Chapter - 6

1901 Words
Dinala siya ng kanyang Ninang Giselle sa isang mamahaling restaurant. Isang bagay na lubos niyang kinatuwa. Ngayon lang siya makakapasok sa ganitong klaseng lugar, at ngayon lang din siya makakatikim ng pagkain na dati ay sa social media at pelikula niya lang nakikita. Yung mga pagkain na kapag pinost mo, automatic may mga magco-comment ng sana all. Isa ito sa mga bagay na matagal na niyang pinapangarap. At balang araw, sisiguraduhin niyang kasama niya rito ang Mommy niya. Hindi para magtrabaho. Hindi para maghugas ng pinggan. Kundi para kumain. Para umorder ng kahit ano. Para hindi na magtanong kung magkano. Pero sa ngayon. Kailangan muna niyang magtrabaho. Kailangan niyang galingan. Kailangan niyang magtagumpay. Tahimik niyang pinagmasdan ang paligid habang nakaupo sila. Eleganteng ilaw ang nagbibigay ng mainit pero sopistikadong ambiance sa lugar. May marahang tugtog ng piano sa background, at ang bawat mesa ay maayos ang pagkakaayos, may kandila sa gitna, makikinang na kubyertos, at mga basong kristal na kumikislap sa ilaw. Sa bawat sulok, may mga waiter na nakatayo nang tuwid, naghihintay lang ng senyas. Amoy mamahaling pabango at pera ang buong restaurant. Hindi yung amoy ng fried chicken sa fast food. Hindi yung amoy ng pawis at pagod. Hindi yung amoy ng mantika. Ito, amoy yung hindi mo kayang bilhin sa palengke. Napansin niya rin ang mga taong naroroon. Halos lahat ay may dating, mga lalaking naka-suit na halatang hindi binili sa Divisoria, mga babaeng naka-eleganteng damit na hindi mo makikita sa ukay. Kahit ang kilos nila ay puno ng kumpiyansa, parang sanay na sanay sa ganitong mundo. Walang nagmamadali. Walang sumisigaw para tawagin ang waiter. Isang tingin lang, nandiyan na agad. Walang nagbibilang ng sukli. Walang nagtatanong kung may service charge. Hindi niya maiwasang mapangiti. Ganito ang mundo na gusto kong pasukin, bulong niya sa sarili. Yung mundo na hindi kailangang mag-alala kung may pangbayad ka. Yung mundo na ikaw ang hinihintay, hindi ikaw ang naghihintay. Yung mundo na pagpasok mo, lahat nakatingin pero hindi para husgahan, kundi para hangaan. Kahit wala siyang ideya sa karamihan ng nasa menu, naglakas-loob pa rin siyang umorder. Pinag-aralan niya ang bawat nakasulat, kahit hindi niya kilala ang pangalan ng pagkain, binasa niya ang ingredients at doon siya nag-base ng pipiliin. Ayaw niyang magmukhang ignorante. Ayaw niyang mahalata na hindi siya sanay sa ganitong klaseng lugar. Ayaw niyang isipin ng Ninang niya na nagkamali ito ng pinili. Truffle. Caviar. Wagyu. Foie gras. Mga salitang ngayon lang niya binibigkas nang malakas. Mga salitang dati, sa cooking show lang niya naririnig. Pero kailangan niyang masanay. Dahil simula ngayon, ito na ang magiging normal niya. Ito na ang magiging hapunan niya. Ito na ang magiging buhay niya. “Hope you’ll like this place,” nakangiting saad ng Ninang Giselle niya habang hawak ang wine glass na may lamang red wine. Napatingin siya rito. Sa itsura pa lang ng inumin, halatang mahal na. Sa taon ng wine at sa pangalan nito, siguradong hindi basta-basta ang halaga. Baka nga ang isang baso ay katumbas na ng isang linggong allowance niya noon. Isang linggong baon. Isang linggong ulam. Isang linggong pamasahe. Pero siyempre, para sa Ninang niya, normal lang iyon, balewala ang presyo rito. Para sa Ninang niya, ang isang baso ng wine ay parang tubig lang. Iinom mo, uubusin mo, oorder ka ulit. Walang tingin sa resibo. “Beautiful, Tita,” nakangiti niyang tugon. Sinasanay na niyang tawagin itong Tita. Kailangan niyang masanay bago pa dumating si Damian. Kailangan natural na sa bibig niya. Kailangan walang sabit. Kailangan pag narinig ni Damian, maniniwala siyang pamangkin talaga siya. “Anyway,” saad ng Ninang