni Rain. Tumingin siya kay Justine "Ano ready kana? Malakas kumain ang mga 'yan," natatawang sabi niya. Hindi naman makaimik si Justine. Tinulungan nila ang kanilang mga kaibigan para mabilis na matapos. Nang magtanghalian na ay sabay-sabay silang nagtungo sa pinakamalapit na kainan. Napansin ni Cassandra ang pananahimik ni Justine lalo na nang si Emerson ang tinatabihan niya, hindi naman siya ganon ka-insensitive kaya nilapitan niya ito. "Ok ka lang po ba?" Tumingin ito sa kaniya at saka siya nginitian. "Yes. After this, puwede na ba kitang ihatid?" Napaisip siya at napatingin sa kaniyang mga kaibigan na kumakain pa rin. Ang huli ay si Emerson na nakatingin din sa kaniya. "Ha? A, e. Puwede bang sa mga kaibigan ko na lang ako sasabay? Baka kasi may gagawin ka pa, nakakaabala pa ako," pagdadahilan niya. "Hindi naman. At saka ipinagpaalam kita kay uncle kanina." Alanganin siyang ngumitu. "Ah, ok. Sige." Wala na siyang nagawa pa kundi sumunod sa sinabi nito. Ihinatid nga siya nito sa kanilang bahay, lahat ay nagulat ng makita siyang ihinatid ni Justine maliban sa kaniyang papa. Hindi na rin nagtagal si Justine at nagpaalam rin agad sa kaniyang mga magulang. Magpasamat naman ang mga ito sa paghatid sa kanya. Nang makaalis si Justine ay nakita niya ang matang mapanghusga ng kaniyang ate. Tulad ng dati nakairap na naman ito sa kaniya. "Mabait pala 'yang binata ni pareng Orlando ano mahal?" anang mama niya sa kaniyang papa. "Oo, mahal. Maganda ang ginawang pagpapalaki sa kanila. Mabuti na lang at nag-prisintang ihatid itong dalaga natin kahit may kasalanan pa," tugon ng papa niya. Napayuko naman siya sa huling sinabi ng ama. Nahihiya pa rin siya dahil sa kanilang nagawa. Nagpaalam siyang magbibihis na para makatulong sa paghahanda ng kanilang hapunan. Matapos siyang magbihis ay tumulong sila ng kaniyang kuya sa paghahanda ng lulutuin. Nang makapagluto na ang mama nila ay tinawag na nila kanilang papa at mga kapatid. Nang makaupo na lahat ay sabay-sabay silang nanalangin at nagpasalamat sa ama. Matapos 'yon ay saka sila kumain. Ipinagsandok siya ng kaniyang kuya ng kanin dahil medyo malayo sa kaniya ang mangkok. "Thank you, kuya." "'Ge, lang. Kain na." Napasarap siya ng kain dahil ang paburito niyang pinakbet at kinilaw ang niluto ng kaniyang mama. Ito ang gustong-gusto niya sa kaniyang mama napakagaling nitong magluto. "Mama. The best ka talaga, love you!" hindi niya napigilang masabi. Ngumiti naman ang kaniyang mama at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Nambola ka na naman, anak. Sige lang kumain ka ng marami." "Sipsip! Pabida na lang palagi. Akala mo naman kung sincere sa sinasabi." Pairap na singit ng kanyang ate. Magkakasabay nilang nilingon ito maliban sa mga maliliit niyang kapatid na walang paki sa paligid habang puno ng pagkain ang mga bibig. "Kumain ka na lang Lota, anak. Tama na ang masamang tingin, nasa harap tayo ng pagkain," sita ng kanilang mama. "Sabihin niyo rin 'yan kay Cassandra, bait-baitan pang nalalaman bruha din naman! Plastik!" nakabusangot na sagot nito sa kanilang ina. Napabuntong hininga naman ang kanilang ama sa inasal ng kapatid. Hindi siya nagsalita dahil sa ayaw niyang patulan ang ate niya bilang respeto na rin dahil ito ang nakakatanda at nakaharap ang mga magulang nila. "Carlota..." warning ng kaniyang kuya Jr na masama na ang tingin sa kanyang ate. Ibinaba ng kanilang ama ang hawak na kutsara at saka uminom ito ng tubig. "Tumayo ka na Carlota," mariing utos ng papa nila. Napatingin siya sa kanilang ama. Seryoso ito sa sinabi nito. Hindi naman makapaniwala si Carlota sa sinabi ng ama. "Hindi pa ako tap--" "Isa!" mabigat at madiing babala ng ama. Bakas sa muka ng kanyang ate ang pagtutol. "Pa... bakit ako lang? Si Cassandra din dapat," Maktol ng ate niya. Tahimik lahat sa hapag at nakikinig lang, walang may gustong makialam dahil alam nila ang ugali ng kanilang papa kapag ito ang nagdisiplina. "Dalawa... Kapag hindi ka pa tumayo riyan makikita mo," sabi ng kanilang ama na may pagbabanta. Pinukol muna siya ng masamang tingin ng kaniyang ate bago padabog na tumayo ito. Ilang sandali pa lang na nakatayo ito ay sumunod namang tumayo ang papa nila. Alam niyang dismayado ito sa pinakita ng kaniyang ate. "Tapusin niyo ang kinakain niyo huwag kayong tatayo hanggat hindi pa kayo natatapos," utos ng kanilang papa at saka na ito sinundan ang ate niya. "Opo, papa!" sabay nilang tugon na magkakapatid. "Kumain na kayo mga anak." Para naman nawalan na siya ng gana dahil sa natunghayan, ganon na ba talaga ang pagkamunghi ng kaniyang ate sa kaniya na kahit kaharap ang mga magulang nila ay hindi na nito maitago? Nagtinginan lang sila ng kuya niya Jr at nagpatuloy na sa pagkain. Ngunit ilang sandali lang ang nakalipas ng marinig nila ang iyak ng kaniyang ate. Napalunok siya dahil nakaramdam siya ng awa sa kaniyang ate, alam niyang pinarusahan ito ng kanilang papa. Nahinto sila sa kanilang salo-salo. Napatingin ang kanilang mama sa kanilang dalawa ng kaniyang kuya. Mas lumakas ang iyak ng ate niya kaya akmang tatayo na siya ng pigilan siya ng kaniyang kuya sa kamay kaya nabalik lang din siya sa kaniyang inuupuan. Umiling naman ang kanilang mama. "Ma. Baka mapano si ate," alalang sabi niya. "Hayaan mo na, deng. Mahirap na baka pati ikaw madamay sa pagdidisiplina sa kanya. Pero ikaw bahala kung gusto mo din masintron," anang kaniyang kuya. "Huwag mo nang subukan anak, hayaan niyo ang papa niyo na disiplinahin ang ate mo. Hindi siya sasaktan ng papa niyo kung hindi na siya sumosobra. Kumain na kayo at baka mamaya ay kayo pa ang pagbalingan. Tapusin niyo ang mga kinakain niyo." Wala siyang nagawa pinilit nilang tinapos ang hapunan kahit naririnig nila ang ate niyang umiiyak. Natatakot na tuloy siyang makagawa ng kamalian dahil sa maaring gawin ng kanilang papa. Lalo na ang kwento ng mga kuya niya sa kaniya ay noon kung mga ito ang nakagawa ng kamalian ay kung hindi sila sinisintron ay ibinabalibag sila nito. Ngayong natunghayan niya na ang kayang gawin ng papa nila ay kailangan niyang mag-ingat sa mga galaw niya kung ayaw niyang mapagbuhatan din siya ng kamay nito. Pero hindi niya maiwasang isipin ang ate niya panigurado nadagdagan na naman ang galit nito sa kanya. Ano pa ba ang aasahan niya sa ate niyang galit na galit sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD