“Kung hindi ko lang talaga kailangan ng magbabantay kapag umaalis ako ng rancho ay ayoko ng ibang tao sa bakuran ko. Pagtiyagaan ko muna itong si Ipe. Paalisin ko na lang pagkatapos ng isang linggo dahil bata ang kailangan kong kasama at gusto ko iyong binata pa para walang pamilyang obligasyon na dahilan para bumale ng bumale ng pera. Wala talaga akong balak na tanggapin siya lalo pa at may anak at bulag pa. Siguradong pabigat ang anak niya sa kanya na hindi nakakakita,” sabi ni Kanor habang inilalagay sa isang plastik bag ang mga mumurahing delata, noodles at mga sache na kape na natatanggap niya sa gobyerno sa tuwing may kalamidad gaya ng bagyo na nagiging sanhi ng pagbaha. Kinukuha talaga niya ang ayuda kahit hindi niya naman kinakain at itinatabi at siya talagang pinapakain sa mga nakikipag trabaho sa kanya. At marami na nga siyang naipon at siyang balak niyang ibigay kay Ipe para pagkain nito at ng bulag nitong anak.
Halos hindi makalakad si Kanor bitbit ang malaking plastik na may lamang mumurahing pagkain na na siya mismo ay ayaw kainin.
Luma at sira-sira na talaga ang kubo dahil matagal ng walag nakatira.
“Pwede na ang kubong ito sa mag-ama na makikitira sa akin sa loob ng isang linggo. Magpasalamat pa nga sila at may tutulugan sila at hinatiran ko pa sila ng kanilang makakain,” ani ni Kanor at saka ipinatong sa maalikabok na maliit na lamesa ang dala-dalang plastik ng pagkain.
Nilibot niya ang kabuuan ng kubo at gumagana pa rin naman ang poso na malapit sa kusina kaya may pagkukunan pa rin ng tubig ang mag-ama.
Maya-maya ay may narinig na nagpatao po sa labas ng gate si Kanor at hindi siya nagkamali ng sapantaha ng makita na si Ipe at may kasama na nga ito. Ang anak nitong bulag na may hawak pang mahabang patpat.
“Mang Kanor, heto po ang anak kong s Uella,” pagpapakilala ni Ipe sa anak na babae na may kapansanan sa mga mata na hindi nakakakakita.
Gaya ng suot ni Ipe ay nanlilimahid din ang suot na damit ng anak nitong babae. Ang blusa at pantalon na suot ay hindi makita kong ano ang tunay na kulay dahil sa kalumaan.
“Magandang umaga po, Mang Kanor. Maraming salamat po sa pagtanggap sa tatay ko sa trabaho,” pagpapasalamat ng anak ni Ipe kay Kanor sa malambing na tinig kasabay ng matamis na ngiti sa mga labi kahit hindi nakaharap sa taong pinasasalamatan.
“Babae pala ang anak mo, Ipe?” wika ni Kanor na alanganing maawa sa kalagayan ng mag-ama sa kanyang harapan.
Tumango si Ipe at saka hinawakan sa braso ang anakna si Uella na nakatali ang mahabang buhok at natatakpan ang mukha ng nanlilimahid din na tuwalya proteksyon sa init ng araw dahil wala silang payong na dala.
“Kaya nga hindi ko rin maiwan sa kung sino ang anak ko, Mang Kanor. Iba kasi ang panahon ngayon kaya saan man ako mapadpad ay kasa-kasama ko talaga ang nag-iisa kong anak na babae.” Ang paliwanag pa ni Ipe sa bagong amo.
Tumaas ang sulok ng itaas na labi ni Kanor dahil sa loob-loob niya ay sinong mag iinteres sa isang bulag na nanlilimahid pa ang buong katawan sa dumi at dungis. Mukhang hindi alam kung paano maligo o maglinis man lang ng katawan.
“Sabagay, may punto ka naman sa sinabi mo. Nakakatakot talaga ang panahon ngayon. Basta may palda ay pinapatos ng mga matatakaw sa hilaw na laman at walang pakialam sa itsura o sa amoy pa,” pagsang ayon ni Kanor kahit hindi naman talaga siya nakikisimpatya.
“Huwag po kayong mag-alala at tutulungan ko po ang tatay ko na maglinis at magtrabaho po rito sa rancho niyo,” ang imporma ni Uella na hindi pa rin nakaharap sa taong kinakausap.
“Aasahan ko yan, Neng. Kaya ako kumuha ng kasama sa rancho ay para may maasahan at makatuwang sa paglilinis at pagbabantay ng mga pag-aari ko. Kaya dapat lang na tumulong ka at hindi maging pabigat sa tatay mo. Ngunit may usapan pa kami ng tatay mo. Kailangan ko munang makita ang trabaho niya sa loob ng isang linggo at saka ko pa lang siya tatanggapin o kaya ay papaalisin,” paliwanag ni Kanor sa dalagang hindi nakakakita.
“Tiyak ho na magugustuhan niyo kung paano magtrabaho si Tatay. Masipag po siya at talagang maaasahan. At saka, tutulungan ko po siya kahit magdamo-damo lang po ako sa paligid,” sabi pa ni Uella dahilan para tumawa si Kanor.
“Pinapatawa mo ako, Neng. Paano kang magdadamo kung hindi ka naman nakakakita?” waring pang iinsulto pa ni Kanor sa dalagang bulag
“Kahit hindi ko naman po nakikita ay mahusay naman po akong kumapa sa paligid. Kakapain ko na lamang po ang mga damo para po mabunot ko. Mahusay po ako sa kapaan dahil nga po hindi ko nakikita,” sagot ni Uella.
Tumango-tango si Kanor.
“Talaga ba? Mahusay ka sa kapaan?” mga tanong ni Kanor na nagdadalawang isip pa kung maniniwala sa dalagang anak ni Ipe.
Nakangiti na tumango tango Uella sa bagong amo nilang mag-ama bagamat hindi niya naman nakikita.
“Basta nakatingin lang ako magmamasid-masid kung talagang maaasahan kayo at mahusay sa pagtatrabaho,” ang sagot ni Kanor at saka na itinuro sa mag-ama ang magiging pagkain ng mga ito sa paninirahan sa kanyang luma at sira-sirang kubo.
“Tipirin niyo na lang itong pagkain niyo. Baka naman kasi kainin niyo agad at manghingi kayo ay wala na akong ibibigay. Tipirin niyo yan hanggang umabot kayo ng isang linggo,” sabay tingin ni Kanot sa isang plastic ng mga delata, noodles at kape na naka sachet.
“Salamat po, Mang Kanor. Salamat po at makakain na kami ni Tatay,” pasasalamat ni Uella at saka pa kinapa ang mga pagkain na nakalagay sa isang plastik na akala mo ba ay napakasarap na pagkain.
“Ayokong magrereklamo ang mga trabahador ko na nagugutuman sila sa pagtatrabaho sa akin. Kaya nga agad ko ng dinala rito ang mga kakainin niyo pero naroon pa sa bodega ang bigas. Hindi ko kasi mabuhat kaya ikaw na lang ang bumuhat Ipe. Naroon sa bodega. Nakikita mo naman na nakabukas ang pinto,” turo at utos ni Kanor na agad namang tumalima si Ipe at nagtungo agad sa sinasabing bodega kung saan naroon ang bigas na kakanin nilang mag-ama.
“Salamat po ulit, Mang Kanor. Kung hindi lang po ako siguro bulag ay ako na ang nagtatrabaho at hindi na ang aking ama. Pwede na sana akong magtrabaho dahil twenty na apo ako kaso may kapansanan po ako,” ani ni Uella sa bagong amo ng ama.
“Twenty ka na pala? Kung hindi ka talaga bulag ay pwedeng-pwede ka ng magtrabaho,” tugon naman ni Kanor na napatitig sa dalaga na inalis na ang nakatakip sa ulo at mukha kaya naman lantay na ang kung anong itsura.
“Paano ka ba nabulag?” tanong ni Kanor at kinaway kaway pa ang kamay sa tapat ng mukha ni Uella na hindi talaga kumukurap ang mga mata indikasyon na hindi nakikita ang kamay ni Kanor.
“Simula po ng pinanganak ako. Pero gaya po ng sabi ko ay hindi naman po ako pabigat. Masipag po ako dahil mahusay ako sa kapaan,” pagmamalaki pa ni Uella.