niya habang marahang iniikot ang wine glass, pinapanood ang pulang likido na umikot-ikot, “dinala kita rito para mapag-usapan natin nang maayos ang plano tungkol kay Damian.” Tumango siya. Narito rin siya para doon. Para sa trabaho. Para sa misyon. Hindi para mag-enjoy lang. Hindi para mag-selfie lang. Kahit na gusto niyang mag-selfie. Kahit na gusto niyang i-post ang bawat sulok ng restaurant na ito. “At saka,” dagdag nito, “gusto kong masanay ka sa ganitong lugar. Hindi ka pwedeng magmukhang out of place kapag nandito ka na sa mundo namin.” Napangiti siya. Iyon din ang gusto niya, ang mapasok ang mundo ng mga ito. Hindi bilang bisita. Hindi bilang turista. Kundi bilang may-ari. Hindi bilang yung nagpapa-picture lang sa labas. Kundi bilang yung nakatira sa loob. Hindi ako magmumukhang out of place, Tita. Sisiguraduhin kong mas bagay ako rito kaysa sa inyo. Sa isip niya. Dahil mas bata siya. Mas maganda siya. Mas gutom siya sa tagumpay. “I understand po, Tita,” sagot niya. “By the way po Tita,” saad niya, “hindi ko pa po nakikita ang itsura ni Damian. May picture po ba kayo?” Napatawa ang Ninang niya. “Bakit, natatakot ka ba na baka pangit siya?” biro nito. Umiling siya, may kumpiyansang ngiti sa labi. “Don’t worry po, Tita. Hindi po mahalaga sa akin ang itsura,” saad niya. “Ang mahalaga po ay kung ano ang meron siya.” Ang mahalaga ay yung bank account niya. Yung apelyido niya. Yung kayamanan niya. Ang mukha, nabibili. Ang pera, hindi. Ang ilong, pwedeng ipa-retoke. Ang kotse, hindi mo kayang ipa-retoke kung wala kang pambili, her thought. Lalong napatawa ang Ninang niya. “Iyan ang gusto ko sa iyo, Micah. Manang-mana ka talaga sa akin,” saad nito. Itinaas nito ang wine glass. “Cheers! Sa magiging partner ko sa pagyaman.” Ngumiti siya at kinuha ang sarili niyang wine glass. Sa wakas makakatikim na rin siya ng mamahaling wine. Hindi na yung emperador light. Hindi na yung gin bilog. “Cheers po, Tita,” sagot niya bago sumabay sa pag-inom. Sanay siya sa alak. Iba’t ibang klase na ang natikman niya, beer, cocktail, kahit mga mumurahing hard drinks sa bar na pinupuntahan nila ni Alex, pinapatos niya. Pero iba ito. Mas pino ang lasa. Mas smooth. Walang hapdi sa lalamunan. Parang bawat patak ay may kasamang dignidad. Parang bawat lagok, tumataas ang antas niya sa buhay. Ganito pala ang lasa ng yaman, naisip niya. Hindi mapait. Hindi masakit. Matamis. Malinis. Nakakalasing pero hindi ka masusuka. Nakakalasing pero gusto mo pa. Matapos iyon, inilabas ng Ninang niya ang cellphone nito. “Here,” saad nito habang ipinapakita ang larawan. “Damian is handsome. Bata pa lang siya, gwapo na at malakas na ang dating.” Kinuha niya ang cellphone at tinitigan ang larawan. Isang lalaking naka-suit, maayos ang buhok, at may kumpiyansang ngiti. Malinis ang hitsura, matangos ang ilong, at ang ngipin ay napaka-perfect. Yung ngiti na hindi pilit. Yung ngiti ng taong alam na kahit hindi siya ngumiti, maganda pa rin siya. Hindi niya napigilang mapangiti. Gwapo. At higit sa lahat mukha talagang mayaman. Hindi pilit. Hindi trying hard. Natural. Yung tipong kahit nakapambahay, halata mong hindi ordinaryo. Yung tipong kahit naka-tshirt lang, halatang mamahalin. Yung tipong kahit walang suot na alahas, kita mong may pera. “Ilang taon na po siya, Tita?” tanong niya. “Twenty-five,” sagot nito. “Pero huwag kang magpaloko sa edad niya. Napakatalino at tuso niyan, lalo na sa negosyo.” Bahagyang nagbago ang tono nito. “Kaya nga sobrang bilib sa kanya ang asawa ko. Lahat ng negosyo, ipinangalan sa kanya. Halos wala nang natira para sa akin.” Napahigpit ang hawak nito sa wine glass. “Five percent lang ang para sa akin, Micah. Imagine that,” dagdag nito na may halong galit. Saka iniling ang ulo. “Ako ang kasama ng Papa niya sa loob ng maraming taon. Ako ang nag-alaga. Ako ang nandiyan sa lahat. Tapos ngayon halos wala akong makukuha?” patuloy nito. “It’s unfair! Hindi tama! Hindi makatarungan!” Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Pero sa loob-loob niya, natural lang iyon. Anak pa rin ang pinili sa huli. Dugo pa rin ang mas makapal sa kasal. Dugo pa rin ang mas makapal sa kontrata. Pero para sa Ninang niya, hindi sapat ang kung anong meron ito. At iyon ang dahilan kung bakit narito siya ngayon. “Kaya Micah,” seryosong saad nito, “gawin mo ang lahat para mapa-in love si Damian. Kumilos ka agad. Kung kailangan mong mag-double time, gawin mo. Huwag mong hintayin na dumating ang Sophia na iyon.” “Sino po si Sophia?” tanong niya, kahit may kutob na siya. “Fiancée ni Damian,” sagot nito. Bahagya siyang napangiti. Mas lalo lang naging interesting ang lahat. May fiancée? Good. Mas masarap agawin ang bagay na pag-aari na ng iba. Mas masarap manalo kapag may natalo. Mas masarap ang tagumpay kapag may umiiyak. Magsasalita pa sana siya nang dumating ang waiter dala ang pagkain nila. Maingat nitong inilapag ang bawat plato. Maganda ang presentation. Halatang pinag-isipan. May bulaklak pa sa gilid ng plato. May sauce na naka-drawing. At ang amoy. Nakakagutom. Amoy pera. Amoy tagumpay. Amoy bagong buhay. “Micah,” muling saad ng Ninang niya. “Nabanggit ng Mommy mo na may boyfriend ka raw?” Bahagya siyang natigilan. “Ah… opo, Tita. Si Alex po. Pero makikipag-break na po ako sa kanya,” sagot niya. “Good,” saad nito. “Sa misyon mo kay Damian, wala kang dapat sabit. Forget all those men.” Napangiti siya. “Tita, eighteen lang po ako. Nag-e-enjoy lang po ako. I know my limits,” mahinahon niyang sagot. Ayaw niyang isipin ng Ninang niya na pabaya siya. Oo, adventurous siya. Oo, masaya siyang gumigimik kasama ang mga barkada, pero may kontrol siya. Si Alex ang una niyang boyfriend. At sa loob ng tatlong buwan, marami siyang natutunan, pag-inom, paglabas, pag-gimik sa mga bar, pakikisama sa ibang tao. Pero hindi siya nagpapadala. Hindi siya nagpapagamit. Birhen pa rin siya hanggang ngayon. May respeto siya sa kanyang sarili, hindi niya basta ibibigay sa kung sino lang ang iniingatan niyang p********e. Kung may makakakuha man nito, dapat karapat-dapat. Katulad ni Damian Navarro. Hindi si Alex na allowance niya lang sa basketball ang pang-date. Hindi si Alex na hanggang milk tea lang ang kaya. Hindi si Alex na kapag sinabi mong steak, ang iisipin chicken joy. Si Damian. Si Damian na kayang bilhin ang buong milk tea shop, isama pa ang coffee shop. Si Damian na kapag sinabi mong steak, A5 Wagyu ang darating. “At least alam mo ang limit mo,” saad ng Ninang niya. “Enjoy ka lang, pero huwag kang magpapagamit lalo na kung wala namang future.” Tumango siya. “I hope na bago dumating si Damian, tapos na kayo ni Alex,” dagdag nito. "Ayoko ng gulo, Micah." “Makakaasa po kayo, Tita,” sagot niya. “Good,” nakangiting saad nito. Tahimik silang kumain pagkatapos noon. Pero sa isip niya malinaw na malinaw ang lahat. Ang plano. Ang target. At ang buhay na naghihintay sa kanya. Habang sinusubo niya ang mamahaling pagkain, ramdam niya ang kakaibang saya. Hindi lang dahil sa lasa, kundi dahil sa pakiramdam. Pakiramdam na narito na siya sa mundong matagal na niyang pinapangarap. Yung steak, hindi niya alam kung anong part ng baka, pero alam niyang mahal. Yung wine, hindi niya alam kung anong taon, pero alam niyang mas matanda pa sa kanya. At sa mundong ito, hindi siya papayag na maging bisita lang. Kukunin niya ito. Aangkinin niya. At sisiguraduhin niyang, hindi na siya babalik sa dati niyang buhay. Sorry, Alex. Sorry, Mommy. Pero ngayon, ako naman. Ngayon, buhay ko naman. Ngayon, pangarap ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD